T.H. 24

1K 58 2
                                    


Elise's PoV

Sinundan ko ng tingin si Yulia habang naglalakad siya papalayo sa amin.

Nung naabutan namin siya na nakatutok ang baril kay Misha, aaminin ko nagulat ako. Natigilan. Hindi ko inakala na magagawa yun Yulia kay Misha.

Pero sa narinig ko kanina mula sa kanya, parang may mali. May part sa kin na gusto ko siyang paniwalaan.

Nalulungkot din ako sa kalagayan niya. Ni hindi ko man lang sya naidefend kay Shandra.

"Susundan ko si Yulia." lumapit sa akin si Plato at saka ako tinapik.

"Naniniwala ka ba kay Yulia ?" pagtatanong ko sa kanya


"Oo. Kilala ko siya, lumaki kaming magkasama. At hindi niya yun magagawa sa mga itinuturing niyang kaibigan Elise. Hindi ko lang alam kung anong nangyayari ngayon at parang nadidiin siya. Pero nasa sa inyo naman yun kung paniniwalaan nyu siya o hindi. Basta ako, kilala ko ang kaibigan ko." sabi niya naman sa akin at saka ginulo ang buhok bago umalis at sundan si Yulia.

Ako naman ay pumasok na sa bahay para magpahinga.

Kelangan malaman namin kung ano ang nangyayari.

At kung ano ang motibo ni Yulia at nagawa niya yun kay Misha kung sinasadya man niya yung mga nangyari.

Hayyysss. Sumasakit ang ulo ko ! Nakakaloka ang mga kaganapan.









Yulia's PoV

Papalalim na ang gabi ngunit heto pa rin ako, parang naglalakad sa kawalan.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi ko naman kabisado ang lugar.

Saan kaya ako pwedeng magpalipas ng gabi ?

Nakaramdam naman ako ng unti unting pagpatak ng ulan sa aking katawan.
Naku, kung siniswerte ka nga naman Yulia oh.

Hanggang sa papalakas na ang mga ito ay tuluyan na akong nabasa nang hindi pa nakakahanap ng masisilungan. Tumatakbo na nga ako sa hindi ko malamang direksyon. Para akong ligaw na pusa na basang basa.

Nagulat naman ako nang biglang may humila sa akin kaya agad kong hinugot ang baril ko sa aking hita at tinutok sa kung sino man tong naglakas loob na hawakan ako.

"Yooww, easy lang ako to. Ang pinakagwapong nilalang." agad na sabi ni Plato sa itinaklob sa akin ang hawak niyang malaking plastik.

Saan niya kaya ito nakuha ?

Inirapan ko siya. "Bakit ka nandito ?" tanong ko sa kanya

"Sasamahan ka. Kawawa ka naman eh." sagot niya

"Tsss." tanging nasabi ko

Hindi niya talaga ako pababayaan. :)

"Natouch ako. Bwaackk" sabi ko at kunwaring nasusuka.

Bahagya niya namang tinapik ang aking braso. "Halika nga, may nadaanan ako dung mapagsisilungan natin." sabi niya saka ako hinila papunta sa kung saan.


At ayun nga, dinala niya ako sa isang parang building na hindi natapos. At doon naghintay na tumila ang ulan.

"Yulia, ikwento mo sa akin ang nangyari kanina. Gusto ko marinig ang side mo." bigla namang sabi ni Plato sa gitna ng katahimikan.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Naniniwala ka ba kay Shandra ?" tanong ko naman sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin, " Sa sinabi niyang nakita ka nilang nakatutok ang baril kay Misha, OO. Pero yung may binabalak kang masama. Hmmm. Pagiisipan ko." sabi niya na parang binibiro pa ko dun sa huli.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon