Hunter's PoV
"Wag ang anak koo !" pagiyak nung nanay nung kinukuha namin
Tinignan ko sa mata yung kasama ko at sinenyasan ko na tapusin na yung matandang yon.
Mukhang todo na ang pagmamatyag ng mga hunter ngayon ah.
Bawat bayan kasi na mapuntahan namin ay may mga bantay na.
Gusto ko sanang tapusin ang mga yon pero sabi ni master Light, umiwas daw muna ako sa kanila.
Swertihan na nga lang kapag may makita kaming naglalakad sa daan na babae eh.
Tulad ngayon.
"Sige dalhin nyo na yan. At bumalik na sa palasyo." utos ko sa mga kasama ko
Tssk.
"Sandali"
Papaalis na dapat kami nang biglang may nagsalita sa likod namin.
Natigilan kaming lahat pero sinabihan ko na ang mga kasamahan ko,
"Dalhin nyo yan. Ako na ang bahala sa kanya"Pero isang hakbang palang ang nagagawa ng mga ito ay may dumapo na sa kanilang katawan na itim na apoy at nabitawan nila ang bihag kaya nakatakbo ito.
Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko.
At ewan ko ba kung ano itong naramdaman ko nang magsalubong ang mga tingin namin.
Matutulis ang mga tingin niya sa akin at parang kinikilala niya ako sa mga titig niya.
Sapat na ang liwanag na nagmumula sa buwan para pahapyaw na makita ko ang mukha nang lalaking nangahas na tapusin ang mga kasama ko at palayain ang nakuha naming birhen.Agad akong kumuha ng palaso sa nakasakbit sa likuran ko at itinapat ito sa kanya,
At hindi siya gumalaw na hindi ko naintindihan. Patuloy pa rin kasi ang pagtitig niya sa akin. Mga titig na napakalamig.
Gagamitin ko na sana itong pagkakataon para bitawan ang palaso at patamaan siya pero may kung ano sa loob ko na pumipigil para gawin ito.
Nagtaka rin ako sa isang butil ng luha na tumulo sa aking kanang mata na hindi ko maintindihan kung para saan ito.
Hanggang sa humakbang siya paunahan kaya gumalaw din ako at mas itinutok sa kanya yung pana ko.
Natigilan naman siya at parang pinakiramdaman ako peri nagpatuloy sa paghakbang nung hindi ko naituloy yung pagpana ko.
Ano ba to ? Naigagalaw ko naman ng maayos ang buong katawan ko pero hindi ko magawang panain ang lalaking to.
At sino ba siya ?Hanggang sa makalapit na nga ito sa akin ay hindi ko pa rin naigalaw yung mga kamay ko.
Siya pa nga ang nagbaba nito.
Napapikit ako dahil pakiramdam ko anumang oras ay matutunaw ako sa mga titig na binibigay niya sa akin.
Ano ba Hunter ? Umalis ka na sa harap niya. Malamang may ginamit na kung ano mang kapangyarihan sayo kaya ka nagkakaganyan
Tinanggal niya yung telang nakatakip sa bibig ko na nakapagbigay sa akin ng kaba.
Makikita niya ang mukha ko. Pero wala akong ginawa . Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko sya pinigilan.
Bakit may pakiramdam ako na mapagkakatiwalaan ko ang lalaking to ?
At bakit ganito nalang kalakas ang kabog ng dibdib ko ?
At hinintay ko ang susunod niyang gawin pero may pabulong siyang sinabi sakin, Na syang ikinamulat ko ng mga mata,

BINABASA MO ANG
The Hunter
VampirosYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...