Kinuwento ko lahat ng nagyari sa akin kay Jiro at sinabihan ko siyang wala siyang babanggitin kanino man ang nangyari sa akin lalo na itong tungkol kay Harmonica.
Matapos naming magkwentuhan ay bumalik na kami sa kanya kanya naming binabantayan. Nakita ko padin si Harmonica na walang malay at normal naman ang beep ng monitor ngayon.
Kinabahan talaga ako sa nangyari.
Nakaramdam na ako ng antok at napagdesisyunan ko na matulog na lang sa mahabang upuan sa kwarto nato.
Umaga na ng magising ako. Sakto naman ang pagdating ni Papa na may dalang pagkain at damit para sa akin.
"Anak, kumain ka muna. Nagdala din ako ng damit pampalit mo. Hindi kasi pwede ang lola mo para magbantay may lakad kasi siya at hindi pwedeng ipostpone iyon." Sabi ni papa sa akin.
"Ok lang po Papa. Sinabi ko naman na ako na ang magbabantay. Ok lang naman na umabsent. Mag tetake nalang ako ng make-up class." Paliwanag ko.
"Ok. Kung yan ang gusto mo. Anyway, I have to go, may meeting pa akong pupuntahan." Hinalikan ako ni papa sa ulo, ganun din i Harmonica bago lumabas ng kwarto.
Lumapit ako kay Harmonica at hinawakan ang kamay niya.
"Good morning sis." Sabi ko habang nakatingin sa maamo niyang mukha.
Maya maya ay may nagtext sa phone ko. Binasa ko iyon at puro galing kay Kiefer.
Puro sorry, please at I'm sorry ang text niya sa akin. Tumatawag din siya pero hindi ko sinasagot. Minabuti kong i-turn off yung phone ko para hindi maingay.
Ano ba Kiefer. Wag mo naman akong pahirapan ng ganto.
Magdamag lang akong nagbantay sa kapatid ko. Parang natatakot akong iwan siya.
Mag aalas kwatro na ng hapon ng buksan ko ang phone ko. Baka kasi magtext sina Papa para makibalita sa lagay ni Harmonica.
Kaso ibang text ang narecieve ko. Nandun pa din yung text ni Kiefer na napaka dami at may text din si Jiro.
("Kit. Wala naman akong balak sabihin kaso kinorner niya na ako. Sorry Bestfriend. Baka papunta na siya diyan sa Ospital".)
Text ni Jiro sa akin. Ilan sandali palang ay may naririnig na ako na sumisigaw at parang nagwawala sa labas.
Lumabas ako para sumilip at nakita ko siyang nakikipagtalo sa gwardya.
"Sir, bawal po ang lasing dito sa Ospital."
"Hindi ako lasing! Kailangan ko lang makita yung Girlfriend ko! Nandito daw siya." Napahinto siya sa pakikipagtalo sa Guard ng makita niya sa ko.
Si Kiefer ba talaga ito?
Yung buhok niya, magulo.
Yung mata niya namumula at may eyebugs. Wala pa ata siyang tulog.
Yung suot niyang uniform wala sa ayos."Kit.." Lumapit siya sa akin at Niyakap ako ng mahigpit. Tumingin ako kay Manong guard na para kong sinasabi na ako ng bahala sa kanya.
Kumalas ito sa akin at pinakatitigan ako.
"What happen to you? Ang sabi ni Jiro nandito ka daw. Bakit? Naaksidente ka ba? May masakit ba sayo?" Tanong niya sa akin habang tinitignan ang mga braso ko na parang hinahanap niya kung saan ako nasugatan.
Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko. Amoy ko din ang alak sa hininga nya.
Hindi sinabi ni Jiro ang dahilan kung bakit ako nandito sa Ospital. Ang akala niya ako ang naconfine.
Panahon na din siguro para malaman niya.
"Hindi ako ang naOspital Kiefer." Sabi ko sa kanya. Napakunot ang noo niya.
"NakaConfine ang kapatid ko.." Nakita kong naguluhan siya sa sinabi ko.
"Wala ka namang kapatid ah?"
"Meron. At hindi lang siya kapatid, kakambal ko Kiefer." Wala pa din siyang Ideya.
"Si..si.. Harmonica, Kiefer." Bumagsak ng tuluyan ang luha ko at hindi ko na napigilang humikbi. Siya naman ay natulala.
"Si.. Harmonica? Na..nandito? Kambal mo?" Tumango ako dahil hindi ko na kayang magsalita pa dahil sa pag iyak ko.
Binuksan ko ang pinto at nasilip niya ang nakahiga at natutulog kong kapatid. Dahan dahan siyang lumapit dito at parang hindi makapaniwala sa nakikita niya.
"Harmonica?" Sambit niya.
Nagkita na kayo, ano pa ba ako dito?
Ang sakit naman. Ang sakit lang.
Takte! Kainis itong puso ko.
Bakit kailangan kong maramdaman ito?
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Fiksi RemajaAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...