T.H. 29

1.1K 56 0
                                    



Yulia's PoV

Nakarating sa council ang tungkol sa nangyari sa akin kagabi sa opisina ng hari.

Kaya gumawa na naman sila ng isang desisyon na hindi ko nagustuhan.

Anong kinalaman ng sitwasyon ko sa pagpapadali ng kasal namin ni Apex ?!

At sa pa yung lalaking yun e.

Kala mo kung sino umasta,  kung makasabi na kelangan ko ang dugo niya.

Nasusuka ako pag naaalala ko yun -_-

Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Plato.

Isa pa to e.

Binato ko nga ng unan pero nasalo naman niya.

"Bakit ang init ng ulo mo ? Haha meron ka ba ?"  natatawang sabi niya

Inirapan ko siya.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita !"  sigaw ko sa kanya

Balugs talaga to,  wala siya sa mga naging meeting namin tapos bigla biglang magpapakita -_-

"Si Henri e, kinulong ako sa training hall." sabi niya saka lumapit sa kama ko at umupo sa may gilid ko.

"Kamusta naman ang prinsesa namin haaaa"   sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko at pinanggigigilan

"Aarraaayy kooo !, Plato ano ba masakit !"  pagpapatigil ko sa kanya at natatawa niya akong binitawan saka ko hinimas himas ang pisngi ko

-_-

"Bakit ba nandito ka ?" tanong ko sa kanya saka tinalikuran ko siya at nagtaklob ng kumot.

Panggulo ng buhay e.

"Syempre dinadalaw ka. Nabalitaan ko yung nangyari sayo e." sagot naman niya

"Tsss." ako yan  haha wala akong ibang masabi e

"Grabe ka naman sakin, wag ka ngang magtalukbong,  hindi mo ba ko namiss hah ?" sabi ni Plato at saka inalis yung kumot sa akin

Hanggang sa mag agawan kami sa teka
-_-

Isip bata talaga to

Itutulak ko sana siya sa kama pero iba ang nangyari,

Bumagsak siya sa kama hindi dahil sa pagtulak ko kundi dahil sa

"The heck Yulia ?  Ilang boltahe ba meron jan sa katawan mo ?"  sabi niya habang hawak niya yung bandang likuran niya na nahawakan ko at hindi sinasadyang mailabas ko ang kuryente sa akin

Umayos naman ako ng upo para tignan ang kalagayan niya,

"Masakit ?"  tanong ko sa kanya at natatawang tinitignan sya.

Haha  ang epic kasi ng mukha niya e.

Pero seryoso ? Nagawa ko yun ?

"Ikaw kaya dikitan ko ng kuryente ? Ha ? "  sarcastic niya namang sabi

Tumayo naman ako at tinulungan siyang tumayo,

Aytt ang bigat naman nito -_-

"Tama nga lang na madaliin ang kasal nyo haha. Buti nga sayo. Matatali ka sa masungit na Apex."  pang aasar niya pa

Tinuhod ko nga yung sikmura niya.

Kainis wala talagang magandang sinasabi tong lalaking to e mabuti yan para matahimik.

"Naiispoiled ka dito ha !  Pag ako nakarecover dito ibibitin kita ng patiwarik !" sabi niya sa pagitan ng pamimilipit niya sa sakit.

"Nyenyenye"  pang aasar ko naman sa kanya

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon