Chapter 4

4.4K 110 0
                                    

Pambihira!

Matapos sumigaw nung kung sino man siya ay ang sasama na ng tingin nila sa akin. Parang kakainin nila ako ng buhay.
Habang naglalakad ako papunta sa bakanteng lamesa ay may bumato sa aking likod.

Napalingon ako at lahat sila nakatingin lang sa akin. Nakita ko sa sahig ang kapirasong tinapay. Ito ata ang binato sa akin.

Pasaway!

Nagsasayang ng pagkain. Hindi ba siya sinabihan ng magulang niya na bawal magsayang ng pagkain? Tss..

"Aray!" Sigaw ko ng may tumama uli sa akin na matigas na bagay sa ulo ko. Coke in can naman. Tumingin ako sa direksyon na yun pero hindi ko nakita kung sino ang nambato.

Anong trip nila?

Sa muling paghakbang ko ay sabay sabay nila akong binato ng kung ano anong pagkain dahilan para mabitawan ko ang dala ko at tumakbo palabas ng canteen. Hanggang sa paglabas ko ay may humahabol sa akin.

At dahil mabilis akong tumakbo ay hindi nila ako naabutan. Napatigil ako sa likod ng isang gusali ng school.

Ano ba ito?

Kanina Coke lang ngayon naman mukha na akong basahan sa sobrang dumi ng damit ko.

Naghalo halo na ang kulay sa uniform ko.

Paano pa ako papasok sa next subject?

Nakakahiya namang humirap ulit kay Nurse ng damit.

Takte!

Ang lagkit ko na

Sumandal muna ako sa pader at umupo.

Nakakahingal kayang tumakbo. Kinuha ko yung panyo na ibinigay sa akin at pilit na tinatanggal ang mga mantsa sa uniform ko.

"Simula pa lang yan." Napaangat ako ng ulo sa nagsalitang lalake. Nakasandal ito sa pader at may ilmg hakbang ang layo sa akin.

Di ko naramdaman ang presensya nya kanina.

Teka?

Pamilyar siya.

Isa siya sa mga kasamahan ni Kuyang Gangster kahapon.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

Feeling ko may kinalaman siya dito e.

"Ano bang problema niyo ha?" Sigaw ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin.

"Ano? Bakit niyo ginagawa sa akin to? Bakit nila ako hinahabol at binato ng pagkain nila? Bakit? May nagawa ba akong kasalanan sa inyo? Dahil ba nakialam ako kahapon sa bakbakan niyo?" Sunod sunod kong tanong pero nakatingin lang siya sa mukha ko.

"Oo! Alam kong maganda ako pero kailangan ko ng sagot mo! Alam kong kasamahan ka nung lalakeng Gangster na yun.." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang nilapit ang kamay niya sa mukha ko at parang may kinuha sa pisngi ko.

Dub dub dub dub

Parang nag slowmo ang paligid sa ginawa niya.

Infairness, ang gwapo pala niya. Ngayon ko lang napansin.

Ay teka nga! Huwag niya akong idistract.

Gising kit! Gising!

Ayun na! Nagising na ang diwa ko at kapit kapit niya ang spagetti pasta na galing sa mukha ko.

"Good luck." Sabi nito sabay alis sa harap ko.

Ano raw?
Good luck?

Para saan?

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon