T.H. 12

1.1K 60 1
                                    


Yulia's PoV

"Ikaw ?" mariing sabi ko ng makita ko at malaman mung sino siya.

Ang mukhang kailanman ay hindi ko malilimutan.

Ang halimaw na matagal ko ng hinahanap.

Pinaputok ko agad sa kinaroroonan niya yung baril na hawak ko.

Di ko inaasahan na dito ko siya makakatagpo.

Nakailag naman siya sa bala.

"Ooh. Nagkita na ba tayo ? Bakit naman parang galit na galit ka sa akin ?" natatawa niyang sabi na ikinainis ko.

Hindi mo ba ko natatandaan ?

Humugot ako ng dagger sa bulsa ko at ibinato sa kanya. Mukha namang nakontrol niya ito at ibinato pabalik sa akin kaya umilag ako.

Matinding galit ang muli kong naramdaman sa dibdib ko habang nakikuta ko siya.

Ang halimaw na walang awang pinaslang ang mga magulang ko.

Ang dahilan ng pagka galit ko sa lahat ng bampirang nakakasalamuha ko.

Ama, Ina , maigaganti ko na kayo.

Tumakbo naman ako sa kanya at kinuha sa hita ko yung baston ko at agad itong humaba nang itatama ko na sa kanya.

Pinananggala naman niya ang hawak niyang patalim.

"Ramdam ko ang matindi mong pagkamuhi sa akin. Ngunit wala akong panahon sayo dahil hindi ikaw ang pakay ko rito." sambit niya

"Wala akong pakialam dahil malaki ang atraso mo sa akin." sabi ko sa kanya at muling hinampas ang baston ko.

Nakaramdam ako na parang may enerhiya ang kumontrol sa aking katawan at kusang lumutang.
Sinubukan kong igalaw ang buo kong katawan ngunit hindi ko magawa.

"Maswerte ka babae. May mahalagang misyon ang ibinigay sa akin ang aming pinuno. Ngayon, nasambit mo kanina na kasamahan mo ang Star five, maaari kitang magamit para makuha ang prinsipe." sabi niya sa akin

"Anong prinsipe ba ang sinasabi mo ?!" inis na tanong ko sa kanya habang pinipilit na igalaw ang aking katawan.

"Kamangha manghang kilala mo ang Star five ngunit hindi mo kilala kung sinong prinsipe ang tinutukoy ko. Wala kang kwentang nilalang." at pagkasabi niya nun ay naramdaman ko na parang humihigpit yung pwersang humahawak sa akin. Dahilan upang unti unti akong mahirapan sa paghinga.

Hindi.

Hindi pwedeng hanggang dito nalang ako at hahayaan ko ang sarili kong mamatay ng nabubuhay tong halimaw na to.

Ama, Ina tulungan nyu ako.

At pagkatapos nun ay nakaramdam ako ng kapangyarihang nagmumula sa katawan ko.

Nasilaw ako sa liwanag na hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako. At naramdaman na parang may nabasag sa palibot ng katawan ko.

Bumagsak ako sa lupa ng naguguluhan.

A-anong nangyari ?


************

Plato's PoV

Kanina pa ko iniinis ng bampirang to.

Para namang papatulan ko siya.

"Hindi ka ba talaga nahuhulog sa kamandag ng ganda ko ?" maarteng sabi niya sa tonong bakla ng boses niya.

Eeeww.

Sa totoo lang bakit ito ba yung lumapit sa kin ? Dapat kay Quantum nalang to lumapit e -_- yuckk.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon