T.H. 22

1K 54 0
                                    


Yulia's PoV

Gabi na nang makarating kami sa mansyon na tinutuluyan daw dati nila Quantum sa Puerto Villa.

At dahil mga pagod daw sila sa byahe ay nagprisinta ako na ako na lang ang magluluto ng gabihan namin.

Sa una ay napatingin sila sa akin at mukhang di makapaniwala. Pero dahil nga tinatamad silang magluto at mga nagtuturuan ay wala na rin silang nagawa.

Ito na rin ang paguumpisa ko sa pakikipag ayos sa kanila.

Matapos kong lutuin ang mga pagkain ay agad ko itong inihain sa kanila.
Lahat naman sila ay nasa dining hall na.

"Ayos ! Namiss ko ang luto ni Yulia." sabi naman ni Quantum habang yung iba niyang kasama ay tahimik lang.

Tumukhim naman ako para basagin ang katahimikan sa lugar.

"Gusto ko sanang humingi ng tawad. Sa mga nasabi kong hindi mabuti sa inyo." nakayuko kong sabi.

Ilang sandali naman ay wala akong narinig na sagot mula sa kanila kaya tinignan ko sila.

Mga mukhang di maipaliwanag.

Maya maya naman ay biglang nagsalita si Plato na nasa tabi ko.

"Ahhm. Seryoso ka ba jan ?" tanong niya sa akin.

At sasagot na sana ako ng may biglang tumamang tinidor sa ulo niya.

"Aww ! Sino yun ?" tanong niya naman habang hinihimas yung tinamaang parte ng ulo niya.

"Ako bakit ? Nagtatanong ka pa e baka magbago pa isip ni Yulia." sagot naman ni Elise saka tumayo at lumapit sa akin.

Hinawakan naman niya yung kamay ko.

"Namiss kita super." sabi niya saka ako niyakap.

"Oy oy oy ! Tama na yan. Kakain na o gutom na ko." sabi naman ni Quantum.

at ngayon siya naman yung nabato. And this time kutsilyo na. Pero dahil hindi siya tao ay naiwasan niya ito.

"Grabe ka Shandra ha !" sabi ni Quantum at bumaling kay Shandra

"Panira ka ng moment ng kapatid mo e." sabi ni Shandra.

Dinilaan naman ni Elise si Quantum.

At dahil jan pakiramdam ko okay na kami.

Sana.



Pagkatapos naman naming kumain ay nagligpit na ako ng pinagkainan namin at dinala lahat ng hugasan sa kusina.

Tapos sila ay nagsipagpuntahan sa kanikanilang kwarto para ayusin ang mga gamit nila.

Grabe, ang laki rin ng bahay na to ha.

Mansyon na ata to eh.

Feeling ko pag naglakad lakad ako dito mag isa e maliligaw ako.

Meron pa rito na isang malaking kwarto ginawang training room.
Baka pwede akong pumuslit dun mamaya at maitrain ko na ang katawan ko tulad ng sabi ni Ime.

Napamali naman ako ng tapat ng kutsara sa gripo kaya nabasa ako ng tubig.

"Aishhh !" mahinang sabi ko.

Tsk tsk. Pambihira, kung kelan naman tinatamad akong magbasa e. Hmmmp.

Agad kong tinapos yung paghuhugas ko at pumunta na sa kwartong ipinahiram sa akin.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon