Tinignan ko siya ng mabuti. Parang inoobserbahan ko yung pagmumukha niya.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Sabi nito. Hindi ko siya pinansin. Tinanggal ko ang eyeglass niya.
"Anong ginagawa mo? Bakit mo tinanggal?"
"Sandali. Kumain ka lang dyan."
"Hindi ko makita.."
"Ay! Isa! Sasapakin kita?" Nagform pa ako na sasapakin ko siya. Ayun. Natahimik. Sunod kong ginawa ay ginulo ko yung napakatigas niyang buhok.
Pambihira. Ilang kalabaw ba ang lumaway sa buhok niya? Ang lagkit e. Iniba ko ng angulo ng buhok niya yung pang k-pop style. Pa-One Side.
"Sabi ko na!" Napakunot siya.
"Anong sabi mo?" Kinuha ko yung pocket mirror ko at iniharap sa kanya.
"Tadaa!!! Mukha ka ng K-Pop!"
"Ano ba? Huwag ka ngang magbiro."
"Mukha ba akong nagbibiro. Alam mo, gwapo ka. Dapat ganyan nalang lagi ang ayos mo. Huwag ka ng magsalamin. At yung hairstyle mo, wag na yun. Mukha kang ewan sa itsura mo kapag ganun e."
"Talaga?" Tumango ako.
"Isa pa, ayusin mo din yung style ng pananamit mo ha? Huwag kang magclose neck sa uniform. Suotin mo gaya ng sa normal na studyante para pogi. For sure, lalapitan ka na ng mga chicks."
"Alam mo natatakot ako kapag ganyan ka, parang may gusto ka pang malaman e." Nadali mo! Akala ko di niya pansin e. Hehe. Nerd nga kasi!
"Napansin mo pala, actually, Oo. May gusto pa akong malaman. Hindi pa tayo tapos mag usap di ba? Naputol tayo kay Harmonica." Napapakamot siya sa ulo. Curious na curious na talaga ako.
"Wala naman na tayonsa school at malayo sa Black Knife kaya pwede mo ng sabihin kung sino si Harmonica." Uminom muna ito ng tubig na binili niya kanina bago nagsalita.
"Ikaw. Ikaw si Harmonica hindi ba?" Anong pinagsasabi nito?
"Huy? Nagdadrugs ka ba? Akala ko lahat ng nerd matino, may iba palang nagdadrugs din. Anong pinagsasabi mong ako?" Kaloka! Paanong magiging ako yun e ang linaw linaw na Kitarah ang Pangalan ko.
"Ang ibig kong sabihin. Kamukha mo si Harmonica. Akala ko nga ikaw talaga siya pero malabo din. Sa ugali palang magkaiba na kayo." Tlaga? Magkamukha kami?
"Talaga? As in magkamukha?"
"Oo. Hindi kaya kambal mo siya?" Tanong niya.
"Ako may kambal? Imposible. Nag iisa lang ang mukhang ito. At isa pa kung may kambal ako edi sana magkasama kami ngayon at hindi siya pababayaan ng nanay ko. " Tama naman ako diba?
"E kung kamukha ko nga siya, bakit ganun nalang ang galit sa akin ng mga tao sa school lalo na si Kiefer at Quinie? May nagawa ba si Harmonica na kinagalit nila?" Napahawak ito sa baba na animo'y nag iisip.
"Sa pagkaka alam ko, may gusto si Quinie kay Kiefer pero hindi siya pinapansin nito dahil ang gusto ni Kiefer ay si Harmonica." Ah talaga? Love triangle?
"Ganun? E kung gusto pala ni Kiefer si Harmonica bakit galit siya sa akin? I mean. Di ba gusto niya si Harmonica, bakit binubully nila ako?"
"Ayun sa chismis sa school. Nakipagbreak daw si Harmonica sa kanya ng hindi sinasabi yung dahilan simula nun cold na siya sa mga tao sa paligid niya at pinagbawal na mapag usapan or mabanggit man lang ang panglan ni Harmonica. At pagkatapos, dumating ka kaya nawindang lahat ng studyante. Sa dami ba namang magtatransfer ay yung kamukha pa ni Harmonica." Aaahh.. Kaya pala.
So ibig sabihin, kapag nakikita nila ako, si Harmonica ang nakikita nila. Ay? Bongga! Kapag nagkita kami ng Harmonica na yan sasabunutan ko. Kaloka! Ako tuloy ang napagtripan.
"Ahm.. Kitarah.."
"Kit nalang pwede?" Nahahabaan ako sa Kitarah.
"Kailangan ko na kasing umuwi. " Ay oo nga. Mag gagabi na din pala.
"Oh siya. Sige. Ingat sa pag uwi. Salamat sa information at sa ice cream. See you tomorrow." At umalis na siya.
Parang ayoko pang umuwi. Matapos kong malaman lahat ng yun. Tss. Kaya pala mainit ang dugo nila sa akin dahil may naaalala sila sa mukhang to.
Akala ko ako lang ang may gandang ganito, meron pa pala. Tss. Siguro naman mas maganda ako don.
Tinext ko si Mama na baka gabihin ako dahil sa may pinapaproject sa amin. Hehe. Galing ano? Wala pang isang linggo sa school may paproject na. Gawain ng iba. Pero, seryoso, ayoko pang umuwi.
Siguro pupunta nalang ako sa ibang lugar. Nakakahiya nading tumambay dito.
Tumayo ako at palabas na sana ng convenience store ng mapansin ko ang isag lalake na nakahood na nasa counter. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Kuyang nakahood..." Bulong ko sa sarili ko. Tumingin ako sa wrist niya at napansin kong wala siyang bracelet na suot. Hindi kaya?
Lumapit ako ng dahan dahan sa counter at hinawakan ko ang balikat niya.
Lumingon siya sa gawi ko.
*Dub dub Dub dub
Siya nga kaya?
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Novela JuvenilAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...