T.H. 50

982 41 14
                                    






Elise's PoV

"Look." sabi ni Quantum habang tinuturo ang sugat ni Yulia na kusang naghihilom

"Woahh." namamanghang sabi ni Fiona

Nagkatinginan naman kaming tatlo

"She's really amazing. Ang bilis maghilom ng mga sugat niya." sabi ni Quantum


"Ano pa nga bang maaasahan natin sa mga level A vampires ? They are so powerful." sabi ko naman sa kanila

"Nandito na sila."

Napatingin kami kay Plato na nasa pintuan,
Nagulat naman siya nung nakita si Yulia at agad na nagmamadaling lumapit rito.

"Kumusta sya ? Kumusta ka ?" sunod sunod na tanong niya

"Sino ba ?  Ako o sya ?" tanong ko sa kanya

"Parehas kayo" sagot niya

"We're both fine. Well,  thanks to her. Ginamot niya ko pagkagising niya kanina." sabi ko

"Si Yulia ? Ginamot ka ?" tanong pa ni Plato

"Oo. Although alam niyang mapupunta sa kanya yung mga sakit,  ginawa niya." sagot ko sa kanya

"Bumalik na ba mga alaala  niya ?" tanong pa ni Plato

Tumango naman kami sa kanya bilang tugon

"Sa tulong ni Hanasse,  yung kaibigan ni Ime" sabi ni Fiona


Bumuntong hininga naman si Plato,
"Sana naman yun na ang huling katigasan ng ulo mo Yulia. Hindi ko alam kung bakit ka sumugod dun mag-isa" iiling iling na  sabi pa niya

"Parehas sila ni Apex eh" sabi naman ni Quantum na inagreehan ko

Tsk tsk. Bagay nga sila


"Nasan na nga pala sila ?" tanong ko kay Plato

"Oo nga pala,  nandun sa baba,  sabay sabay na ginagamot." sagot ni Plato

"Tutulong akong gumamot" sabi naman ni Fiona saka tumayo at lumabas ng kwarto

"How's Apex ?" tanong ko naman kay Plato

"Madaming tama. Pero hinahanap si Yulia" sagot naman ni Plato

"Eh yung iba ?" tanong ko pa

"Babain mo kaya ?  Para makita mo" sagot pa ni Plato kaya kinaltukan ko siya

Bwisit talaga tong taong to

"Bantayan nyo yan ah."  sabi ko naman sa kanila saka lumabas ng kwarto

Magiinit lang ulo ko sa dalawang ito eh. Hmmms



------------

Yulia's PoV

Nagising ako na nasa kama na ni Elise.

Kamusta na kaya siya ?

Nilibot ko naman ang mata ko at napagtantong wala akong ibang kasama sa kwarto niya.

Bigla naman ay nakaramdam ako ng kakaiba sa aking tyan at parang naduduwal kaya hinanap ko agad ang cr sa kwarto ni Elise at dun sinuka yung nararamdaman ko.


Weird.  Wala pa naman akong kinain pero bakit ganto ang nararamdaman ko ?


"Yulia ?"

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon