T.H. 5

1.6K 75 0
                                    

Yulia

"Hayyyyy "

Napatingin ako sa katabi ko na kanina pa hikab ng hikab sa klase.

Third subject na pero hindi pa rin magising gising ang dugo at diwa nito.

Sinundot ko siya sa tagiliran at tinignan ng masama. Napatingin naman siya sa akin dahil dun.
"Kanina ka pa hikab ng hikab. Nakakawalang galang sa mga prof dito." sabi ko sa kanya

Yap. Nagkaklase pero ganyan ang inaasal.

Pati tuloy ako nahahawa sa kaantukan niya.

"Alam naman nila kung bakit tayo nandito e. Ang magpakapuyat para sa paaralan nila. Di ko nga alam kung bakit pa tayo nakikiklase sa mga to e." pagmamaktol niya saka umubob sa desk niya.

Iiling iling naman akong bumalik ang atensyon sa nagpapiwanag sa harap.
Na hindi ko rin maintindihan kung ano na ang pinagsasasabi.

Arghhh. Bakit nga ba kasi kami pinalipat pa dito at kelangan pang mag aral e ?
Kung tutuusin di na namin to kelangan kasi halos patapos na kami sa school na pinapasukan namin ni Plato e.
Iba kasi ang curriculum namin kasi tinitrain kami.

Hayy.

Bubuntong hininga akong napahalumbaba nalang sa desk ko.

Saka naman nabuhay pareho ang dugo namin ng marinig ang ring na hudyat na magkakainan na.

"Yes !" sabi naman nitong katabi ko.

Tsk tsk.

Patay gutom din pala to -__-

"Halika na Yulia ! Baka maubusan tayo ng pagkain" sabi niya sa sinakbit ang bag sa balikat at tumayo na.

"Sira ka ba ? Andami daming pagkain dito. Di tulad dun sa dati nating pinapasukan. Mukha kang patay gutom e." sabi ko sa kanya at tumayo na rin

"Ang sungit mo. Meron kaba ?" tanong niya sa akin na ikinapingot ko ng tenga niya

"Paki mo ba ? Halika na nga. Pupuntahan pa natin sila Apex." sabi ko sa kanya.

"Uyy. Excited. Crush mo si Apex no ?" panunukso niya naman sa akin.

Tinignan ko siya ng masama at nakitang tataas taas pa ang kilay ng mokong habang nakangiting pangtakas sa mental.

"Tigilan mo ko Plato. Kundi babasagin ko yang pagmumukha mo." sabi ko sa kanya saka nagpatuloy sa paglalakad papuntang canteen.

Hindi ko maiwasan na mapansin ang pagtingin ng mga studyante na madadaanan ko. Namin ni Plato.

Hindi ko rin siguro sila masisisi kasi bago lang kami rito.

And sa pagpapakilala ng principal nila sa amin kaninang umaga bilang protector ng academy nila.

Nakapasok kami sa canteen at halos mawalan na ng mga bakanteng mesa.

Nabigla naman ako ng hilahin ako ng kasama ko papunta sa isang bakanteng mesa.

"Perks of having an elite friends. Haha !" sabi niya matapos makaupo.

This area is exclusively for Star five only.
Kaya no one dares to go here.
Anlakas lang kasi ng apog ng lalaking ito kaya nandito ito.

Umupo ako paharap sa kanya.

"Order kana. Treat mo naman ako" pagmamakaawa ko sa kanya.
Sana umepek haha.

"Tigilan mo nga ko Yulia. Mukha kang baboy na natatae sa itsura mo" sabi niya saka humalakhak na parang wala ng bukas.

Bastuga talaga tong lalaking to. Walang modo.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon