T.H. 47

927 40 9
                                    







Hunter's PoV



"Master Light" tanging nasabi ko nung napahinto ako sa pagtakbo at nakasalubong siya


Ngayon naghalo halo na ang nararamdaman ko at hindi ko maipaliwanag.

Hindi siya sumagot at tinitigan niya lang ako pero maya-maya rin ay humakbang siya papalapit sa akin

Tatapusin na ba niya ko ?

Kung ganun ay dapat ko iyong tanggapin dahil sa ginawa ko.

"Patawad po " nakayuko kong sabi

Wala nang magagawa ang paghingi ko ng tawad pero ginawa ko pa rin.
Hindi na ko dapat pang umasa ng kapatawaran.

Pero nagulat nalang ako nang may humablot sa akin at hinarangan ako kay master Light.

Si Apex.

Hindi naman nagreact si master Light pero nakipagsukatan siya ng tingin kay Apex.

"Muli na naman tayong nagkita Apex." pahayag ni master Light at pagkatapos ay tumingin sa akin

Marahil ay nagtataka na siya kung bakit magkasama kaming dalawa


"Kukunin ko na ang dapat na nasa akin ngayon" sagot ni Apex


At sa sagot na yun ay napatawa si master Light.

"Sayo ? Tingin ko di na kailangan, kasi ngayon din tatapusin na kita " sabi ni master Light

"Wala naman akong balak mamatay. Pero ang pumatay meron." makahulugang sagot naman ni Apex

Nakita ko ang ngisi sa labi ni master Light at nagulat naman ako nung bigla siyang tumingin sa akin,
"Mabuting umalis ka muna dito Hunter" pag uutos niya pa

Sa pagkakataong to ay pinili kong sumunod sa kanya pero hindi pa ako nakakahakbang ay hinawakan na ni Apex ang aking kamay at pinigilan ako.

"Dyan ka lang sa likod ko" siya namang utos niya

Bigla naman ay may humarang sa akin na kung anong kapangyarihan at nung tumingin ako sa paligid ko ay mistulang nasa isa akong box.

Para siyang kulay itim pero nakikita ko pa rin at naririnig yung nasa labas.

Sinubukan ko itong hawakan upang sana ay lumabas pero nakaramdam ako ng pagdaloy ng kuryente sa aking mga kamay.

O gosh. Anong susunod na mangyayari ?

"Apex !" narinig kong pagtawag ng isang babae sa kanya

Napalingon ako sa pinanggalingan nito at nakita ang dalawang babae at isang lalaki na lumalapit na sa lugar namin

Natigilan naman sila nung nakita ako at narinig ko pa ang salitang lumabas dun sa isang babae,
"Ate"

Pero hindi ko na yun pinagtuonan pa ng pansin dahil nag aalala na ko kay master Light,

Maaari siyang pagtulungan ng mga ito at ako ay nandito lamang at nakakulong.

Kelangan kong gumawa ng paraan.

Muli kong hinawakan yung kung ano man tong humaharang sa akin at hindi na ininda yung sakit. Sinubukan kong itulak ito at mukhang hindi ko kayang basagin.

Pero nagulat ako nung bigla nalang itong nawala.

At nakalapit na sa akin yung mga kasama ni Apex.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon