T.H. 36

1.1K 54 2
                                    

Yeheeyy !
Happy New year Friendss !

Sinong nakamiss sa Yulia Squad ? X)



-----------





Yulia's PoV


Napahiga nalang ako sa sahig nang matapos ang defense training ko.

Yep.

I decided to attend dahil,

Ewan. Nabored na siguro ako sa buhay ko.

Napasandal naman si Plato sa pagod.  Tatlong oras ang nakaallocate sa training pero nakakaisang oras pa lang kami ay ito na ang kalagayan namin.

Namiss ko ang ganitong training haha.

"I think you don't need to train too much princess." sabi niya habang hinihingal

Napatingin naman ako ng masama sa kanya sa sinabi niya

"What ?" nagtataka niyang tanong

"Wag mo nga kong tawaging princess." sabi ko naman sa kanya habang nakatingin sa kisame at pilit na inaayos ang paghinga ko

"Pero prinsesa ka naman talaga diba ?" tanong niya sakin

"O-oo. Pero para kasing may pader na namamagitan sa atin pag tinatawag mo ko niyan. Hindi ako sanay. Gusto ganun pa rin ang trato mo sakin." sabi ko sa kanya

Gusto ko pa rin maranasan na ako pa rin si Yulia yung hunter na kababata niya. Ayokong mawala at kalimutan ang part na yun sa buhay ko.

"Anyway,  anong ibig mong  sabihin na hindi ko na kailangan pa ng training ha ?" tanong ko naman sa kanya

"Wala akong sinabing hindi mo na kailangan itrain. Ang sabi ko hindi mo na kailangan itrain pa ng mas malalim." depensa naman niya

"Ganun na rin yun haha." natatawang sabi ko pa

"Nevermind. Naramdaman ko kasi na mas lalo kang lumakas." sabi niya sa akin na ikinatingin ko sa kanya

"Talaga ?!" parang excited pa na sabi ko

Tumango naman siya bilang sagot.

I felt some happiness sa sinabi nya haha

Napatingin naman ako kay Plato nung naramdaman kong tumayo siya.

"Prepare yourself. Magpahinga ka sa natitirang oras mo." sabi sa akin ni Plato

At dahil nakahiga ako ay nakatingala na ako sa kanya
"Para saan ?" takang tanong ko sa kanya

"For your next training. With Apex"

Natigilan naman ako sa narinig ko

Naalala ko yung nangyari sa may carnival.

Hindi pa ako nakakahingi ng tawad kay Apex dahil sa nangyari.
At alam kong galit siya dahil pinaginitan niya sina Walter dahil sa nangyari !
Which is sila naman talaga may kasalanan
-_-

Alam nyu bang sa labas sila ng bahay pinatulog ?

Yep lahat sila including girls.

At umiiwas pa ako sa kanya at hindi hinahayaang magkrus ang landas namin.

"Ahmmm. Sumasama ata pakiramdam ko." sabi with matching hawak sa mga parte ng katawan ko

Umupo naman si Plato sa gilid ko at tinignan akong maigi

Parang ineexamin kung anong meron sa biglang kilos ko.

"Umiiwas ka ba kay Apex ? Ha ?" tanong sa akin ni Plato na may taas pa ng kilay

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon