T.H. 15

1.2K 60 2
                                    

Yulia's PoV

Hindi ko alam kung nasang bahagi na ako ng palasyo napadpad pagkatalon ko mula sa taas.
At dahil dun naisipan ko munang maglakad lakad para makapagpahangin man lang.

Puno rin kasi ng bampira sa loob kaya pakiramdam ko hindi rin ako makakagalaw ng maayos dun.

Mabuti na rin dito at baka makakita ako ng umaaligid sa palasyo. Dito nalang ako kesa makipagplastikan sa mga naroroon sa pagtitipon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad lakad hanggang sa napadpad ako sa isang napakalawak na lugar dito sa labas.

Maliwanag rin naman dahil may mga poste ng ilaw na nakatayo sa paligid nito. Hindi nga lang ganun kaliwanag dahil malawak nga.

Hanggang sa napansin ko na parang pamilyar ang lugar na ito.

Bigla akong natigilan.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Bakit ganun ? Bakit pakiramdam ko alam ko ang lugar na ito at nakapunta na ako dito dati ?

Maya maya naman ay nakarinig ako ng parang isang tunog.

May nilalang pa rito bukod sa kin ?

Sinundan ko kung saan nagmumula ang tunog. Pinakinggan kong mabuti ang musika. Napakaganda sa pandinig. Mararamdaman mo na sanay na sanay at parang may pinaghuhugutan ang sinumang nagpapatunog.

Hanggang sa nakalapit ako kung saan ito nagmumula.

At nakita ang isang babae na nakatagilid sa akin na nagpapatugtog ng flute.

Nakapikit siya at parang pinapakinggan rin ang sariling musika na kanyang nililikha.
Kung titignan ay napakaganda niya at iisipin mong parte siya ng royalty at nabibilang talaga sa lugar na ito. Siya kaya ang ina ni Apex ? Ang reyna ng mga bampira na naririto ?

Pero natigil ako sa mga isiping iyon ng may mapansin akong isang nilalang na gumagalaw sa isang puno sa likod ng babae.

Tinitigan ko itong mabuti at napagtantong may hawak itong isang palaso at nakatutok sa babae.

At hindi ko alam kung bakit kinabahan din ako at parang gusto kong iligtas ang babae.
Kung siya nga ang reyna, diba dapat pabayaan ko nalang ito ?

Pero hindi na ako nagdalawang isip pa nung nakita ko na binitawan niya yung palaso at papalapit na ito sa babae kaya mabilis kong iniharang ang sarili ko at dinukot ang baril ko saka binaril yung nagpakawala ng palaso.

At hindi ko alam kung natamaan ko ba yung nilalang na yun dahil nung tumama sa balikat ko yung palaso,

Unti unting nakaramdam ako ng hilo.

Saka nagdilim ang paligid ko.





-----------+------------



Nagising ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin.

Nung inilibot ko ang paningin ko ay nakita ko si Plato na nakahiga sa isang couch sa may gilid ng kwarto at nakangangang natutulog.

Tsssss.

Marahil ay nasa isang kwarto ako ng palasyo.

Naalala ko yung nangyari kanina at saka kinapa yung kanang balikat ko ngunit parang walang nangyari dito dahil kahit isang daplis ng sugat ay wala akong nakapa.

Tumayo ako at hinanap ang sandals ko at nakita ito sa may gilid ng pintuan.
Kinuha ko ito at nakapaang lumabas ng pinto. Ayoko nang isuot ito kasi nangangalay na yung mga binti ko.

Napakamot naman ako sa ulo ng makitang napakalaking pasilio ang sumalubong sa akin at hindi ko alam kung saan ako dadaan. Hayysss -_-

"Dapat kasi ay ginising mo ako para hindi ka malito." narinig kong sabi ni Plato na ngayon ay nasa likod ko na.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon