Dedicated to @DKSoriano , @CASTorres11 , @losiramput
Yulia's PoV
"Wow. Kaya mo ring magmanipulate ng kuryente ?" manghang tanong ko kay Apex
Yep. I'm here with him.
Siya nga yung nakatoka sa power training ko.
Hindi siya umattend nung isang araw sa hindi ko malamang dahilan at ngayon ay seryoso niyang ipinakikita sa akin ang pagpapalabas at pagkokontrol ng kuryente.
"Just a little bit. Hindi ako rito nagfocus kaya hindi ko siya napalakas pero kayo ko siyang kontrolin." pagpapaliwanag sa akin ni Apex
Tinuruan niya pa ako ng mga ilang tips and tricks para mapalabas ko ang aking kapangyarihan ng hindi nasasaktan.
At maipagmamalaki kong mabilis naman akong natuto.
"Now try it." utos niya sa akin
Pinapailaw niya kasi sa akin yung isang bumbilya gamit ang kuryente mula sa akin limang talampakan ang layo mula sa kinatatayuan namin.
Nagfocus ako at saka pinakiramdaman ang daloy ng kuryente sa akin saka itinutok ang daliri ko sa bumbilya.
At nung naramdaman ko ang isang maliit na pwersa sa daliri ko ay pinakawalan ko ito at pinatama sa pwetan ng bumbilya.
At kitang kita ng mga mata ko kung pano ito umilaw kahit saglit.
Napatalon naman ako sa tuwa at di hindi na inisip kung nagmumukha na ba akong ewan.
Nakita ko namang nakangiti rin sa akin si Apex at bahagyang nakangiti.
The next thing i know ay nakayakap na ako kay Apex.
Agad kong binawi ang sarili ko at tumalikod sa kanya.
Napakagat labi pa ko sa ginawa ko at gusto ko nang sabunutan ang sarili ko.
Tsss. Napaka mo talaga Yulia .
"Sorry" bigla kong sabi saka umupo sa isang gilid at kinuha ang tubigan ko.
Nakaramdam ako ng awkwardness sa training room.
"You can now rest." yun lang ang sinabi niya saka lumabas ng kwarto.
Agad naman akong napabuntong hininga at saka sinabunutan ang sarili ko.
"Kire !" Pagalit ko pang sabi
(Ibig pong sabihin malandi haha ewan ko kung anong language un)Baka kung ano na namang isipin nung halimaw na yun. Tsss.
Napatingin naman ako sa bag ko at saka inabot ito.
Tuwang tuwa kong kinuha ang itim na gloves dito at saka isinukat sa aking kamay.
Ito yung kinuha ko sa may kwarto ni Henri.
Dahil dito mahahawakan kong muli ang aking mga armas at makakabalik sa aking nakalakihang gawain.
Ang maghunt ng mga masasamang bampira.
At pakiramdam ko,
Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganakNagulat naman ako nung biglang bumukas ang pinto.
Agad ko namang naitago yung gloves sa bag ko at tinignan kung sino ang pumasok.
"Ginulat mo ko." sabi ko kay Cyrus nung nakita ko siya.
Medyo kinakabahan ako kasi baka nakita niya yung tinago ko.
And worst alam niya kung para saan ito.Waaahh. Act normal Yulia.
BINABASA MO ANG
The Hunter
VampirosYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...