T.H . 1

2.6K 92 1
                                    

Yulia's POV

"Weak !" sabi niya pagka iwas sa suntok ko.

Napangisi naman ako.

Kahit kelan talaga ang hangin ng pinggan na to.

Hinanda ko ang kanang kamay ko at saka akmang susuntukin siya umiwas siya kaya nakakuha ako ng lusot at sinikmura siya gamit ang kaliwang tuhod ko saka tumalon palayo sa kanya.

Ramdam ko ang pagtulo ng mga pawis ko sa aking pisngi pababa sa leeg ko.

Higit tatlong oras na rin pala kaming nagtitrain rito ni Plato.

Ngiting wagi kong pinagpag ang aking mga kamay saka nagstretch habang tinitignan ko siyang namimilipit sa sakit.

"Huh. Ikaw ba talaga ang team captain na pinagmamalaki ni Henri ? Tsk tsk." sabi ko sa kanya saka tumalikod papalabas ng training room.
Nagugutom na ko >,<

"Arghh ! Pinagbigyan lang kita ! Babae ka pa rin syempre saka kababata kaya exempted ka sa pinapatulan ko !" sigaw niya naman.

'Che ! Ang sabihin mo magaling ako kaya kita natalo ! Haha' isip isip ko.

Bakit kasi hindi ako mapayag payagan ni Henri sumama sa kanila sa mga mission nila e.

Kaya ko naman sarili ko.

Para saan pa at pinagtitraining nila ko rito sa headquarter ?
Hay naku.

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng training room ng kusa naman itong bumukas.

Hala !

Napahinga naman ako ng pumasok si Henri sa pinto.

"Henri ! Sana kumatok ka muna" sabi ko sa kanya habang napahawak ako sa dibdib ko.

Tsk . Nakakagulat eh.

"Sorry Yulia. Haha." natatawa naman siyang sabi sa akin saka tumingin kay Plato.

"Anong nangyari sayo ?" tanong niya rito

Tinignan ko naman si Plato na namimilipit pa rin sa sakit.
Hala ? Masakit ba talaga ?

"Wala to. Nakatsamba kasi itong si Yulia eh" sabi niya saka pilit na tumayo ng maayos at huminga pa ng malalim.

Lihim naman akong napairap sa kanya.
Napakahangin talaga ng lalaking to.
Tsk tsk.

"Nga pala, may lakad tayo later. May mga nakita kasing naggagalang mababang uri ng bampira sa may silangan. Maghanda ka." sabi ni Henri kay Plato.
Nakita ko naman na napangiting wagi si Plato.

"Ahhm, sama ako !" masigla ko namang singit sa kanila.
Hoping na this time papayag siya.

Pero syempre, tulad ng dati "Delikado anak. Sabi ko naman sayo manahimik ka nalang sa bahay eh." ang sagot niya

Bumelat naman sa akin si Plato.

Napabuntong hininga akong lumabas sa training room at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko.

To: PingganPanget
Text mo nalang ako kung anong oras ha >:P

Sumakay ako sa kotse ko at saka agad na nagtungo sa bahay.

----------------------------

Harap sa salamin ay isinuot ko ang aking gloves at leather jacket na itinatago ko sa ilalim ng kama ko.
Hayys.

Ang KJ kasi ni Henri eh.
Hindi niya ako pinasasama sa mission nila tsk.

Kesyo delikado daw.
Baka mapahamak ako.

Mukha tuloy akong undercover sa itsura ko.

Itinali ko ang buhok ko ng pa-bun.

Tskk. Buti nalang si Plato hindi KJ haha.

Tuwing may ibinibigay kasi sa kanya si Henri na mission ay tinatanong ko siya kung saan at anong oras ang lakad nila.
Nung una patago talaga ako kung sumunod sa kanya.
Pero anlakas ng radar e nahuli ako sa isang gubat nung pinatay ko ang isang bampira na naglilibot at pumapatay.
Tsk.
Huli tuloy.
Hindi nga ako sinumbong kay Henri e.
Ewan ko kung bakit ?
Hanggang yun.
Nagtuloy tuloy na hehe.

Sinabi ko naman ang dahilan kung bakit gusto kong sumama sa kanila.

It is for me to give revenge sa mga yumao kong magulang.

Buti nga at si Henri na head hunter ang kumupkop sa akin eh.
Mas may chance ako na makita ulit ang bampirang pumatay sa kanila.

Tinuturing ko rin namang tatay si Henri.
Yun nga lang ewan ko ba. Hindi ko matawag na papa gaya ng sinabi niya sa akin nung gabing dinala niya ako rito sa bahay.

Inilabas ko ang kwintas na nakatago sa leeg ko.

'Wag kayong mag alala Ina, Ama. Hahanapin ko siya at papatayin.' sabi ko

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa kanang mata ko.
Pinahid ko ito at itinago nang muli ang kuwintas ko sa likod ng damit ko.

'Once a beast. Always a beast.' yan na ang naging motto ko.

Bampira sila at hindi dapat pagkatiwalaan dahil halimaw sila at kelangan nila ng mga dugo ng tao. Maaring mapigil nila ang sarili sa ngayon pero darating ang araw na matetempt silang uminom ng dugo namin at magpapadala sila roon.

Kaya hindi talaga sila dapat na pagkatiwalaan

Isinuot ko ang mask ko sa ibabang bahagi ng mukha ko.
Para kung may makakita man sa akin bujod kay Plato ay hindi naman nila ako makikilala.

Baka kung ano kasing gawin sa akin ni Henri pag nagkataon ^_^

To: PingganPanget
Otw na ko.

Sumakay ako at agad na pinatakbo ang sasakyan ko patungo sa napagusapang lugar.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon