Light's PoV
Pagbukas na pagbukas nang malaking pintuan ay bumungad sa akin ang maraming bampira na mukhang masayang masayang nagtitipon sa party hall. Agad na natigil ang masayang tugtugan nung pumasok ako.
At nung nakita nila ako ay lahat sila ay nagbigay galang at sinusundan ng tingin ang paglakad ko.
Maliban nalang sa tatay kong nakaupo sa kanyang trono at mukhang masayang masaya sa pagkakakita sa akin."Tama yan mga kalahi ko ! Magbigay pugay kayo sa aking anak na magdadala sa atin ng tagumpay." pagmamalaki niya pang sabi.
Ngayon ako naman ang yumukod sa harap niya pagkalapit ko sa harap niya.
At pagkatapos ay humarap sa mga bampirang nakatingin pa rin sa amin.
"Alam kong alam na ninyo na nasa kamay na natin ang prinsesang nasa propesiya. Nais kong iparating sa inyo na kasapi na natin siya ngayon. Sana ay ituring nyo rin siya tulad ng pagturing nyu sa aming nakatataas sa inyo."
Dahil sa sinabi kong yun ay nagkaroon ng mga bulungan at tila hindi sila sang ayon sa sinabi ko. At merong naglakas loob na kontrahin ang sinabi ko.
"Hindi ba't mas makakabuti para sa ating lahat na ipapatay nalang ang babaeng yon ?" sabi pa niya na sinang ayunan naman nang iba
Haysss. Bakit ba kelangan kong makisama sa mga istupidong to
Naramdaman ko naman na napaayos ng upo ang akin ama.
Simbolo na nagiging interesado siya sa nangyayari.Ngumiti ako sa kanila at alam na nila ang ibig sabihin nun kaya nagsitigil sila sa kanikanilang opinyon at nakinig sa akin.
Marunong din silang matakot.
"Mas madali nating magagawa ang plano kung gagamitin natin ang kakampi ng kaaway laban sa kanila. Mas maganda nang sumunod kayo sa plano. Ang sinumang magiging dahilan ng pagbabalik ng kanyang alaala ay kamatayan parusa. Naintindihan nyo ba ?" paglilinaw ko sa kanila
Nakita kong nagsitanguan sila kay humarap ako sa aking ama at yumukod. Saka umalis sa harap nila at nagpunta sa kwarto kung saan nakahimbing ang bihag.
Kitang kita mula sa dito sa kristal na pinto ang isang babaeng sa ngayon ay natutulog at gumagawa ng sariling alaala.
Mabuti na yan kesa nasa kamay ka ng mga Laxima.
Masasabing wala silang kwentang tagapangalaga dahil agad kang napasakamay ng mga kalaban nyu.
Ngayon, at sa mga susunod pang araw, makikipaglaban ka na para sa akin.
"Sigurado ka ba talaga sa mga pinaplano mo ?" sabi ni Alex na alam kong kanina pa rin pinagmamasdan ang babae sa loob.
"Wala kang tiwala ?" tanong ko sa kanya habang nananatiling nakatalikod sa kanya
"Sa iyo meron. Pero sa babaeng yan wala." determinadong sagot niya sa akin
Kaya humarap ako sa kanya,
"Nablock ko na ang alaala niya At alam mo kung gano kalakas ang kapangyarihang yun Alex." sabi ko sa kanya
"Oo alam ko Light pero pareho nating alam ang nakatakda. Na siya ang magiging dahilan para masira ang lahi natin hindi ba ?" pagkokontra niya pa sa akin
"Hindi lang naman siya e. Parehas sila nung Apex na yun. At siya ang gagawin kong paraan para parehas nating mapatumba ang mga kamaganak niya at lahat ng nasa palasyo nila. Saka ko siya isusunod." sabi ko pa kaya kumunot ang noo niya
"Hindi ako naging anak ni Tedorio para sa wala." dagdag ko pa saka umalis sa harap niya
Maging ako naguguluhan sa kanila.

BINABASA MO ANG
The Hunter
VampirYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...