Lumapit pa sya lalo at niyakap ako.
Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na siya.
"Finally, nagkita na tayo." Kumalas siya at hinawakan ang kamay ko.
Ang lambot ng kamay niya. Ibang iba sa kamay ko.
Nilingon ko si papa at nakita kong naiiyak siya sa nakikita niya.
"Alam niyo, ang saya ko na nagkita na kayo. Kung nandito lang ang Mommy niyo sigurado akong masaya din siya." Sabi ni Papa.
"Baka napagod ka sa byahe, gusto mo ihatid kita sa kwarto mo?" Tanong ni Harmonica sa akin. Tumango ako bilang sagot.
"Ipapatawag ko nalang kayo kapag kakain na tayo." Sabi naman ni papa.
Umakyat na kami papunta sa magiging kwarto ko. Namangha ako ng pumasok na kami sa loob. Halos kompleto na kasi iyon. May C.R. sa loob tapos may kwarto pa para sa mga damit.
"Oo nga pala, pinagshopping kita ng damit noong nakaraang araw pero hindi ko alam kung kakasya. Binase ko lang kasi sa katawan ko. " Nakangiti niyang sabi sa akin. Ang bait naman niya. Kaya siguro nakita ko siya nung nakaraang araw.
"Sa..salamat Harmonica."
"Nica nalang." Sabi niya. Inilibot niya ako sa kwarto ko at tinulungan din niya akong mag ayos ng gamit ko.
"Alam mo, ang saya saya ko na nagkita na tayo. Lagi lang kasing nakukwento ni Daddy na may kakambal ako perp heto na. Nakita na talaga kita." Masaya niyang pahayag sa akin.
"Mahirap kasing mag isa dito. Ang laki ng bahay tapos busy pa ang daddy, ganun din ang lola at yung mga kasambahay, hindi ko makausap ng maayos dahil natatakot silang mapagalitan. Kaya masaya ako na may kapatid pala ako. May mapagkukwentuhan na ako at makakasamang magshopping." Sabi niya pa.
Nakita ko sa mata niya na uhaw siya sa kapatid.
"Kit. Gusto ko sanang maging close tayo. Gusto ko hindi lang sister ang turingan natin. Sana maging bestfriend din tayo." Hinawakan niya ang aking kamay.
Bakit ang bait niya?
Heto ba yung sinasabi ni Errol kaya siya nagustuhan ni Kiefer?Ouch. Si Kiefer nga pala.
Paano pag nalaman niya ito?
"Ok lang ba Kit? O baka naiilang ka pa. Sorry. Hindi naman ako nagmamadali na maging kaibigan mo. Kung gusto mo lang naman hindi kita pipilitin." Ngumiti ako sa kanya.
"Hi..hindi. Gusto din kitang maging kaibigan." Lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko.
"Talaga? Naku Kit. Hindi mo alam kubg gaano ako kasaya sa sinabi mo." Sabi pa niya.
Malapit na naming matapos ang pag aayos ng gamit ko ng makita niya yung bracelet sa bag ko.
Hinawakan niya iyon at pinakatitigan.
Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko.
Ngumiti siya at iniabot sa akin iyon na parang wala lang sa kanya.
"Nabalitaan kong doon ka na nag aaral. Siguro, napagtripan ka na ng Black Knife." Napakamot ako sa ulo ko.
"Hmm. Oo. Pero ok na. Hindi na nila ako inaaway. Nung una lang." Sabi ko dito.
"Ayan. Tapos na. Tara na sa Baba, nakahain na siguro yung pagkain sa Dining. Alam mo, masarap magluto ang cook natin dito. Paniguradong magugustuhan mo iyon." Kinuha niya ang kamay ko at sabay kaming bumaba patungo sa Dining Area nila.
Halata sa kilos niya na ayaw niyang mapag usapan ang Black Knife. Hindi ko alam kung bakit at ayokong tanungin siya. Baka magalit siya o kaya masaktan ako pag may nalaman ako.
Grabe. Ang bongga ng Kainan. Parang Royal Family ang kakain. Ang haba ng lamesa at kulay Ginto ang upuan.
"Dito ka Kit, tabi tayo." Sabi niya at sumunod naman ako. Nandun na din si Daddy na nakaupo.
Nakahanda na din ang mga pagkain. Nagsimula na kaming kumain. Tama nga ang sabi ni Harmonica. Ang sarap nga ng pagkain.
Nagkukwentuhan kami habang kumakain. May mga bagay akong kinuwento sa aking buhay at kung ano ang pamumuhay ko.
"What's happening here?" Boses ng matanda ang narinig ko. Napalingon ako sa nagsalita.
"Mama." Sabi ni Papa. Napatingin siya sa akin. Ang kaninang masungit na boses ay napalitan ng Ngiti sa labi.
"Harold? Siya..siya na ba si Kiratah? Ang Apo ko?" Lumapit siya sa akin. Napatayo naman ako at niyakap niya ako ng panandalian lang.
"What happen to you? Bakit ang payat payat mo? Sabi ko na nga ba. Dapat hindi kita hinayaang makuha ng Nanay mo.."
"Mama." Saway ni papa sa matanda. Siya siguro yung dahilan kung bakit nagkahiwalay kaming mag anak.
Haay. Hayaan ko na nga. Past is Past.
"Payatin po talaga ako Lola." Sabi ko dito.
"Don't call me Lola. Masyadong nakakatanda. Call me Mamita." E? Anong tingin niya sa sarili niya hindj matanda? Mga mayayaman nga namang lola oh.
"O..ok po. Mamita." Ngumiti siya sa akin at niyakap ako ng saglit.
"Mama. Join us here." Sabi ni papa.
"Of course I will join you. Hindi ko palalamapasin ang event na ito ano ngayong pa buo na tayo." Umupo si Mamita at nakisabay na sa amin.
Ganun nga siguro ang mga lola. Kahit anong ayaw nila sa Manugang nila, basta apo, ok na sa kanila.
"Anyway, Harmonica. I contact Mr. Trinidad. And they are willing to give you a chance to go back to school." Napatigil ako sa pagkain.
"Mamita. Ok na po ang private Tuitor. Mas gusto ko po na dito nalang mag aral." Sabi ni Harmonica.
"You are ok now. At mas maganda kung babalik ka sa dati mong routine and the good thing, may kasabay ka ng pumasok sa school." Napatingin naman sa akin si Harmonica.
"Tama ang Mama, anak. Mas maganda siguro sa kalusugan mo iyon." Sabi ni papa.
"Nica, ta..tama sila. Mas... Maganda siguro kung papasok ka sa school." Tama ba ang sinabi ko?
"Thank you sis. Pero.."
"Come on hija. " Sabi ni Mamita.
Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang pumasok sa school. Siguro natatakot siya sa Black Knife lalo na kay Kiefer.
Haay..
Kiefer.
Kiefer.
Kiefer.Anong gagawin mo kapag nalaman mong babalik na siya?
Ako pa din kaya?
O siya na?
Ano kaya ang gagawin ko kapag nagkita na sila?
Lalo na ngayong kumpirmado ko na ang nararamdaman ko sayo.
Ngayong mahal na kita, Kiefer.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
أدب المراهقينAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...