T.H. 53

576 31 6
                                    




Yulia's PoV

"Yulia"



Napatingin ako sa kung sino man ang tumawag sa akin at nakita si Elise na nakatayo sa likuran ko sa kabila ng kama ko.


"Elise" pagtawag ko sa kanya



Naglakad naman siya papalapit sa akin at umupo sa tabi ko.



"Pinapatawag na naman ba ko ?"  pagtatanong ko sa kanila



"Hindi hahaha.  Namiss lang kita grabe ka." natatawa niyang sagot sa akin


Itinigil ko naman ang pagtitiklop ko ng kumot ko

At tumingin sa kanya,

"Kailan ka pa naging clingy ?" tanong ko sa kanya at natawa naman siya

Nakangiti naman ako habang tinitignan siya.

"Okay ka na ba ?" tanong ko sa kanya

Ang tinutukoy ko ay yung ginawa ko sa kanya.

Parang di ko pa sya natatanong at nakakahingi ng sorry simula nung araw na yun.


"Hindi ka pa rin nakakamove on dun ? Haha, ako nga dapat magtanong sa iyo niyan eh" natatawa niyang sagot sa akin


Napayuko naman ako.


"Ayos lang naman ako."


Kahit na pakiramdam ko ay nakakamatay ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.


"Good. Kasi kung hindi malalagot sa akin si Apex."  sabi niya


Napahiga naman ako sa kama ko.

Habang nakatingin sa chandelier na nakakabit sa kisame ng aking kwarto.


"May ipagtatapat ako Elise. Pero sana sa atin lang tong dalawa." mahinahon kong sabi sa kanya

Napakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin.
Kiya ko sa gilid  ng aking mga mata habang nakatingin pa rin ako sa taas.


"Hindi talaga totoong nagmamahalan kami ni Apex." pag amin ko sa kanya


"Ano ?"  nagtataka naman niyang tanong

"Narinig mo na. Ayoko ng ulitin." sabi ko naman sa kanya at tumingin sa kanya


"Yeah,  pero kasi hindi halata."

"Nagpapanggap lang kami" sagot ko


Bumuntong hininga naman si Elise,
"Totoo ba ?" tanong niya


Ngayon ay ako naman ang napakunot ang noo.

"Anong totoo ba ?" pag uulit ko sa kanya

"Totoo bang hindi mo sya mahal ?" paglilinaw niya


"O-"

Hindi ko alam kung bakit naurong ang dila ko nung sasagutin ko syang oo.

OO

Isang salita
Dalawang letra

Bakit tila ang hirap bigkasin.



"Pwede na sana akong maniwala sa sinabi mo at isiping magaling lang kayong umarte. Pero nung tinanong kita kung totoo ba ay hindi mo naituloy ang sagot mo."

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon