T.H. 23

1K 53 0
                                    

Yulia's PoV



Maaga kaming gumising para maghanda sa dapat naming gawin.

At kasama na dun ang magensayo sa training room ng kinalalagyan namin.

Hindi ko alam kung bakit ako dinadala ng mga paa ko sa bow and arrow section pero nitong mga nakaraang linggo ay nahihilig ako rito.

Tuwang tuwa ang diwa ko kapag nalalapit sa gitna ang mga palaso na pinakakawalan ko.

"Aba ! Gumagaling ka ha. Nalalapit sa bull's eye. Konti nalang, tatapat ka na sa level ko." bigla namang pagpuri sa akin ni Plato na may kasamang kahanginan.

Inirapan ko naman siya.

Kahit kelan ka talaga.

Natigilan naman ako nung titira na sana ako ay may bigla tumama na sa may gitna mismo ng target.

Pero hindi lang yun ang nakapagpahinto sa akin.

Dumaan kasi yung palaso sa akin mga buhok at may konting hibla ang naputol sa mga ito.

Tinignan ko naman kung kanino ito galing at nalaman na mula ito kay Shandra.

Nakita siguro iyon ni Elise kaya sinuway sya.

Pero ngisi lang ang sinagot niya habang matalim ang tingin sa akin saka lumabas ng kwarto.

Galit pa siya sa akin. Hayss.

Hindi pa kasi makalabas si Misha sa kwarto niya dahil sa injury na sinapit niya kagabi.

Kelangan ko malaman kung sino ang may kagagawan ng nangyari kay Misha kagabi para malinis ko ang pangalan ko sa kanila.

Nakakalungkot lang na hindi ko pa masasabi sa kanila ang mga nalalaman ko.

Nginitian ko nalang si Elise para iparating na okay lang ako at saka nagfocus ulit sa target ko.

"Enough. Fix yourselves." utos ni Apex sa aming lahat.

Kaya tumigil na yung mga kasama ko sa ginagawa nila at inayos yung mga ginamit nila saka lumabas ng kwarto.

At dahil naligo ako agad pagkagising ko kanina, nagpaiwan ako sa training room para magpatuloy sa pageensayo.

Bakit ba kasi hindi ko matamatamaan yung gitna ? Aisssh.
Ganto pala kainteresting to edi sana noon pa lang pinagaralan ko na to haha.

Kumuha ulit ako ng palaso at saka itinapat na sa target habang iniistretch na yung pana. Seryoso kong sinisipat ang target nang biglang may pumigil sa akin.

At hindi ko na naman maintindihan ang dibdib ko kung bakit bumilis na naman ang pagkabog.

"Iayos mo ang tindig mo at ganto ang tamang paghawak sa palaso. Dapat laging ganto para makontrol mo kung saan tatama yung sibat niya." sabi niya habang ginaguide yung katawan ko sa tamang position nito.

"Now do it." bumalik naman ako sa sarili mula sa pagkakatitig sa kanya nung sabihin niya ang mga katagang iyon.

At nung binitawan ko yung palaso ay saktong tumama ito sa gitna sa gilid lang ng pinatama ni Shandra kanina.

Hindi ko naman napigilan ang pag ngiti at pagkamangha.

Magpapasalamat na sana ako kay Apex pero nakita ko na siya papalabas ng pinto.

Tsss.

Di man lang tinignan kung nagawa ko ba o hindi.





------------------------------------------




The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon