( FINALE )
This day is our special day.
Bakit ko nasabi?
Debut lang naman namin ni Harmonica.
Yes! Sa wakas! Legal age na kami.
Wooh!
Sorry..
Masaya lang talaga.Dalawang taon na ang nakakalipas at ngayon ay masaya kami. May problemang dumating pero nagagawan din ng solusyon.
Normal naman yun sa buhay. Laging may pagsubok at ang pinaka matinding pagsubok namin ay nangyari na two years ago.
"Wow.. Ang gaganda naman ng mga anak ko." Puri ni papa sa amin. Nasa loob kami ng isang kwarto kung saan kami ay inaayusan ng hinire ni Papa na make up artist.
Mukha kaming buhay na barbie dahil sa suot naming gown. Pinatahi pa ito ni Mamita sa kilalang Designer---yung mommy ni Jiro. Siya ang gumawa ng damit namin. Kulay Pink ang kay Harmonica at Lavander naman sa akin.
"Thank you Dad."
"Salamat papa.""Kamukhang kamukha niyo talaga ang mommy niyo." Sabi pa ni papa sa amin. May kinuha siya sa bulsa niya at ibinigay sa amin.
"Open it." Sabi ni papa at binuksan namin iyon ng sabay.
"Wow.." Sabay pa naming sabi ni Nica.
Isa iyong neckace na may pangalan namin at may G-clef design.
Inuna ni Papa na isuot iyon kay Nica bago sa akin.
"Napakahalaga ng pangalan niyo sa akin dahil diyan kami nagkakilala ng Mommy niyo. Happy Birthday mga anak." Sabay naming niyakap si Papa.
"Sige na. Tama na. Baka masira ang make up niyo sa drama natin." Natawa naman mi sa sinabi ni papa.
"Hintayin niyo ng escorts niyo ha." Sabi ni papa. Tumango lang kami at lumabas na siya.
Ang escort ko ay si Kiefer. Syempre. Boyfriend ko yun kaya siya. Samantalang si Andy naman ang kay Harmonica.
Ilang buwan din silang nagpalagayan ng loob bago naging official. Tinulingan ko si Andy dahil natotorpe daw siya kaya ayun hanggang ngayon, sila padin. Masaya ako para sa kapatid ko.
May balita din ako tungkol sa Black Knife.
Si Nico, ayun.. Nakahanap ng katapat. Balita ko tumigil ang pagiging babaero niya ng matagpuan niya yung babaeng iyon. Grabe. Kala ko forever na siyang chickboy. May pagbabago din pala sa kanya.
Si Inigo naman, busy sa paglalaro. Lumalaban na kasi siya sa mga international na laro kaya minsan nalang din niya nakakasama yung Black Knife lalo na at graduate na kami ng high school.
Si Fabio, ayun mukha ng libro. Joke! Sa isng sikat na school na siya nag aaral kung saan ang mga studyante ay tulad niyang matalino. Nagtu-tuitor din siya paminsan minsan at balita ko, yung tinutuitor niya ay may gusto sa kanya. Hmm... Sounds interesting di ba?
Si Errol naman, busy din. Nakipag skype nga lang kami sa kanya dahil hindi siya makakapunta sa Debut namin dahil sa schedule niya. Tumutulong siya sa business ng family nila at sa kanya ipapasa iyon kaya seryoso siya doon.
Isisingit ko na din ang bestfriend ko. Si Jiro. Haha. Going strong pa din ang friendship namin at may confident na siya sa sarili niya. Inamin din niya sakin na naging crush niya ako pero wala siyang balak na ligawan ako dahil takot pa din siya kay Kiefer kaya okay na sa kanya ang kaibigan na lang.
Don't worry. Makakahanap ka din.
At si Kiefer. Bumait na siya ng slight. Haha. Nag aaway kasi kami minsan at yung pinag aawayan namin e yung small things lang naman. Siya lang naman ang nagpapalaki ng problema e. Baliw kasi siya. Pareho kami ng school na pinapasukan. Ayaw niyang humiwalay sa akin e. Gusto niya laging nasa tabi ko siya. Ganda ko ano? Haha.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Teen FictionAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...