T.H. 27

1K 49 1
                                    










Yulia's PoV

"Himala yata,  ang haba ng salita niya kanina."  narinig kong bulungan sa likod ko.

Si Walter ata yung bumulong ?

"Baka dahil kaharap yung prinsesa. Haha"  sabi pa ni Sartho.

Papasok pa lang kami sa pinto ng meeting hall.

Nung bumukas na ito at pumasok na kami ay lahat napalingon sa akin at mga napahinga ng malalim.

Yung patang nabunutan ng tinik sa lalamunan ?

"Explain." sabi ni Ime na may punto pa ang pagkakasabi

Ibubuka ko pa lang ang bibig ko ng magsalita si Fiona na kasalukuyang nasa gilid ko

"Natagalan po siya dahil sa pakikipagusap sa amin.  Hinantay niya pa po kasi kaming matapos sa pagsasalita. Nagpakilala ho kasi kami sa kanya."  nakayukong sabi niya

Tinignan ko naman si Ime at hinantay kung bumenta ba sa kanya ang dahilan ni Fiona.

At ngumiti lang siya kaya napahugot ako ng hininga.

"Maupo na kayo." utos sa amin ni Ime

Sumunod ako kay Fiona pero biglang nagsalita si Ime

"Ariya !,"  sabi niya .

Nagalangan pa ko kung sino yung tinawag niya kaya tumingin ako sa kanya

"Sa tabi ka ni Apex. Uupo."  sabi niya sa akin nung magtama ang mata namin.

Napatingin naman ako kay Apex na pokerface na naman ang mukha at nakatingin sa babaeng nakatayo sa isang gilid.

Si Kim.

Nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya ay napatingin siya sa akin. Agad ko namang binawi ang tingin ko sa kanya at umupo na sa tabi niya.

Ngayon ko lang napansin na marami palang tao sa silid at halos mga may edad na.

Napangiti sa akin ang tunay kong mga magulang nung matapunan ko sila ng tingin.

Ngumiti lang ako sa kanila bilang tugon.

"Nandito tayo ngayon,  para ipaalam sa inyo na nasa atin na ang pinakahihintay nating prinsesa." panimula ng isang lalaki.

At pagkatapos niyang magsalita ay tumingin siya sa akin.

"Maari ba kitang imbitahan dito sa harap Mahal na Prinsesa." dugtong niya pa


Nagalangan naman akong sumunod sa kanya.

Pero mukhang hinihintay niya ako dun at ang lahay ay nakatingin na sa akin kaya wala akong nagawa at tumayo saka dahan dahang naglakad papunta sa lalaking tumawag sa akin.

Nung nakarating na ako sa harap ay nagsitayuan sila at nagsiyuko. Bilang pagbibigay galang siguro.

"Hindi mo alam kung gano kami kasiya nung nakita kana namin sa wakas at nakapiling dito sa palasyo. Sigurado ako na magiging masaya na muli ang lugar na ito."  sabi niya na inagreehan naman ng mga bampira dito sa loob ng silid.

Nagsalita pa siya na hindi ko na binigyan pa ng pansin.
Ngayon nalaman ko na hindi lang pala ito isang pagpupulong lang kundi kasiyahan na rin sa aking pagbabalik. Naglabas na kasi sila ng mga pagkain at mga inumin.


Maraming bumati sa akin,  kaya nangalay ang panga ko kakangiti sa kanila.

At nung hindi ko na kaya ay nagtago ako sa isang gilid at binasa basa ang lalamunan ko.


The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon