Chapter 20

3.7K 97 2
                                    

I like you...

I like you...

I like you...

Paulit ulit na naririnig ng utak ko. Parang repeat 1 yung sinabi niya sa utak ko.

Ay naku.! Hindi! Baka mamaya trip niya lang talaga akong asarin!

Hindi ! Napapailing nalang ako.

"Kit? Are you ok? Kanina ka pa iling ng iling diyan. May problema ba?" Tanong ni Nerd.

Oo. Kasama ko sya! BestFriend ko na sya talaga! Wala siyang nagawa e. Kahit ayaw niya ay pinilit ko siya.

Tumingin ako ng masama sa kanya.

" Hindi ba sabi ko, ibahin mo na ang lifestyle mo? Hindi ka nakikinig sa bestfriend mo!" Pag iiba ko ng usapan. Ayoko munang i-share sa kanya baka pagtawanan niya lang ako.

"Ayoko. Hindi ako sanay. Nakakailang. "

"Ano ba? Paano ka masasanay kung hindi mo sasanayin. Ganto. Mamayang uwian, puntahan mo ako sa library. Ok?" Lunch break namin ngayon kaya nakakapag usap kami at syempre malayo sa mga tao lalo na sa kinatatakutan niyang Black Knife. May nakita naman kaming lugar na hindi masyadong pinupuntahan ng Black Knife.

Ngayong araw ay pumapasok pasok na sa klase si Kiefer pero hindi siya namamansin kahit sino. Bad mood siguro.

Kailan ba naging good mood yun?

Hindi ko din nakikita ngayong araw ang Black Knife lalo na si Errol.

Baka binibiro niya lang talaga ako sa sinabi niya.

Ano ba! Bakit kasi iniisip ko pa yung sinabi niya e.

Katulad ng ine-expect ko, hindi na naman dumating ang loko. Tss.

Hayaan ko na sya. Bahala na talaga siya sa buhay niya. Mas ok nga yung wala siya dito atleast makakapag linis ako ng mabuti.

"Kit. " sa wakas dumating na si Bestfriend Jiro.

"Bestfriend Jiro!" Wala ng tao dito kaya feel free na sumigaw.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Tumingin siya sa akin at sa basahang nasa kamay ko. Isang malawak na ngitibang binigay ko sa kanya.

"May pupuntahan tayo mamaya pero bago yun. Tulungan mo muna ako dito." Napakamot nalang ito sa ulo.

"Sige na? Please? Para mabilis matapos. "

"Sige na nga. " Dahil sa tuwa ko ay niyakap ko.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako." Bumitaw naman ako.

"Salamat Jiro. Ang Bait bait mo talaga!" Sinimulan na namin ang paglilinis.

Ngayong araw ay malapit ko ng matapos ang paglilinis ng library. Baka pag natapos ko ito ng mabilis ay mapababa ang sintensya ng pagkakadetention ko. Hehe. Malay natin. Nakakapagod din kayang maglinis dito.

"Saan na tayo pupunta?" Tanong niya. Kanina pa siya tanong ng taning sa library pero hindi ko sinasabi.

"Basta! Mamaya mo malalaman kapag nandun na tayo." Sumakay kami ng jeep. Ilang minuto lang ay narating namin ang pinaka malapit na mall.

"Mall? Anong gagawin natin dyan?"

"Matutulog. Ano bang ginagawa sa mall?" Alam kong madaming pwedeng gawin sa mall pero ang naisip ko ay ipa-whole body make over siya.

"Let's go!" Umangkla na ako sa braso niya at pumasok na kami sa mall.

Una naming pinasukan ang  Optical Shop. Bumili kami ng Eye Contact niya para hindi na sya magsalamin ng ubod ng laki.

Sunod ay pumunta naman kami sa Salon. Nagpa suggest ako ng babagay na hairstyle sa kanya.

At ang huli naming pinuntahan ang mga bagay na porma sa kanya.

"Kit. I'm tired. Gusto ko ng umuwi. Pwede na ba ito?" Nag thumbs up ako.

"Ayan! Tao ka na Jiro!"

"Kit naman ."

"Ang gwapo mo Bestfriend" nakita ki ang pamumula ng mukha niya.

"At dahil diyan! Ilibre mo ako ng ice cream. Ang hirap kayang mamili ng babagay sayo."

Sa aming paglalakad ay di maiiwasang tignan siya ng mga babaeng nakakasalubong namin.

Naks! Ang galing ko talaga sa ganto!

"Jiro! Pinagtitinginan ka na ng mga girls." Mahina kong sabi sa kanya.

"Oo nga. Nakakahiya."

"Ano ka ba? Huwag mong ikahiya. Dapat pinagmamalaki mo ang handang lalake mo pero wag labg susobra ng gaya sa Black Knife." Aish.. Bakit ko ba kikokumpara si Jiro sa kanila? Ba naman.

"Oo nga pala. Saan ka nakakuha ng pers para dito?" Ha? Ahm.  Paano ko ba sasabihin..

Napakamot ako sa ulo.

"Ano kasi.. Huwag kang magagalit.. Hehe. Hiniram ko yung credit card mo na nasa wallet. Wag kang mag alala. Nagpaalam naman ako.. Sa wallet mo.. Pumayag naman siya. Sabi niya pa nga,(*small voice) gamitin mo ako para pumogi ang amo ko." Sa sinabi kong iyon ay natawa nalang siya.

"You know what? Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na tulad mo... Daig mo pa ang magnanakaw sa bilis ng kamay mong kumuha ng wallet ko."

"Ganda ko namang magnanakaw." Tumawa lang siya.

"Oh? Bakit ka natawa? Hindi naman joke yun. Maganda naman ako ah."

"Weh? San banda?" Ah. Ngayon joker na sya.

"Ah.. Ganun.. " Sinimulan ko ng tusukin ang tagiliran niya. Napag alaman ko kasing malakas ang kiliti niya dito.

"Hey. Kit. Stop. Nakikiliti ako." Sabi niya habang pinipigilan ako sa pagkikiliti ko sa kanya.

"Gabi na? Why you here? " Napatigil kami sa katuwaan namin dahil sa lalakeng nagsalita.

"Kie..kiefer.." Nauutal na sabi ni Jiro. Pupunta sana siya sa likod ko pero hinawakan ko ang kamay niya at tinabi ko sa akin. Nakita kong napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kamay ni Jiro. Katulad ng huli naming pagkikita, nakasalubong ang kilay nito.

"Kit. Mauna na akong umuwi.." Bulong niya sa akin.

"Hindi. Dito kalang. Sabay tayong uuwi." Sabi ko sa kanya.

"Alam ba ni Tita na nakikipag flirt ka sa mall?" Flirt? Agad agad? Di ba pwedeng kaibigan lang? Utak nga naman ng taong ito oo!

"Tingin mo sa mama ko News Anchor na everyday ay magrereport ka sa kanya na tungkol sa akin? Tss. At kailan ka pa naging pamangkin ng mama ko para tawagin mo siyang tita?" Naramdaman ko ang pagpisil ni Jiro sa kamay ko.

"Kit. Please. Ayoko ng gulo." Bulong muli nito.

"Sino yang kasama mo?" Tanong ni Kiefer na hindi nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Wala kang paki!" Pagtataray ko sa kanya.

Tumingin siya kay Jiro at pinagmasdan ito.

"Kapag nalaman ko kung sino ka. Humanda ka." Pagbabanta nito. Naramdaman kong hindi ko na hawak ang kamay niya at saka tumakbo palayo.

"Jiro! Sandali! Antayin mo ako!" Susundan ko sana siya pero mabilis akong nahawakan ng mokong na to.

Tumingin ako ng masama sa kanya.

Kakabad mood lang ah?! Kanina ang saya saya namin tapos sisirain lang niya? Ha! Ayos din siya.

"Iuuwi na kita." Mahigpit ang kapit niya sa kamay ko at hindi ako makawala.

"Ano ba! Kiefer. Nasasaktan ako!"reklamo ko.

"Tingin mo sa akin? Hindi nasasaktan?" Sigaw niya sa akin.

Ano daw?

*Dub dub Dub dub

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon