"Kit! Bumangon ka na dyan!" Sabi ni mama habang niyuyugyog ako.
"Ma.. Wala kaming klase. Sabado ngayon." Sabi ko habang tinatakloban ang mukha ko ng unan.
"Gumising ka na! May bisita ka sa labas!" Sino naman kaya ang bibisita sa akin ng ganto kaaga? E. Wala nga akong ka-close dito. Maliban nalang kay Jiro.
"Sino daw?"
"Ano nga yung pangalan niya? Enroll? Roll? E-roll?" Sabi ni mama.
"Errol?" Napabangon ako ng di oras. Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na dito ako nakatira?
Bigla kong kinuha yung suklay at sinuklay ko yung buhok ko bago lumabas.
"Hi. A..anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto ko sanang yayain kang lumabas." Napatingin ako kay mama.
"Maligo ka muna bago kayo umalis." Sabi ni mama sa akin.
"Mama.."
"Ano ka ba anak. Wag kang mag alala, na interview ko na sya kanina. Hehe. " Haay.. Nanay ko talaga.
At gaya ng sabi ni mama ay naligo muna ako at nag ayos. Ilang minuto lang yun dahil nahihiya na ako. Kanina pa ata sya nag aantay sa akin.
"Sige po. Alis na po kami Tita." Aba? Pamangkin na din ba sya ni mama?
"Sige. Ingatan mo anak ko ha? Iuwi mo ng buo yan." Ayan na naman po sya mga kaibigan.
"Mama."
"Anak. Ingat sa daan. Baka matapakan mo yang buhok mo sa sobrang haba. Haha." Hindi ko na sya pinansin at sumakay nalang kami sa sasakyan niyang dala.
"Pagpasensyahan mo na yung nanay ko. Ganun talaga yun. Nakalimutan kong painumin ng gamot kagabi."
"Ok lang. Ang saya nga kausap ang mama mo. Napaka jolly niya at makulit. Parang ikaw." Sabi niya at nagdrive na.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Saan mo ba gusto? Pupuntahan natin." Saan ba maganda?
"Ha? Wala akong masasuggest. Hindi kasi ako mahilig gumala.."
"Ganun ba? Sige. Ako ng bahala at sisiguraduhin kong mag eenjoy ka." Ilang minuto lang ay pumunta kami sa isang malawak na park kung saan may mga siso, duyan at yung mga bambatang laruan.
Napanganga ako. Feeling ko bata ulit ako.
Kyaaah!!
"Ok ba? Naalala ko kasi nung pumunta tayo sa park, parang nabitin ako kaya dinala nalang ulit kita sa ganito, pero mas malawak at maganda naman."
"Ayos to! Namiss ko talaga ang mga gantong lugar." Para sa akin, nakakarelax ang pumunta sa mga ganitong lugar.
"Saan mo gustong unang maglaro?" Tanong niya sa akin.
"Sa siso." Para talaga akong bata. Walang kaarte arteng pumunta na kami sa siso at naglaro. Para akong bata na enjoy na enjoy sa paglalaro.
"Ang sarap talaga sa pakiramdam nito. Namiss ko to ng sobra." Sabi ko. Hindi ko na napigilan ang tuwa ko.
"Wwaaaahuhuhu.." Napalingon ako sa bandang likod ko. May nakita akong batang babae na umiiyak. Siguro nawawala. Bumaba ako sa siso at nilapitan sya.
"Bata. Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko dito habang nagpupunas pa ng luha sa mata. Lumapit din si Errol sa amin.
"Ok ka lang bata? Nawawala ka ba?" Pinunasan ni Errol ang luha ng bata gamit ang kanyang kamay.
Sa ginawa niyang iyon ay nakita ko yung bracelet.
Ibig sabihin hindi sya yung nagligtas sa akin nung araw na iyon.
"Gutto ko po tana na tumakay ta tito kato wala akong kapartner ta tito." Pabulol bulol na sabi ng bata.
"Ganun ba? Gusto mo, sumali ka sa siso namin ni Ate?" Ngumiti ang bata at tuwang tuwa sa sinabi ni Errol.
"Tige po! Mataya po yun!" Binuhat siya ni Errol at isinakay sa siso.
Sumakay na din ako sa kabilang siso at nakita ko ang tuwa sa bata.
"Mika?" Napalingon ang bata sa lalakeng tumatawag sa kanya.
"Papa!" Masiglang sabi ng bata. Ibinaba kaagad siya ni Errol at ang batang babae ay tumakbo para yakapin ang tinawag nitong papa.
