T.H. 52

981 43 15
                                    




Yulia's PoV

Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ng maalimpungatan ako.

Pakiramdam ko may nakatingin sa akin habang natutulog ako.

Kaya tumayo ako at pinakiramdaman ang paligid ng kwarto ko.


Nabaling naman ang tingin ko sa may balcon ng akin kwarto at dun ko nakita ang isang anino sa likod ng kurtina

Nilakasan ko ang aking loob at nilapitan ko ito.

Dahan dahan ko pang hinawi ang kurtina ko.

Hindi ko alam kung naramdaman na niya ba ako o ano pero hindi pa rin sya umaalis. Tila gusto niyang magpakita sa akin kaya tuluyan ko ng hinawi ang kurtina.




At dito.


Agad kong nakilaa ang kanyang mukha kahit na liwanag lang mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw namin.



"Hunter" sambit niya



Naalala ko naman ang pangalang yun.



"Hindi na ako ang Hunter mo Light." sagot ko naman sa kanya


Susugurin ko na rin sana siya ng biglang may dumaang pana sa gilid namin

Sinundan ko ng tingin yung pana at nakitang tumama ito sa pader. Bigla namang nagliyab yung pana pagkalaglag sa sahig.


Saka ko ibinalik ang aking tingin kay Light.

"Sisiguraduhin kong babalik ka sakin Hunter" sabi niya bago lubusang mawala

Parang abong dinala ng hangin ang katawan niya

Sa isang iglap nawala nalang siya.


"Princess"

napatingin ako kay Cyrus na nagaalalang nakatingin sa akin.

"Okay lang ako. Hindi niya ko sinaktan." sabi ko sa kanya saka tumalikod sa kanya para sana pumasok na sa kwarto ko

"Natutuwa akong ayos ka lang." sagot niya naman kaya humarap ako sa kanya at nginitian siya

Saka tahimik na pumasok sa kwarto ko.




Ang lakas ng loob niyang sabihing babalik ako sa kanya.

Itong tatandaan mo.

Ako ang papatay sayo.

Sa inyo.


Tulad ng pagpatay nyo sa mga kinilala kong magulang.


Pero hindi ngayon.


Dahil iisipin ko muna ang kapakanan ng magiging anak ko.






-------------------



"Kamusta na ang pakiramdam mo Yulia ?" tanong sa akin ni Fiona

Dinalhan niya ako ng mga sariwang prutas dito sa kwarto ko.
Siya nga gumising sa akin e .  Haysst.


"Ok naman. medyo hindi na ko dinadalaw ng morning sickness ko." sagot ko sa kanya


"Totoo ba yung sabing nakapasok dito si Light kagabi ?" tanong niya sa akin

Tumango ako sa kanya bago nagsalita, "Hindi naman niya ko sinaktan." sabi ko


"Pero kahit na prinsesa. The fact na nakapasok sya sa lugar na to at pumunta sya specifically sa kwarto mo ay dapat lang na ikaalarma ng palasyo. Isama pa na may dinadala ka." sabi niya pa

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon