Yulia's PoV
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Nakalutang ba ako sa ere ?
Hindi
Para akong nasa ilalim ng tubig.
Iminulat ko ang aking mga mata at nakumpirmang nasa ilalim nga ako ng tubig.
May liwanag na nagmumula sa ibabaw ng tubig.
Balak ko sanang umahon ngunit naramdaman ko na may baging na nakatali sa mga paa ko.
Napatingin ako rito at sa buong katawan ko.
Napupuluputan ako ng maraming baging sa katawan. Hindi naman mahigpit ang pagkakapulupot ng mga ito sa akin.
Bakit ako napunta rito ?
Hindi ko matandaan ang mga sumunod na nangyari pagkatapos kong bumagsak sa tubig.
At ang isa ko pang hindi maipaliwanag ay bakit ako nakakahinga sa ilalim ng tubig ?
Ano bang nangyayari ?
Nasaan sina Plato ?
Sina Elise ?
Inilibot ko ang aking paningin ngunit kadiliman ang nakikita ko.
Sinubukan kong tanggalin yung mga baging sa katawan ko para makaahon sa tubig.
Ngunit pagtingin ko rito ay naging buhok na ang Mga nakapulupot sa akin.
Saka ko naramdaman na parang may sumasakal na sa leeg ko.
Hanggang sa nahirapan na akong makahinga. At puro bula na ng tubig ang lumalabas sa bibig ko.
Pinipilit kong tanggalin yung buhok na pumupulupot sa leeg ko ng biglang lumuwag ang pagkakasakal nito sa akin.
Nung naramdaman kong parang nakawala na ako sa pagkakasakal ay lumangoy ako papalayo upang makita ko kung ano ba ang bagay na yun.
Nakita ko sina Elise at Shandra na kinakalaban ang isang white lady.
White lady ?!
Nakadress kasi puti yung babae tapos mahaba yung buhok kaya white lady. Haha
Pero hindi ako makapaniwala sa sunod na nakita ko.
Si Shandra gumagawa ng bloke ng yelo saka ipinasok ni Elise sa loob yung babae sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Naramdaman ko naman na may kumalabit sa akin at paglingon ko ay nakita ko sina Quantum, Apex at Misha na parang niyaya ako paahon.
May mga pangil at pula ang mga mata.Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari ngunit imbis na sumama ako sa kanila ay lumangoy ako papalayo sa kanila.
Sa mga oras na ito ay isa lang ang nasa isip ko.
Ang lumayo sa kanila.
*******
"Yulia !"
"Yulia !"
"Come on Yuls !"
Napabuga ako ng tubig nung naramdaman kong may tumatapik tapik sa pisngi ko.
Nakailang ubo ako nung mapagtanto na nakahiga na ako sa may lupa sa tabi ng falls at nakapalibot sa akin sina Elise, Quantum at Plato.
Umayos naman ako ng upo para makahinga ako ng maayos.
Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng ilang kilometro sa hingal na nararamdaman ko.
"A-anong nagyari ?" tanong ko sa kanila
BINABASA MO ANG
The Hunter
VampireYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...