Yulia's PoV
Nagising ako nang may marinig akong kumakatok sa pinto ng dorm ko.
"Yulia !" rinig kong sabi pa niya sa pagitan ng kanyang mga pagkatok.
Tumayo ako at naglakad papalapit sa pintuan para pagbuksan siya ng pinto.
And there I saw Elise smiling at me.
Sabado a. Bakit nanggugulo to dito ?
"Sorry, nagising ba kita ?" tanong niya sa akin
Tumalikod ako at bumalik sa akin kama
"Ok lang. Wala na naman akong magagawa e." sagot ko sa kanya in a sarcastic way pero hindi naman rude ang tono.
"Aww. Bakit ka ba ganyan Yulia ? Namimiss na kaya kita !" sabi niya naman sa akin saka ako niyakap.
Nakaramdam naman ako ng hiya dahil hindi pa ako naliligo at baka amoy suka na ako.
Sinubukan ko siyang palayuin sa akin pero makapit siya e -_-
"Geezz Elise, kelan ka pa naging clingy ?" tanong ko naman sa kanya
Natawa naman siya sa tanong ko at bumitaw na.
Hayst salamat
"Simula nung hindi mo kami pinansin. Hindi ko na natiis kaya nandito ako ngayon." sagot niya sa akin.
Humiga naman ako sa kama para sana bumalik sa tulog ko.
Waka ako sa mood makipagkwentuhan at alalahanin ang mga nangyari nitong nakaraan.
"Yulia ! Hindi mo ba ko namiss ? Huy. Wag mo naman kaming idamay sa LQ nyu ni Apex." pangungulit niya sa akin habang niyuyugyog ang aking katawan.
LQ ? San galing yun ?
Hindi na ako nagreact sa LQ nyang statement at umiling ako sa kanya bilang tugon sa una nyang tanong pero mas lalo lang siyang naging makulit.
Napabuntong hininga naman ako at humarap sa kanya.
"Anong gusto mo ?" tanong ko naman sa kanya
Excited niya anong sinagot with matching palakpak pa.
"Maglibot tayo sa central !" sagot niyaHmmm.
Central,
Lugar na maraming tindahan.
Matagal na rin akong hindi nakakapaglibot dun at balita ko ay mga bagong stalls na na nakatayo doon.
"Sige mamaya." sabi ko sa kanya at saka nagtalukbong ng kumot.
Pero may pagkamakulit siya kaya niyugyog niya ulit ako.
"Ehh. Ngayon na Yulia. Itetext ko na ang tropa." sabi niya pa sa akin.
Aishhh -_-
Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pag iiwas ko sa kanila ay ito at nandito siya kinukulit ako na parang walang nangyari.
Hindi ba siya nagalit sa akin ?
Aishhh.
Tumayo ako at nagtungo sa cr para maligo at matahimik ang aking utak.
Which made her jump in happiness maybe ?Tssss. Ngayon ko lang nakita ang childish side ni Elise.
At ayoko nang maulit pa.
--
After kong magshower ay nadatnan kong walang bampira sa may kwarto ko.
Nakaramdam ako ng saya kasi pwede kong ipagpatuloy aqng pagtulog ko dahil wala na si Elise.

BINABASA MO ANG
The Hunter
مصاص دماءYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...