"Sabi ko umupo ka lang sa duyan. Heto. Bumili ako ng favorite mong ice cream!" Agad namang kinuha ng bata ang ice cream. Tumingin sa amin ang ama at nagpasalamat bago umalis.
"Papa.." Mahina kong sabi.
Ano kaya ang pakiramdam ng may tatay? Kilala niya kaya ako? Nakita nya na ba ako? Kinamusta? Nakarga? Naalagaan? Minahal?
"Kit? Ok kalang? Bakit tulala ka diyan? Gusto mo ba ng ice cream?" Tanong nya sa akin. Tumango nalang ako.
"Sige. Wait me here. Sandali lang ako." Umalis na siya para bumili ng ice cream.
Umupo muna ako sa duyan. Madaming bata ang nagkalat sa park na ito. At yung iba kasama nila ang mama o papa nila. Yung ibang tatay halatang galing pa sa trabaho dahil sa suot nilang damit.
Ilang minuto ng paghihintay ay dumating na siya. Iniabot niya sa akin yung ice cream bago sya Umupo sa kabilang duyan.
"Ok ka lang ba? Parang natahimik ka ata."
"Ha? Ahm. Wala naman. May mga gumugulo lang sa isip ko."
"Ano ba yan? Baka gusto mong i-share. I'm here to listen." Hindi ko alam pero parang ayoko pang i-share sa kanya.
Bigla kong naalala. Sakto kaming dalawa lang. May itatanong nga pala ako sa kanya.
"Ahm.. Errol. Pwede ba akong magtanong sayo?"
"Sure. Ano ba yun?"
"Sino ba Si Harmonica? Totoo bang kamukha ko talaga siya?" Napatigil si Errol sa pagkain ng ice cream. Sumeryoso din ang aura niya.
"Kanino mo.."
"Hindi na importante kung kanino, ang gusto ko lang malaman ay sino ba si Harmonica? Ang dami kasing nagsasabi na kamukha ko sya. Minsan napagkakamalan nila akong siya. Sino ba talaga siya?" Alam kong nakwento na sa akin ni Jiro to pero may kulang pa. Gusto ko detalyado.
"Totoo ang sabi nila. Kamukha mo si Harmonica. Akala ko nga din ikaw talaga siya pero nung nagsalita ka na, doon ko napansin na hindi ikaw si Harmonica. Tahimik lang kasi siya at ikaw medyo madaldal na malayo sa pagkatao niya..." Wow ah. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa sinabi niya o ano.
"Si Harmonica yung ideal girl ng lahat ng kalalakihan. Maganda, masayahin, mahinhin at mabait. Masarap kasama. Childhood bestfriend ko siya. At gusto ko siya." Napalingon siya sa akin.
So? Ibig sabihin, kaya nya ba ako nagustuhan dahil nakikita niya sa akin si Harmonica? Ganun?
Ouch! Aray. Sakit naman.
"Kaso hindi niya alam yun dahil si Kiefer ang nagustuhan niya. Ako na din ang naging tulay kung bakit naging magkasintahan sila. Masakit pero hindi ko pinakita. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Harmonica ganun din si Kiefer. Kahit papaano, may pinagsamahan kami hanggang sa isang araw, bigla na lang siyang nakipaghiwalay kay Kiefer. Nagulat kaming lahat sa desisyon niyang iyon. Pinuntahan ko siya sa bahay nila pero ayaw niya akong kausapin. Wala siyang sinabihan ni isa sa amin kung bakit siya nakipaghiwalay kay Kiefer. Simula nung araw na iyon, hindi na siya pumasok sa school. Ang balita ko, pumunta na sila ng America at doon na tumira. Hindi din namin siya mahagilap sa social media." Naramdaman ko ang lungkot na bumabalot sa aura ni Errol. Nakikita ko yung sakit sa mga mata niya.
"Kaya hindi mo kami masisisi kung bakit ganun ang naging reaksyon ng lahat ng tao sa school."
"Pero.. Yung sinabi ko nung nakaraang araw sayo, totoo yun. Hindi dahil sa kamukha mo siya, dahil kung sino ka. Sa maikling panahon na nakasama kita. Alam ko sa sarili ko na ikaw ang babaeng hindi ko na dapat pakawalan at dapat ipinaglalaban.." Seryoso niyang sabi sa akin.
"Kit. Gusto talaga kita."
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
JugendliteraturAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...