T.H. 33

1K 47 2
                                    


Yulia's PoV

"Ano ba Walter ! Hindi ka ba makahintay ?"

"Hindi"  sagot agad ni Walter kay Fiona habang ngumunguya nguya pa.

Tinapik naman ni Fiona yung kamay ni Walter nung kukuha pa sana ulit ito ng ham.

"Aissh. Sino ba hinihintay natin ? Nagugutom na ko e."  pagmamaktol naman ni Walter

Kumpleto na silang nakaupo sa isang sulok ng cafeteria nitong resort.

Hinilot hilot ko naman muna ang aking sentido bago ako tuluyang naglakad papalapit sa kanila.

Magisa nalang ako nung nagising ako kanina sa kwarto. Pati ang magaling kong asawa ay iniwan ako at tignan mo,  prenteng nakaupo pa sa kinauupuan niya at parang walang ginawa kagabi.

Tsss. Pasalamat talaga siya at masama ang pakiramdam ko kung hindi ay talagang hindu ako papayag na makatabi siya.  Stupid jerk monster. Tsss.

Mukhang nakita na nila akong papalapit kaya binati nila ako kahit na ilang steps pa bago makalapit sa kanila. Gunantihan ko naman sila ng ngiti.

Sumipat ako ng bakanteng upuan at mukhang inilaan talaga nila ang aking pwesto sa tabi ni Apex.

As if na tatabi ako sayo. Tsss.

Lumapit ako sa pwesto ni Plato at tinignan si Sarthou na nasa tabi niya.

"Ahmm. Pwede bang diyan muna ako umupo?" pakiusap ko kay Sarthou

Hindi naman siya nag alangan at agad na lumipat sa bakanteng upuan sa tabi ni Apex.

Naramdaman ko naman ang pagtahimik ng mga kasamahan namin.

"May LQ ba kayo ?"  rinig kong tanong ni Quantum kay Apex

Hindi ko naman iyon pinansin at saka tumingin kay Plato at mangiyak ngiyak na nagsumamo sa kanya

"Igawa mo ko ng egg sandwich" pakiusap ko sa kanya

Bigla naman siyang natigilan na parang may iniisip at saka tinignan ako na parang gulat.

Dahan dahan niyang itinaas ang kanyang kamay at kinapa ang aking noo.

"Aisssshh.  Sinasabi ko na nga ba ito ang kahahantungan nito eh."  sabi pa niya at saka tumayo para gawin ang sinasabi ko.

Nahihilo hilo pa akong sumandal sa upuan ko habang hinihintay ai Plato at ramdam ko din ang pagtataka ng mga kasama ko sa ikinikilos ko.

Nung ibinigay sa akin ni Plato yung tinapay ay agad ko itong kinagat at nginuya nguya.

"Walter,  bantayan mong maigi si Yulia ngayong maghapon ha." sabi naman ni Plato

Sabay naman kaming napatanong ni Walter sa kanya

"Bakit/Bakit ?"

Kinakabahan pang tumingin sa akin si Plato at nagpaliwanag.

"May lakad kami  ni Quantum ngayon e." sagot niya pa sa akin

"Eh ?  Saan ?"  tanong ni Quantum at hindi nakaligtas sa akin anv masamamg pagtingin sa kanya ni Plato na parang sinasabing manahimik ka nalang

"Tsss. Tatakas ka lang eh T-T"   sabi ko naman sa kanya

"Ahmm. Bakit ?  Anong meron ?"  takang tanong ni Elise na oarang naguguluhang papalit palit ang tingin sa amin

"Dilubyo Elise. At kasalanan  nyo to, at kung ako sa inyo ay sisimulan ko na itong itali para hindi na manggulo." sagot naman ni Plato kaya piningot ko siya at napadaing sa sakit

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon