Chapter 21

3.7K 77 0
                                    

Wala na akong nagawa ng hilahin niya ako papunta sa sasakyan niya. Mabilis siyang nagdrive. Hindi kami nagpapansinan sa loob ng sasakyan niya.

Ano yung sinabi niya sa mall kanina?

Nasasaktan daw?

Pinagsasabi nito?

"Sandali. Hindi ito yung daan papuntang bahay. Saan mo ako dadalhin?" Napansin ko kasi na iba na ang dinadaanan namin.

Tinignan ko siya at seryoso lang siyang nagda drive.

"Ho..hoy. Kiefer! Saan tayo pupunta? Ihinto mo itong sasakyan!" Parang wala talaga siyang naririnig.

Ano bang problema nya?

Naiinis na talaga ako!

"Ano ba? Magsalita ka nga.!" Ilang minuto lang ay nagpark siya sa isang restaurant.

Baba na sana ako pero pinigilan nya ako.

"Stay." Ano ako aso? Naparolyo nalang ako ng mata.

Bumaba siya at umikot papunta sa kabilang pintuan ng kotse at pinagbuksan ako.

Hindi na lang ako nagsalita kaya bumaba na din ako. Kaya ko namang magbukas ng pinto. Pagentleman pa ang loko.

Tumingin ako sa restaurant na tinigilan namin. Sa labas nito alam mong mamahalin at may class.

*Dub dub Dub dub

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

"A..anong ginagawa mo? Bi..bitiwan mo nga ako?" Pilit kong kinukuha ang kamay ko pero ayaw niyang pakawalan. Tumingin siya sa akin ng nakasalubong ang kilay.

"Bakit yung lalake kanina, ok lang na magka holding hands kayo tapos ako hindi? Unfair ka." Sabay hila sa akin papasok ng restsurant.

*Dub dub Dub dub

Hindi ko na alam ang nangyayari. Mababaliw na ako sa lalakeng to. Mababaliw sa inis! Ang lakas niyang mangtrip at mang inis! Suko na ako.

"Good evening sir, ma'am. Table for two?" Tanong ng waitress na  sumalubong sa amin.

"Yes."

"This way sir." At sinamahan niya kami sa aming pwesto.  Sa wakas, binitawan din niya ako. Umupo na kami at binigyan kami ng menu ng waitress.

Oh my! Pagkain pa ba ito? Baka naman ginto.

Ang.. Ang mahal kasi nung mga pagkain na nakalagay sa menu.

One thousand pataas ang presyo. Can't afford.

"May I take your order?" Tanong ng waitress. Takte! Parang nabusog na ako. Ayoko ng kumain.

"Don't worry. My Treat. Kaya umorder kalang. Alam ko namang wala kang pera para dyan." Sabi niya. Tumingin ako ng nakakailang sa waitress bago sa kanya.

Tama bang sabihin niya yun habang may ibang tao sa harap namin? Nakakahiya. Tinignan ko sya ng masama.

"Kung dinala mo ako para insultuhin, aalis na lang ako. Kumain ka mag isa mo!" Tatayo sana ako pero naunahan niya akong kunin ang kamay ko.

Ano ba! Naiinis na talaga ako! Kanina pa sya hawak ng hawak sa kamay ko.

"Sorry miss. Matampuhin kasi ang Girlfriend ko." Sabi niya sa Waitress.

Girlfriend?

Girlfriend! GIRLFRIEND!

Girlfriend nya mukha niya.

"Ano ba hindi mo ko.."

"Sige ituloy mo, hahalikan kita." pagbabanta niya.

*Dub dub Dub dub

Nakakahiya talaga! Si Ateng Waitress parang natatawa nalang sa amin.

Bumalik nalang ako sa pagkakaupo. Yuck! Ayoko yung sinabi nya! Di ba sya kinikilabutan kapag binabanggit ang salitang iyon. Ako kasi, kilabot na kilabot na.

"Here miss. Parehas na lang kami ng order. " Kinuha niya yung menu at umalis.

"Abnormal ka talaga!" Sabi ko. Para ng umuusok ang ilong ko sa inis.

Nakakailang.

"Sino yung lalakeng iyon?" Tanong niya sa akin.

"Huwag mo syang tawaging lalake. Kaibigan ko siya."

"Kaibigan.Lalake pa ang kaibigan mo?" Ano bang problema nito.

"Masama na bang nakipagkaibigan sa lalake?"

"Hindi kayo pwedeng maging mag kaibigan. Lalake sya at babae ka." At kelan pa sya naging concern sa paligid ko at nakakasama ko?

"Sino may sabi sayo nyan?"

"Ako, bakit?"

"Pwede ba Kiefer. Huwag mo nga akong pakialaman. Si Jiro lang ang tanging kaibigan at kaclose ko sa school. Isa pa, sino ka ba para pigilan akong makipagkaibigan? Tatay ba kita?" Hindi na sya sumagot dahil dumating na ang pagkain.

Yung totoo? Ilan kaming kakain? Para kasing pang limang tao ang kakain ng inorder niya.

"Hindi ka uuwi hangga't hindi ubos ito." What?

"Ha? Sa dami nito tingin mo mauubos ko lahat? Hala. Tingin mo sa akin ganun ka takaw?"

"Tingnan mo nga yang sarili mo. Ang payat payat mo at parang malnourish. Parang hindi ka kumakain. Kailangan mo ng konting laman para hindi ka matumba kapag hinipan ng hangin." Aba! Loko to. Nang iinsulto na siya.

Tumayo ako.

"Saan ka pupunta? Di ba sabi ko sayo hindi ka aalis."

"Hindi pwedeng mag babanyo lang?" Iniwan ko na sya at tinungo ang banyo.

Tumingin ako sa salamain at naghugas ng kamay.

Hooh! Inhale ! Exhale! Baka hindi ako makatiis at masapak ko sya sa restaurant na ito. Relax muna.

"Sabi ko na hindi ako nagkamali ng nakita." Sabi ng isang babae na nakatingin sa akin habang nagsasalamin ako.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit.

"How are you Harmonica? Long time no see. It's been a year. Akala ko hindi ka na babalik. And Nagkabalikan na pala kayo ni Kiefer? Good for him. Balita ko, pagkatapos niyong magbreak bumalik na naman sya sa dati nyang ugaling gangster." Sabi nito.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi ko alam ang pinagsasabi niya. Pero sa mga narinig ko, kilala niya si Kiefer at si Harmonica.

"I'm sorry miss. Pero hindi ako si Harmonica." Natawa na lang sya.

"Oh'come on Harmonica, Huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Magkabusiness partner ang Daddy natin kaya hindi ko pwedeng kalimutan ang tulad mo. Hey. Wag mong sabihin na hindi mo ako kilala?" Buti natanong niya dahil hindi talaga.

"I'm sorry. Hindi kita kilala."

"Oh my Gosh. Wag mong sabihing, may amnesia ka? You really don't know me?"
"Sorry. Sa totoo lang. Ngayon lang kita nakita." Nakita ko ang lungkot sa mukha niya.

Biglang nagring yung phone niya.

"Ok. I have to go. Nice seeing you Hamonica." Umalis na itobat sinagot ang phine calls niya .

Harmonica..

Talaga bang kamukha kita?

Parang meron sa loob ko na gusto ko siyang makilala.

At makita.

Kailan kaya?

Ano kaya kung itanong ko sya sa taong nalapit sa kanya?

"Si Kiefer." Bigkas ko.

Itatanong ko ba? Paano kung ayaw niyang pag usapan?

Meron pa bang nakakakilala sa kay Harmonica maliban kay Kiefer?

Ay oo! Siya!

"Tama! Si Errol!"

*Dub dub Dub dub

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon