"Can you explain to me what's really going on? Naguguluhan ako. " Halata nga. Sa pananalita nya ay gulong gulo siya. Minabuti naming mag usap sa rooftop ng Ospital para walang makarinig at makakita sa amin na tao."Mahabang kwento. Basta, Kambal ko siya. Nalaman ko lang iyon nung nakaraang araw at doon ko din nalaman ang kalagayan niya." Sani ko sa kanya. Medyo kalmado na ako ngayon hindi tulad kanina.
"What do you mean?" Tanong niyang muli sa akin.
"May sakit siya sa Puso Kiefer. Nakiusap siyang hindi sabihin ito pero hindi ko kayang hindi sabihin sayo. May karapatan kang malaman dahil.." Ang sakit pero kailangan kong sabihin.
"Dahil mahal ka niya Kiefer. Alam kong nagalit ka noong panahong iniwan ka niya ng walang dahilan pero kaya niya iyon nagawa dahil ayaw niyang malaman mo na may sakit siya at ayaw niyang kaawaan mo siya at dahil na din sa.. Mahal ka niya." Bakit ang hirap bigkasin ng salitang mahal?
Napapapikit siya ng mata na animo:y pinipigilan ang pagbagsak ng kanyang luha.
"Kaya mo ba ako hiniwalayan dahil sa kanya?" Tanong niya sa akin. Hindinagad ako nakasagot.
"Kiefer. Sobrang bait ng kapatid ko at mahal ka niya."
"E? Ako, mahal mo din ba?" Napatigil ako. Please. Kiefer. Intindihin mo naman yung gusto kong sabihin.
"Kiefer.."
"Kit. Bakit ka ganyan? Tingin mo kapag nakipagbreak ka sa akin at balikan ko siya sasaya ako? Ganun ba ang tingin mo sa akin? Kit, nung sinabi kong mahal kita, totoo yun. Ikaw yung sinabihan ko at hindi si Harmonica." Napaiyak na naman ako sa sinabi niya.
Haay..
"Kiefer, hindi mo ko naiitindihan.."
"Oo!Kit! Hindi talaga! Hindi kita maintindihan! " Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sigawan niya ako.
"Kit, Maging selfish ka naman kahit minsan." Sabi niya sa akin habang umiiyak.
Selfish?
Huh? Patawa ba siya. Tingin niya kaya kong maging selfish kung alam kong makokonsensya naman ako kung magiging selfish ako.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo Kiefer. Selfish? Tingin mo kaya kong pagdamutan yung kapatid ko.kiefer! Ano mang oras pwede nya kaming iwan, pwede siyang mamatay! Buhay kiefer! Buhay ng kapatid ko anv pinag uusapan natin dito. Ang gusto ko lang naman, maging masaya siya kahit alam kong masakit sa akin. Kung may selfish man dito, ikaw yun Kiefer! Ikaw!" Sigaw ko sa kanya.
Huminga muna siya ng malalim.
"Ok! Sige. Kung yan ang gusto mo, pagbibigyan kita. Pero tandaan mo, wag mong pagsisisihan ang ginawa monh desisyon Kit." Sabi niya sa akin bago ako iwan sa Rooftop.
Nang maramdaman ko na wala na siya sa tabi ko ay siya namang hagulgol ko. Wala namang makakarinig sa akin dito kaya ok lang.
Ang sakit...
Sobrang sakit..
Hanggang kailan ko kaya mararamdaman itong bwisit na sakit na ito?"Anak, umuwi ka muna. Ako muna ang magbabantay sa kanya." Sabi ni papa sa akin.
"Hindi na po. Ako na po."
"Wag ka ng makulit. Tingnan mo nga yang sarili mo, parang hindi ka kumakain dito at namamayat ka. Ikaw din, baka maospital ka. Kaya, sige na. Umuwi ka na at magpahinga kahit bukas ka na lang pumunta dito."
Hindi na ako tumanggi. Medyo nanghihina na din ako dahil sa magdamag na pag iyak ko.
Nang makarating sa bahay ay dumeretso kaagad ako sa kwarto para magpahinga.
Kapag naaalala ko yung sinabi ni Kiefer, hindi ko mapigilang hindi maluha.
Oras oras, minu-minuto at segu-segundo na ata akong umiiyak.
Hindi kaya mamatay ako nito? Naalala ko kasi yung sinabi ni Errol na kapag umiyak ako, nawawalan ako ng tubig sa katawan at kapag nawalan ng tubig sa katawan madedehydrate at pwedeng mamatay.
Haay..
Errol.Kung si Errol kaya ang pinili ko magkakaganito ba ako?
Syempre hindi.
Pero, wala e. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.
*tok tok
Napunas muna ako ng luha.
"Pasok" at pumasok ang aming kasambahay.
"Señorita, may bisita po kayo." Sabi ng kasamabahay bago lumabas ng kwarto ko.
Bisita? Ako? Wala akong matandaan na may pinahsabihan ako na dito ako nakatira. Baka nagkamali lang si yaya.
Para malaman ko kung sino, bumaba na lang ako. Pumunta ako sa sala at nakita ko yung tinutukoy na bisita ni Yaya.
"Errol?" Tumingin siya sa akin at hindi na nagdalawang isip na yakapin ako.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kanya habang nakayakap pa siya.
"Sinabi sa akin ng Daddy ko. Pumunta kasi si Tito Harold sa amin para humingi ng tulong about kay Harmonica. Ngayon ko lang nalaman na magkambal kayo at may sakit si Harmonica." Hindi na siguro nakatiis si papa na hindi sabihin sa mga kalapit na kaibigan niya ang kalagayan ni Harmonica.
Kumalas na ako at umupo kami sa sofa.
"Alam na ba ito ni Kiefer?" Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.
"Kaya ka ba nakipag.."
"Errol, pwedeng wag nalang nating pag usapan?" Putol ko sa kanya.
"I'm sorry." Ngumiti ako ng tipid.
"Ok." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Don't worry Kit. Nandito lang ako. Handang damayan ka sa nararamdaman mo. Di ba sabi ko sayo, handa ang balikat ko para iyakan mo?" Tinapik niya ang balikat niya.
Napangiti ako sa sinabi niya. Ihiniga ko ang ulo ko sa balikat niya at doon umiyak. Tinapik tapik naman niya ang ulunan ko.
"It's ok. I'm always here for you Kit."
"Salamat Errol. Salamat."
Buti nalang at nandyan ang mga kaibigan. Sila yung taong handa kang damayan sa mga panahong alam nilang ikaw ang kailangan nila.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Genç KurguAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...