*sigh
*sigh
*sigh
"Pwedeng tigilan mo na yang pagbubuntong hininga mo? Nakakairita!" Saway ni mama sa akin.
Ihh!!!
Sino ba naman kasi ang hindi mapapabuntong hininga, lagi na lang palipat lipat ng lugar ayan tuloy panibagong school na naman ang papasukan ko.
Kainis!
Bwisit na Buhay to oo!
Ang masaklap pa lagi kaming pinapalayas kasi itong si mama hindi marunong magbayad ng upa kaya ayan!
At tungkol naman sa tatay ko, sabi ni mama iniwan na niya kami noong bata pa ako.
Edi wow!
Oh di ba?
Ang saya ng Pamilya namin?
"Hoy Princess Sarah, wag ka ng tumunganga diyan, kung tulungan mo kaya ako dito?" Nag aayos na kasi kami ng gamit sa bago naming uupahan.
"Heto na nga po oh! Atat lang?" Tinignan niya ako ng masama.
"May sinasabi ka? Nagrereklamo ka?" Ngumiti nalang ako ng pilit.
"Hindi Ma, Ano ka ba? Nag eenjoy nga ako sa ginagawa natin. Hooh! Paparty tayo mamaya pagkatapos." Bigla ba naman akong batukan.
"Aray! Ma?!" Napakamot ako sa ulo.
"Mamama ka diyan! Gusto mong mamatay? Pambihira!" Tss.
Ang sweet ng nanay ko noh?
Anyway, My Name is Kitarah Sanchez.Kit for short. Sixteen years old. 5'3 ang height,Maputi ng konti, Payat at Maganda.
Wag komontra!
Maganda ako!
Minsan mabait, minsan masungit.
Depende sa taong makakasalamuha ko.
Hindi ako mahilig magparty. Taong bahay lang ako kahit may pagka pasaway ako.
May ibubuga sa school mapa academic or non-academic pa yan.
At ang pinakamahalaga sa lahat.
SINGLE!
Wala kasi akong magustuhan.
Ewan ko ba.
Hindi naman ako Tomboy. Ganda ko kaya! Sayang naman ang lahi.
"Kit, Bumili ka sa Palengke ng uulamin natin para mamayang gabi." Hulu siya oh? Bago pa nga lang kami dito, ni hindi ko nga alam ang daan papuntang Palengke.
"Ma. Tingin mo sa akin, may mapa ng lugar nato para malaman kung saan ang palengke? Ma naman! Kakalipat lang naten oh?" Lumapit siya sa akin at pinikot ang tainga ko.
"Aw!aw!aw!aw!" Parang aso lang.
"Huwaw oy! Uso naman ang magtanong di ba? Itanong mo sa mga tricycle driver diyan sa labas." At sa wakas, binitawan na niya ang tainga ko.
Ang sakit nun. Namula ata. Napatingin tuloy ako ng masama sa kanya.
"Anong tingin yan? Kung ako sayo lumakad ka na at baka matusok ko yang malaki mong mata!" Konti nalang uusok na itong ilong ko.
"Ma. Paano ako lalakad kung hindi niyo pa binibigay yung pambili ng ulam." Ano Ma? May pinatago ka ba sa akin?
"Oh heto. Bumalik ka kaagad at madami pa tayong aayusin dito." Kinuha ko ang pera at nagtungo na sa palengke.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Teen FictionAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...