Wedding day
Yulia's PoV
This is it.
This is the day na pinakahihintay ng palasyo magmula pa man.
Ang seremonya na magbibigay sa kanila ng pag-asa.
Kaya excited sila para dito.
Nandito ako ngayon sa loob ng itim na sasakyan at hinihintay na tawagin ako ng coordinator.
Iniisip ko kung sisiputin ba ako ni Apex ?
O tinakbuhan na ko kasama si Kim ?
Aisshh . bakit ba ko nangangamba ?
Hindi bat mas mabuti kung tumakbo nalang siya at hindi na matuloy ang kasal ?
Haha
Tama mas mabuti yun.
Kita ko dito na ang daming tao sa labas na nag aabang na bumaba ako dito sa sasakyan. At pag sinabi kong madami, madami talaga.
Sabi sa akin nina Elise kanina marami ring mga mortal ang imbitado sa seremonya.
Masasabing pinaghandaan nila ang araw na to dahil ang ganganda ng mga kasuotan nila.
Wow ha, sa madaliang sitwasyon nakapaghanda pa sila ng ganyan ha.
Nakakaloka -_-
Agad ko namang napansin ang pagkatok nung wedding coordinator sa pinto ng kotse kaya binuksan ko ito.
"It's time our Princess." nakangiting sabi niya at inalalayan akong bumaba.
Nakita ko naman sina mama at papa na nagaabang na sa akin sa may pinto ng pag gaganapan ng seremonya.
Nakangiting sinalubong ako ni papa at kinuha ang kamay ko sa kasama ko at siya na ang umalalay sa akin.
"Magkamukha talaga kayo ng mama mo. Pareho kayong maganda." sabi niya at saka hinalikan ang noo ko.
Napangiti naman ako dahil dun"Hi pretty Lady. Halika na. Excited na kong makita ang expression ni Apex pag nakitang ang ganda ganda ng pakakasalan niya." sabi ni mama at inakay na ako
Excited nga -_-
Kinakabahan naman akong humakbang ng magbukas ang malaking pinto at tumugtog ang mabagal na musika
Kitang kita ang mga masasayang ngiti ng mga naririto habang nakatingin sa akin.
Naririnig ko pa ang mga magaganda nilang komento tungkol sa akin na ikinatuwa naman ni mama sa gilid ko.
Nakita ko si Apex na nakangiting nakatingin sa akin at animoy maiiyak sa tuwa habang nakaabang sa akin sa altar. Katabi si Quantum
Tsss. Seryoso talaga siya sa deal namin ha. ang galing umarte.
Gusto kong umirap pero baka makita ng mga nandito at magtaka kung bakit ko iyon ginawa kaya pinigilan ko nalang ang sarili ko.
"She's all yours." sabi sa kanya ni papa ng makalapit kami sa kanya
Nag bow pa sya sa mga magulang ko bago kunin ang kamay ko at saka hinalikan ito ng marahan.
Tsss. Kala mo ang bait bait ang sungit naman pag kami lang.
Inalalayan naman niya akong umakyat sa altar at humarap sa magkakasal sa amin.
"Sa araw na ito masasaksihan natin ang pag iisang dibdib ng ating mga minamahal na prinsesa at prinsipe. Ang magbibigay sa atin ng panibagong pag asa sa mga darating na araw." sabi niya at saka tumingin sa amin

BINABASA MO ANG
The Hunter
VampireYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...