T.H. 7

1.4K 71 1
                                    


Yulia's

"Tabi tayo Yulia :)" nakangiting sabi sa akin ni Elise at umupo na sa tabi ng hindi hinihintay ang sagot.

Inutusan kasi si Apex at ang mga kaibigan niya na hanapin ang isang prinsesa daw.
At bilang tagapagbantay kami ngayon ni Apex ay kasama kami ni Plato sa trip nila.

Nang lahat ay nakasakay na sa van na pagmamay ari nila Apex ay nagsimula na itong paandarin ni Quantum.

Katabi niya ay si Apex na ngayon ay nakasun glass at parang walang pakialam sa mga kasama niya. Mukha ngang natutulog e.
Sa likod naman ni Quantum ay ako katabi ng bintana at si Elise sunod si Misha na kanina pa pinagmamasdan si Apex sa side mirror.
Sa likod naman namin ay si Shandra at si Plato.

"Ahmm. Tanong ko lang ha ? Sino itong sinasabi nyong prinsesa ? At bakit nyo siya kelangang hanapin ?" tanong ko kay Elise na ngayon ay naglalaro ng candy crush sa cellphone niya.

"It's the long lost vampire princess na hindi pa namim nakikita o nakikilala." walang alangan na sabi niya

Vampire ?

"You are looking for a vampire ? Hindi ba kayo natatakot ??" tanong ko muli sa kanya,

Bigla naman akong napatingin kay Quantum na ngayon ay tumatawa na parang may kumikiliti sa kanya.

Napakunot naman ang noo ko sa kanya.

Huminto naman siya ng mapansing lahat kami ay nakatingin lang sa kanya.
Even Apex na nagising ata sa pagkakahimbing ay nilingon siya.

Napatikhim si Quantum at nagpatuloy nalang sa pagdadrive.

"Wala kaming dapat ikatakot. Besides, nandyan naman kayo e. Kung sakaling saktan man kami ililigtas nyu naman kami diba ?" sabi niya sa akin.

Napangiti naman ako sa kanya at tumango.

Bahagya akong natouch sa sinabi niya.

They trust us. Nakakatuwa lang hihi.

Napatingin naman ako sa daan pero bumalik ulit ng tingin kay Elise.

"Ahhmm. Isa pa pala. Pano nyo hahanapin yung hindi nyo pa nakikita o nakikilala ?" tanong kong muli sa kanya

Napansin ko naman na parang napaisip si Elise at napatingin sa kanya si Misha
"Hmm. Ewan. Basta. Haha" sagot nalang ni Elise.

Hmm. Maybe I will help them too.

Baka yung prinsesang yun ay may alam tungkol sa bampirang pumatay sa mga magulang ko.

But ang malas niya kung ako ang unang makakita sa kanya.
She's a beast. Therefore, She is not excempted sa mga pinaniniwalaan ko.
Lalo na't prinsesa pa siya at may kakayahang mamuno.
Once a beast, always a beast.

-------------

Nagising ako ng naramdamang may tumatapik sa pisngi ko.
Tinignan ko naman kung sino ito at nakita na si Elise ito.

"We're here" nakangiti niyang sabi.

Umayos ako ng upo at inayos ang sarili.
Lumingon ako sa paligid at nakitang madilim na.
Nung bumaba ako sa sasakyan ay agad kong nakita ang isang napakalaking bahay ngunit mukhang luma na.

"Asan sila ?" tanong ko naman kay Elise na may hinahanap sa bag niya

"Nasa loob na. Halika na, iwan mo na muna iyang bag mo sila na bahala sa mga yan" sabi naman niya at bumaba na rin.

"Nasan tayo ?" tanong ko sa kanya

"We are in Darhood. Dito tayo tinuro ni Tito Ced e. And sa ngayon, nasa dulo tayo ng city. Nagawi na kami dito once nila Apex when we were 7 I guess ?, pero once lang kaya hindi rin kami familiar masyado dito sa lugar.",sabi niya at napatango nalang ako.
Para kaming nasa entrance ng gubat e.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon