T.H. 32

1K 43 0
                                    




Yulia's PoV


Iika ika akong naglalakad papunta sa cottage namin.  Aish.  Naiinis ako sa hapdi na nararamdaman ko sa mga sugat na nakuha ko.

Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari.

Pano ko nagawa yun ?


At  bakit sa akin napunta yung mga sugat ?  Tumulong lang naman ako T-T


Ouchh.  Hindi kaya marabis ako nito ?

Waaaaaaaahhhh   T-T


Natigilan naman ako sa pagpapanic ko ng marinig ko na nagtatawanan yung mga kasama ko sa pool.

Sina Shandra at Quantum ay magkakampi laban kina Elise at Plato na nagpopool fight. Si Walter naman at Fiona laban kina Misha at Sarthou. Tuwang tuwa sila sa pinagkakaabalahan nila hanggang sa bumagsak sa tubig si Elise.

Nagexibition pa si Shandra sa pagkakapanalo nila ni Quantum at gumawa pa ng tropeyong gawa sa yelo.

Nagiisip bata na naman sila haha.

"Ang weak kasi ni Plato e." pagmamaktol ni Elise

"Anong ako ?  Ang taba taba mo kasi !  Dapat nagdadiet ka rin no."  singhal naman ni Plato.

O-ow

"Ahh. Ganun ha."  sabi naman ni Elise at nagsimula na silang maghabulan sa pool.

Yung mga kasama naman namin ay natigil na nung nakitang naghahabulan na yung dalawa at nagchicheer na sa dalawa.

Napansin ko naman sa isang gilid sina Kim at Apex na magkatabi sa gilid ng pool at nanunuod lang din sa mga naghahabulan. Nakikitawa lang si Kim habang si Apex ay nakatingin lang sa dalawa at iiling iling.

Tsss. Malandi kang halimaw ka.

Napaaray naman ako ng muli kong maramdaman ang mga hapdi ng mga sugat ko.  Aiisshhh.

Iika ika akong nagpatuloy sa paglalakad at napagpasyahan na dumiretso nalang sa kwarto namin at baka masira ko pa ang kasiyahan nila.

"What happened to you"  literal na nadulas ako nang magulat ako sa biglaang pagsasalita niya sa likod ko.

Agad naman siyang lumapit sa akin para tulungan akong makatayo.

"Ano ka ba Cyrus,  bigla bigla ka nalang nagsasalita." singhal ko sa kanya

Siguro nga normal lang sa mga bampira ang manggulat -_- pisti

"Saan galing ang mga sugat mo ?" tanong niya naman sa akin na hindi pinansin ang inis ko sa kanya sa panggugulat niya


"D-dyan lang ha-ha"  sagot kp sa kanya na hindi niya binili dahil sa tono ng pagkakasagot ko

Great -_-

Inakay niya naman ako sa paglalakad pero dahil sa pagkakadulas ko ay lumala pa ata ang paa ko at hindi ko na kinayang igalaw ito.

Arghhh >_<

"Fiona can help you.  Tatawagin ko lang siya."  sabi pa niya pero pinigilan ko siya

"Kaya ko pa naman e. Mamaya nalang siguro kapag natapos na silang magswimming." sabi ko naman sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan

>_<

Pinaupo niya muna ako sa may hagdan at saka pumunta kina Fiona at tinawag ito.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon