Yulia
"This handkaerchief will be the sign that you two are the hunters and the protectors of this Academy. Thank you and good luck." pagtatapos niya saka ibinigay sa amin ang asul na tela.
Kanina pa ko nababagot sa pagpapaliwanag niya at pagoorient sa amin tungkol sa magiging duty namin at sa school na ito.
Nakakainis naman si Henri e.
Lumabas na yung babaeng kumausap sa amin kaya kaming dalawa nalang ni Plato ang natira sa silid.
Malamya akong naupo at bumuntong hininga.
"Kung alam ko lang na pagiging guard ng school na ito ang magiging mission ko sana tinanggihan ko nalang. Arghhh HENRI !" pagmamaktol ko.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Plato kaya sinamaan ko siya ng tingin.
At ang masaklap kasi kasama ko siya.
Para namang maayos gumawa itong lalaking ito."Yulia, simula pa lang naman ito. Saka nga diba may umaaligid daw sa school na ito at kelangan nating babtayan yung pinapabantayan sa atin. Enjoyin mo nalang muna." sabi niya
Isa pa yan sa ikinaiinis ko.
Body guard pa ata ang ganap ko rito eh.
Apex Laxima.
Apo daw ng may ari ng academy na to at siya ang kelangan bantayan dahil may threat daw sa pamilya nila.
Di ko lang alam kung bakit.
Confidential raw kaya hindi sinabi sa akin ni Henri. Tsk.Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan.
Wala rin naman akong magagawa.
Nandito na ko at papanindigan ko na ang bigay na misyon sa akin.
Papatunayan kp sa Henri na yun na higit pa rito ang magagawa ko."San ka pupunta ?" tanong ni Plato sa akin
"Lilibutin ko tong lugar na ito. Para mafamiliarize ako." sabi ko sa kanya saka tuluyang lumabas at isinara ang pinto.
Itinali ko sa kaliwang braso ko ang telang binigay sa akin kanina.
Oh ryt ! Let's start the duty !
Class hours pa kaya walang tao ngayon sa hallway.
Hmmm.
Alam ko na.
Sa dorm muna ako.
Susuotin ko na yung uniform na binigay sa akin para kung maabutan man ako ng mga studyante ay hindi ako masyadong pagtitinginan dahil sa suot ko .Brilliant idea !
So ganun na nga ang ginawa ko.
Sa dorm kasi kami unang dinala para mailagay muna namin ang nga gamit namon doon.
Magkahiwalay kami ni Plato ng room.
Nakalocate sa kabilang building ang boys dormitory.Pagkarating ko sa room ko ay agad kong isinuot yung uniform at nag ayos ng itsura.
Ano ba yan.
Above the knee pa ang ibinigay sa akin. Tsk.
But not bad.
Ang ganda kong tignan sa uniform nila ha. ^_^
Kinuha ko yung baril at isinabit sa may hita ko para matago ng suot kong palda.
The weapons are designed against the vampires kaya tao lang ang makakahawak nito.
Nang nasatisfied na ako sa itsura ko ay lumabas na ako at inilock ang room ko.
Nakita ko naman na may babaeng lumabas sa katabing room ng room ko.
Napatingin ito sa akin at tila bahagyang nagulat sa presensya ko.

BINABASA MO ANG
The Hunter
VampireYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...