T.H. 21

1.1K 47 0
                                    

Yulia's PoV

"Ano ? Naniniwala kana ?"

Hindi na ako nag isip pa kung sino ang biglang sumulpot sa likuran ko.

Nandito ako ngayon sa may kwarto kung saan nakatago yung mga lumang larawan ng palasyo.

Matapos kong makausap yung kamag anak nina mama ay bumalik na ako sa palasyo na hindi nagpapaalam sa mga kasama ko. Tinawagan naman ako ni Plato nung malaman nilang wala ako kaya hindi na sila masyadong nag alala.

"Pano nyo ho ba nasabi ang mga yun ?" pagtatanong ko sa kanya

Lumapit naman siya sa akin at umupo sa isang upuan.

"Unang kita ko pa lang sayo iha alam ko na. Ang nakaraan mo, ang dinadamdam mo. Tulad nga ng sinabi ko sa iyo, hindi ako basta bastang bampira." sagot niya sa akin.

"Kaya ba iminungkahi mo na manatili ako dito sa palasyo ?" tanong kong muli sa kanya.

Tumango naman siya bilang tugon.

"P-pero imposible ho e. Panong naging ako ang prinsesang hinahanap nyo ? Hindi ko naman maramdaman na kakaiba ako. Na bampira rin ako." naguguluhang sabi ko sa kanya.

"Dahil yan sa batong nasa kwintas mo." sagot niya sa akin kaya dahan dahan kong hinawakan yung kuwintas ko.

Alam niya ?

"Ako mismo ang nag utos sa bato ng kuwintas na yan na itago ang iyong katauhan at protektahan ka sa mga magtatangkang manakit sa iyo. Itinago ng kwintas na yan ang iyong dugong maharlika upang mailayo ka sa mga kamay ni Tedorio. Kaya hindi niyan naitago ang katauhan mo sa akin." dagdag pa niya.

Tumayo ito at lumapit sa kinatatayuan ko.
Pagkatapos ay hinawakan ako sa balikat.

"Alam mo naman siguro kung bakit namin nagawang ilayo ka sa palasyo hindi ba ? Nais naming ilayo ka kay Tedorio. At protektahan sa mga alagad niya. Dahil sa taglay mong dugo at kapangyarihan ay hindi siya titigil hanggat hindi ka niya nahahanap at napapatay." sabi pa ni Ime

"Kapangyarihan ?" tanong ko sa kanya

Ngumiti naman siya sa akin.

"Oo mahal na prinsesa. Taglay mo ang isang napakalakas na kapangyarihan. Ngunit mag iingat ka. Dahil kapag ginamit mo ito nang hindi mo pa kabisado ay ikaw ang pupuntiryahin nito kamahalan. Kaya iminumungkahi ko sana na ipaalam mo na sa lahat kung sino ka." sabi niya sa akin.

"H-hindi pa po ako sigurado. Hindi pa po ako handa." sagot ko sa kanya

Hindi ko pa matanggap sa sarili ko.

Dahil sa mga nalaman ko, sinisisi ko na ang sarili ko sa pagkamatay nina mama at papa.
Nagalit ako sa mga bampira pero ang totoo pala, ako ang tunay na halimaw. Ako ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko.

"Naiintindihan ko ang panig mo prinsesa. Ngunit wag mo sanang isipin at sisihin ang sarili mo sa nangyari sa mag asawang Williams. Ikaw ay musmos at walang kamalay malay pa nung mga panahong iyon. Ang payo ko lang sa iyo. Tignan mo yung mga nakapaligid sayo. Hinahanap ka ng mga kaibigan mo. Hinahanap ka ng mga tunay mong magulang. Tignan mo kami. Pakiramdaman at tanggapin mo ang pagmamahal na inaalay namin sa iyo prinsesa." sabi niya pa sa akin.

At dahil dun ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko sa aking mga mata.
Pinahid ko ito at nakiusap kay Ime.

"Hayaan nyo ho sanang ako mismo ang magsabi sa kanila ng katotohanan. P-pero hindi pa po sa ngayon. Bigyan nyo pa po ako ng konting panahon para matanggap at maintindihan ang mga nangyayari Ime." pagpapakiusap ko sa kanya.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon