Chapter 25

3.4K 104 3
                                    

Bakit niya ako tinulungan kung pinahirapan din naman pala niya ako?

Parang nag igib lang siya ng tubig gamit yung basket na butas.

Naguguluhan na ako. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Simula ng pumasok ako sa school na yun,nagsimula na ding magulo ang buhay ko.

"Ok ka lang ba Kit? Kanina ka pa ganyan." Tanong sa akin ni Jiro habang naglalakad kami palabas ng school.

Maaga na ang uwi ko dahil tapos na ang detention ko. Umiiwas muna ako sa Black Knife lalo na kay Kiefer.

Tumigil ako sa paglalakad, ganun din si Jiro.

"May problema ba?" Tanong niya. Hindi ko kaya ang nangyayari. Niyakap ko si Jiro.

"Ho..hoy.. Anong ginagawa mo? Nakakahiya. Ma..madaming nakakakita.. Ki.. Kit." Humihikbi na ako.

"Kahit saglit lang Jiro. Gusto kong may ma-comfort-an ngayon. Please? BestFriend?" Hindi na siya nagsalita pa sa sinabi ko. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko.

Bakit ba ako umiiyak? Hindi ko alam.

Bakit parang may masakit? Hindi ko alam.

May nararamdaman na din ba ako kay Kiefer? Hindi ko din alam.

Bakit ganto ako makareact? Hindi ko lalo alam!

Naramdaman ko na wala na akong kayakap at nakita ko nalang na nakahiga na siya sa sahig at may dugo ang labi.

"Jiro!" Sigaw ko dito. Nakita ko kung sino ang gumawa.

"Kiefer?!"

*Dub dub Dub dub

Stop it! Ano ba!

Lumapit ako kay Jiro at inalalayan siyang tumayo. Tumingin ako ng masama kay Kiefer.

"Ano bang problema mo? Bakit mo sinuntok si Jiro?" Hindi siya sumagot sa tanong ko.

"Hindi ba sabi ko kapag nakita kita, humanda ka? At dito pa talaga kayo magkayakapan sa harap ng school ko." Galit niyang sabi.

Lumapit ako sa kanya.

"Ano bang problema mo? Wala kang karapatang saktan si Jiro dahil bestfriend ko siya at wala kang paki alam kung magkayakap kami.."

"May paki alam ako dahil nagseselos ako!" Malakas niyang sabi.

Selos?

*dub dub dub dub

Napatigil ako sa sinabi niya.

"Alam kong alam mo na kung sino ang tumulong sayo noon at oo, ako yun. Nagawa ko yun dahil gusto kita! At tulad ng sinabi ko. Nagseselos ako kapag kasama mo yang unggoy na yan!"

"Hindi siya unggoy! Kaibigan ko siya!"  Pagtatanggol ko kay Jiro.

"Tara na Jiro." Kinuha ko ang kamay ni Jiro pero pinigilan ako ni Kiefer.

"Hindi ka aalis." Tinignan ko siya.

"Bitawan mo ako." Mahinahon kong sabi.

"Mag uusap pa tayo, hindi ka aalis."

"Wala na tayong pag uusapan. Kaya bitawan mo ako!" Pasigaw ko ng sabi.

Naramdaman kong bumitaw si Jiro sa akin. Tinignan ko siya.

"Kit. Mag usap na kayo. O..ok lang ako." Tumalikod siya at lumakad papalayo.

"Ji.." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng maramdaman kong may yumakap sa likod ko.

"Pwede bang umalis ka sa likod ko!" Sa sinabi kong iyon ay lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Naramdaman ko din ang pagbaon ng mukha niya sa balikat ko.

"Hindi na kita pakakawalan pa ulit." Bulong niya sa tenga ko.

*Dub dub Dub dub
*Dub dub Dub dub

Anong ibig sabihin ng tibok na ito?
Naramdaman ko na ito kay Errol pero mas doble pa ata sa kanya ngayon.

"I love you, kit."

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon