"Ms. Feliciano, you may take your seat." Tumango si Nica at umupo s bakanteng upua sa unahan katapat ni Kiefer.
Kaya siguro doon siya umupo para tabi sila.
Oras ng breaktime at hindi pa din makapaniwala ang nga kaklase namin sa nakikita nila. Pero tulad ng iba ay ilag din sila kay Harmonica.
"Kambal. Tara. Breaktime tayo." Pangyayaya niya sa akin. Nakita ko naman na pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin. Nasa likod niya si Kiefer at magkaholding hands pa sila.
"Ahm.. Ano kasi, may kasabay na akong magbreak. Si Jiro, yung bestfriend ko na tinutukoy ko sayo.." Nabanggit ko na sa kanya kung sino si Jiro nung isang beses na nagkukwentuhan kami.
"Ahm.. Ganun ba? O' sige. Mauna na kami." Ngumiti ako at tumango bilng pag sang ayon.
Nang masiguro kong nakalabas na sila ng room ay tumayo na ako at palabas na sana ng room ng may nagparinig na naman sa akin.
"Haay.. Kawawa naman. Dumating na yung original kaya hindi na pinapansin yung imitation. Haha." Alam ko kung kaninong boses yun.
Sino pa ba? Edi yung maldita sa room na to. Quinie is her name.
"May tawag sa ganyan e. Parang.. Ginamit? Yun ata. Oo! Yun nga ang tawag. Ginamit. Ginawang pampalipas ng oras." Napakuyom ako ng kamay at iniharap siya.
Naka crossed arm ito at taas kilay pa.
"Bakit? Natatamaan ka?" Tiningnan ko siya ng masama.
"Ang sakit diba? Matapos kang gamitin, bigla ka nalang iniwan at hindi pinapansin." Tumalikod na ako at aalis na sana dahil wala naman akong mapapala sa sinasabi niya nang bigla niyang hilahin ang buhok ko.
"Hindi pa tayo Tapos!"
"Ah! Aray! Quinie! Bitawan mo ako!" Pumipiglas na ako kaso makapit talaga ang malditang ito.
"Dahil sayo, grounded ako for the whole month! Confiscated pa ang gadgets ko!" Dahil siguro ito s nangyari sa science camp namin.
Kasalanan ko pa ba yun? Siya nga itong may kasalanan sa akin. Papatayin niya talaga ako.
"Ano kaya kung malaman niya na nilandi mo si Kiefer? Alam na kaya niya? Tingin ko hindi pa. Ano kaya kung sabihin ko?" Sabi niya habang sinasabunutan ako.
Subukan mong banggitin iyan sa kapatid ko at hindi ako magdadalawang isip na sampalin siya.
"Ano ba! Aray!! Quinie!" Yung mga tao sa paligid naman namin hinahayaan lang siya sa ginagawa niya.
"Quinie!" Sigaw ni Nica at walang sinayang na oras na sinampal niya ito at sabunutan.
"Nica! Tama na yan! Nica!" Saway ko dito.
"Walanghiya ka! Anong karapatan mong saktan ang kambal ko? Walanghiya ka talaga! Demonyo kang babae ka!" Hindi ko siya mapigilan. Masyado siyang malakas. Nagawa niyang mapaibabaw kay Quinie at sampal sampalin ito. Hindi ko siya maawat.
"Nica! Nica! Tama na. Masama sayo yan! Nica!" Tumayo na ito at nag punas ng pawis sa mukha.
Inalalayan namang tumayo si Quinie ng kanyang mga Alipores.
"Ano? Kulang pa ba? Gusto mo dagdagan ko pa?" Nakita ko yung mukha ni Quinie na puno ng kalmot at may mga sugat din ito.
Maluha luha na din si Quinie sa nangyari sa kanya.
"Pasalamat ka at inawat ako ng kapatid ko kundi sa Ospital ka na pupulutin." Sabi nito.
"Halika na Sis." Aalis na sana kami ng magsalita na naman si Quinie.
"Alam mo bang nagkarelasyon sila ni Kiefer nung wala ka? Alam mo bang naglalandian sila nung oras na wala ka. Yang sinasabi mong kapatid mo ay malandi! Ahas!" Sigaw niya.
Tumulo na naman ang luha ko. Napalingon muli ang kapatid ko kay Quinie.
"Kung tingin mo malandi ang kapatid ko, anong tawag mo sa sarili mo? Anghel? Pwede ba Quinie, tingnan mo muna yang sarili mo bago ka magsalita sa iba. Baka nakakalimutan mo, isa kang malandi. Hindi ba? Nilandi mo yung teacher natin sa P.E. kaya ka pumasa?" Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Nica.
Kita ko sa mukha ni Quinie na nahihiya siya sa sinabi ni Nica. Naging bulong-bulungan tuloy siya.
"Akala mo hindi ko nakita yung ginagawa niyo sa C.R.? Gusto mo idetalye ko pa."
"Tama na! Sinungaling ka! Hindi totoo yan!" Sigaw nito habang umiiyak.
"Talaga? Bakit mukhang guilty ka?" Pang aasar pa nito kay Quinie.
"Walanghiya ka!" Bigla naman nitong sinugod ang kapatid ko.
"Quinie! Nica! Tama na yan!"Hindi ko sila maawat.
Wala bang aawat sa kanila?
Parehas silang palaban at ayaw magpaawat sa pagsasabunutan.
"Nica. Please! Tama na ! Ano ba Quinie!" Hindi sila nakikinig sa akin.
May lumapit sa amin at doon lang sila napahiwalay. Si Kiefer pala yung umawat.
Hayy... Salamat naman.
Kita kong parehas silang hingal na hingal.
Pero yung hingal ni Harmonica iba.
"Ni..nica? " Lumapit ako sa kanya. Nakita kong nakahawak siya sa dibdib niya. Hinawakan niya ang balikat ko.
"Ni..nica? A..anong nangyayari sayo?" Sabi ko. Nagbago bigla ang reaksyon ng mukha ni Quinie at Kiefer.
"Hi..hindi.. A..ako.. Maka..hinga.." Putol putol niyang sabi hanggang sa napaluhod na siya.
"Nica!"sigaw ni Kiefer dahil nag iiba na nag ikot ng mata niya. Lumapit na sa gawi namin si Kiefer.
"Tumawag kayo ng ambulansya dali!" Sigaw ko at may gumawa naman nun.
"Nica! Wag ka namang ganyan! Please? Wag kang matutulog!" Sinasampal sampal ko ng mahina ang pisngi niya para hindi siya makatulog.
"Nica, Nica." Tawag naman ni Kiefer. Tumayo si Kiefer at lumapit kay Quinie.
Wala siyang paki alam kung babae pa ito dahil kinuwelyuhan niya ito. Bakas naman sa mukha ni Quinie ang takot.
"Kapag may nangyari kay Harmonica, magtago ka na. Kapag namatay siya, ipapakulong kita!" Sigaw nito.
"Tama na yan Kiefer! Dalhin na natin siya sa Ospital Please!" Pakiusap ko dito habang humahagulgol na ako.
"Ki..kit.." Narinig kong nagsalita si Nica. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit hanggang sa lumuwag ito at mabitawan niya na ako.
"Ni..nica? Nica.! Nica!" Sigaw ko.
Hindi pwede to.
Hindi niya ako pwedeng iwan.
Nica, please.. Hold on.
Sis.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Teen FictionAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...