T.H. 19

1K 53 2
                                    

Yulia's PoV





Sabado.

Wala kaming pasok sa academy.

Kaya halos maghapon akong nakahiga dito sa kama ko.

I don't feel like doing anything.
Hindi ko alam pero parang wala akong enerhiyang gumalaw kahit na maglakad man lang.

Higit isang linggo na rin ang nakalilipas nang pumunta kami sa isang bahay na pag mamay-ari ng Williams.

Isang kasambahay ang nagbukas ng gate at sinabing nasa bakasyon ang mga may ari ng bahay.

Nanlulumong umuwi ang mga kasama ko dahil akala nila ay makakakuha na ng lead sa prinsesa pero wala ring alam ang kasambahay sa mga itinatanong ng mga ito.

Habang ako.

Ewan ko ba kung bakit nababother ako.

May kinalaman ba ang mga magulang ko sa pagkawala ng prinsesa ?

O baka naman kaapelyido lang ?

O baka naman isa sa kamag anak namin at hindi ang mga magulang ko ?

Naisubsob ko ang mukha ko sa aking unan.

Arggghhh ! !

Ayuko ng ganitong pakiramdam !

Nang hindi na ako makahinga ay humiga ulit ako at napatingin sa kisame ng aking kwarto.

Siguro lalabas nalang muna ako ng kwarto. Baka sakaling maaliw ako sa labas at kahit papano ay mabawasan ang aking pag iisip.

Tama. Ang talino ko talaga.

Pumasok ako sa cr at naligo muna bago lumabas. Baka makasalubong ko yung hari o yung reyna ng hindi man lang ako nakapag ayos. Kahit konti ay may hiya naman ako no.

Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto at naisip na libutin ang palasyo para mafamiliarize na ako sa lugar.
Para naman malaman ko na ang pasikot sikot dito. Para naman hindi lang dining hall ang alam ko.

Sa laki ng palasyo, swertehan nalang ata na makasalubungan mo ang mga kakilala mo kung meron man.

Napatingin naman ako sa mga paintings na nadadaanan ko.

Actually lagi ko tong nadadaanan kada papunta ako sa kwarto ko rito sa palasyo. Ngayon ko lang talaga nagawang iappreciate sila. Napadako naman ang tingin ko sa isang painting. Isang batang babae na nakaupo. Tila trono niya. Kung tititigan mo'y parang nakatingin rin siya sayo. Masaya siyang tignan. Yung tipong.mahahawa ka sa ngiti niya. Masasabi mong magaling na pintor ang nagpinta nito dahil napakita ang natural na emosyon nung batang babae.

Nabato naman ako sa sarili ko ng mapagtantong siya yung batang nakikita ko sa panaginip ko.

"Napakamasayahin ng batang yan."

Hindi ko mapigilang magulat sa biglang nagsalita.

Crap. Lagi nalang ba akong gugulatin ng matandang ito ?

Tumingin ako kay Ime at yumuko sa kanya bilang pag galang.

"Mukha nga po." sabi ko naman sa kanya habang nakatingin sa painting.

"Nung narito pa siya sa palasyo, siya ang nagbibigay kulay at sigla sa lugar na to. Palabati sa mga nakakasalubong. At kapag umiiyak siya mararamdaman mo ang sakit na nararamdaman niya." pagkukwento naman ni Ime. Sa tono ng pagsasalita niya mararamdaman mo na medyo lumamya yung tono pagkasabi niya ng sakit na nararamdaman nung batang babaeng tinutukoy niya.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon