Napalalim ata ang tulog ko dahil magtatanghali na ako nagising. Bumangon na ako at naligo dahil pupunta pa ako ng Ospital.
Si Papa ang nagbantay sa kanya kagabi kaya dapat ako naman ngayon baka may meeting pa si papa sa Office niya.
Pumunta na ako doon at nagulat ako ng makita ko na wala ng tao sa ICU. Nakita ko ding nag aayos na ng gamit ang nurse.
Nakaramdam ako ng kaba.
"Nurse? Na..nasaan na po yung pasyente dito?" Tanong ko.
Hindi kaya..
Huwag naman sana."Nilipat na po siya sa ward miss. Ok na po kasi siya." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng nurse.
Yung worry ko napalitan ng saya.
"Talaga po? Saan room po siya nilipat?" Sinabi ng nurse sa akin ang room number hindi na ako nagdalawang isip na puntahan pa iyon.
Ang saya ko. Sa wakas, ayos na ang kambal ko.
Pipihitin ko palang sana yung pinto kaso napatigil ako dahil sa may narinig akong boses sa loob. Minabuti kong wag nalang muna tumuloy at makinig sa usapan nila.
"Sorry Kiefer.." Rinig kong sabi ng kapatid ko.Tss. Sabi ko na. Siya nga yung nandito. Naramdaman ko na may namumuo na namang luha sa mata ko.
"Sshh.. It's ok. I understand. Kaya nga ako nandito di ba? Wag ka ng malungkot, masama sa puso mo yan." Mahinahon nitong sabi.
"Mahal mo pa ba ako? Kasi ako, Mahal pa din kita." Tuluyan ng bumagsak ang luha ko sa tanong ng kapatid ko sa kanya. Ano ba kit, ginusto mo ito di ba? At para sa kapatid mo din. Wag kang mag alala, sa umpisa lang masakit, makakapag move ka din.
Para akong tangang kinakausap ko ang sarili ko.
"O.. Oo. Mahal pa din kita." Lalong sumakit ng sabihin niya iyon. Aish.. Konting tiis lang kit. Isipin mo nalang na para sa kaligayahan ng kapatid mo.
"Kit!" Tawag sa akin kaya napalingon ako. Si papa pala. Napapunas ako bigla ng luha.
"Anong ginagawa sa labas ng kwarto ng kapatid mo? Bakit ayaw mong pumasok?"
"Ahm. Ano po kasi papa, may kausap pa po siya at ayokong maka storbo." Yun nalang ang nasabi ko.
"Saan po kayo galing?" Tanong ko kay papa.
"Inasikaso ko lang yung Hospital Bill. Anyway, mauna na ako Kit. May urgent meeting ako with the board. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo ha?" Tumango ako at umalis na si Papa.
Matapos sabihin ni papa iyon ay siya namang pihit ni Kiefer ng pinto.
*dub dub dub dub
Napatitig ako sa mata niya. Mas maayos na ang porma niya ngayon hindi tulad nung mga nakaraang araw. Mas desente siyang tingnan. Ilang segundo lang ang titigan namin dahil umiwas na ako ng tingin. Baka may makahalata.
"Kit!" Masayang sabi ng kapatid ko. Pinuntahan ko siya sa kama na hinihigaan niya at niyakap ko siya.
"Nica. Salamat naman at maayos ka na." Kumalas ako pero ang kamay ko ay hawak pa din ang kamay ng kapatid ko.
"Salamat sayo, sabi ni Daddy ikaw daw ang nagbantay sa akin dito sa Ospital. Salamat Sis. Kapag nakalabas ako, mag bobinding tayo ng bongga." Sabi niya. Ngumiti ako.
"Sabi mo yan ah? Aasahan ko yan."
"Siya nga pala Kit. Alam kong kilala mo na si Kiefer. May good news ako sayo, kami na ulit." Ngumiti ako .Yung ngiting pilit pero hindi halata. Hindi ko alam kung yun ang tamang term--plastic.
Oo na. Plastic na ako. Pero kailangan kong gawin ito para kaligayahan ng kapatid ko. Para sa puso niya.
"Ta..talaga? Congrats, Nica. " Sabi ko dito. Sana hindi niya mahalata yung ngiti kong pilit.
"Honey, halika dito dali!" Tawag niya kay Kiefer.
Honey..
Lumapit naman si Kiefer at tinabihan niya ito. Nakita ko din ang paghawak ni Kiefer sa isang kamay ng kapatid ko. napabitaw ako sa kaliwang kamay ng kapatid ko at nagkunwaring mag aayos ng buhok.
Kaya mo ito kit. Wag kang magpapa apekto.
"Alam mo Hon. Siya yung kambal ko. Mabit yan kaya wag mong susubukang awayin yan. Ok?"
"Tingin mo sa akin ganun? Hindi ko naman kayang manakit ng tao ng walang dahilan." Talaga?huh. Parang hindi naman.
"Aish. Ikaw pa ba? E gangster ka kaya alam ko." Ang sweet nilang tingnan.
Ang sweet..
Sa sobrang sweet ako yung kinakagat ng langgam at masakit yung kagat na iyon."Hon. Gusto mong magpahangin sa labas? Para makalanghap ka ng fresh air."
"Sige,Hon. Ahm.. Sis, ok lang ba kung iwan ka muna namin dito? " ngumiti ako at tumango.
"Su..sure. Mas maigi yun sayo." Tumayo na siya at inalalayang maglakad ni Kiefer palabas ng room.
Nang mawala na sila sa paningin ko ay siya namang takas ng luha sa mata ko.
Bakit ba hindi ko mapigilan itong bwisit na luha na ito?
Bakit?
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Подростковая литератураAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...