T.H. 8

1.2K 61 0
                                    

Yulia

"Pwedeng hinto muna tayo !" sigaw ko kay Apex na nasa unahan ko na at malayo na ang agwat namin.

ang tangkad kasi e. Ambilis maglakad.

Napatingin naman siya sa akin na nakakunot ang noo at tila naiinis na sa akin.

Pang apat na beses ko na kasing nirequest na magpahinga muna.

Ang haba haba kaya ng nilakad namin -_- bundok nga diba.

Nanginginig na ang mga binti ko sa kakalakad pababa ng bundok.

Nakita ko naman na umupo siya sa pinagtigilan niya.

Hayy salamat -_-

Umupo ako sa damuhan at ini stretch ang mga binti ko. Wala naman sigurong ahas dito ?
Sana. Haha

Natawa ako nung narinig ang pagtunog ng mga buto ko sa binti. Suko sila haha.

Habang patuloy naman ako sa pagrerelax ng binti ko ay nakarinig ako ng tunog na parang may nagcrack kaya inilibot ko ang paningin ko at surprised ng makitang may babagsak sa akin na isang malaking puno.

As in puno !

Tatayo na sana ako kaya nakaramdam ako ng sakit sa akin paa.

Shemay. Bakit ngayon pa ako nagkaron ng cramps >_<

Napapikit nalang ako at hinintay na bumagsak at tumama sa akin ang puno.

Bahala na.

Malaman naman daw ako e sabi ni Plato kaya makakatulong pa ko sa mga hayop dito.

Pero nagulat ako ng biglang may humila sa akin at binuhat ako papalayo sa bumabagsak na puno bago pa ito tumama sa akin.

At dahil sa pagkagulat ko at sa kaba ay ilang minuto din akong tulala at di makapaniwala sa nangyari.

P-panong




Nadadama ko pa rin ang lakas ng pagtibok ng puso ko.
Habang si Apex ay marahan akong binababa sa pagkakabuhat niya.

Napatingin ako sa kanya na ngayon ay inililibot na ang paningin sa buong paligid at parang may hinahanap.

"Bakit hindi ka umilag ?!" tanong niya sa akin na may halong pagkainis.

Napakunot naman ang noo ko.

"Iilag na sana ako. Bigla akong pinulikat. Napagod dahil sa bilis mong maglakad.!" singhal ko rin sa kanya

"I'm not fast. Mabagal ka lang talaga." sagot naman niya

>_< nye nye

Ansungit.

Bigla naman syang parang tumahimik at parang may pinakikiramdaman.

"Halika na. Kelangan na nating makaalis dito." sabi niya at agad akong inalalayan sa pagtayo na medyo nahirapan ako dahil ramdam ko pa rin yung kirot sa paa ko.

"Bakit ? May tao ba ? Bampira ? Dapat labanan natin yun" sabi ko naman sa kanya

Sarcastic naman siya sa aking tumingin, "Nang ganyan ang kalagayan mo ?",sabi pa niya

-_- oo nga no

Sinubukan ko namang pakiramdaman ang paa ko.
Hindi na naman siya gaanong masakit pero baka maforce kung pipilitin ko.

Tsk

Bigla namang may dalawang lalaking tumayo sa harap namin.

Nakangising nakatingin kay Apex at tila may nais gawin.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon