T.H. 10

1.2K 60 0
                                    

Yulia's POV

"Hah !" sigaw ni Quantum sa sobrang pagod at napaupo sa gitna ng dinadaanan namin.

Higit dalawang oras na rin kasi kaming naglalakad paakyat ng bundok.

Yep.

Naisipan kasi nilang maghiking.

Meron din daw kasing magandang falls sa tuktok nito.

Di ko lang malaman pero akala ko ba may misyon tong mga to ? Haha

Sa totoo lang ramdam ko rin ang pagod ni Quantum dahil nga sa bukod sa antagal na naming naglalakad ay paakyat pa tong dinadaanan namin.

Nanginginig na nga tong mga tuhod ko sa bawat hakbang ko eh.

"Alam mo, para ka talagang bakla ! Kanina ka pa reklamo ng reklamo e. Dinaig mo pa si Misha." sabi naman sa kanya ni Shandra.
She looks stunning in her hiking attire today.
Halatang alaga ang kanyang katawan sa korte ng kanyang katawan.

"Hoy ! Ikaw wag mo kong mabakla bakla ha. Halikan kita jan eh." sabi naman sa kanya ni Quantum na ngayon ay nakaupo pa rin sa gitna ng daanan.

Nagpahuli kasi ako sa kanila para di halatang napapagod na rin ako sa paglalakad x)

"Bro wag mong halikan. Anakan mo na ng matameme." panunuyo naman ni Plato kay Quantum kaya napatango tong isa at nagtawanan yung dalawa.

"Salamat po master" sabi ni Quantum at yumukod pa kay Plato

-__-

Mga baluga -_-

Nakita ko naman na napailing nalang si Elise sa usapan nung dalawa.

Habang si Shandra ay mukhang sasabog na sa galit kaya lumapit siya sa dalawa at binatukan ng pagkalakas lakas.

Halata namang di napigilan ni Misha ang pagngiti sa kalokohan nung dalawa.

"Tigil tigilan nyo kong dalawa kayo ha ! Papatayin ko kayo sa lamig !" sabi niya sa dalawa.

Napa aray naman sina Quantum at Plato sa batok sa kanila ni Shandra.

"Ikaw naman kasi e. Ang hina hina mo." pagsisi naman ni Plato kay Quantum

"Ano ? Ako ? Malakas kaya to" sabi naman ni Quantum kay Plato at nagtaas pa ng balikat para ipakita yung mga muscles niya sa braso.

"Weak !" sabi naman ni Plato sa kanya at nagsimula ng iwan si Quantum.

"Tsss. Kahit pa may buhat ako kaya kong makarating sa tuktok no !" sigaw naman ni Quantum kay Plato.

"Tsss. Mga isip bata talaga." rinig ko namang sabi ni Elise na ngayon ay nasa tabi ko na.

Di ko na namalayan yung paglapit niya sa akin dahil sa panunuod ko sa dalawa.

"Ok. Sige let's have a bet." sabi ni Plato kay Quantum at saka lumapit dito

"Sige ba !" sagot sa kanya ni Quantum

"Bubuhatin ko si Elise tapos ikaw si Shandra. Hanggang sa makarating sa tuktok. Ang magreklamo siyang maghahanda ng mga tent na tutulugan" paliwanag ni Plato.

"Ano ! Bakit si Shandra sa akin ?! Eh ang bigat bigat niyan ! Saka mamaya pagdating ko sa tuktok wala na kong ulo e." pag alma naman ni Quantum kay Plato

"Di ko kelangan ng tulong mo no !" sigaw naman sa kanya ni Shandra

"Nye nye" pag gaya sa kanya ni Quantum kaya bigkang may tumamang bato sa noo niya.
Galing kay Shandra. Haha

Ang brutal pala nung babaeng yun xD

"Aray ko. Tsk. Nakita mo yun ? Si Misha nalang ! Mas magaan pa." sabi naman ni Quantum na hinihimas himas pa yung noo niya.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon