Nagising ako sa isang lugar na hindi ako pamilyar. Madilim at tanging ilaw lang sa aking ulunan ang may liwanag. Napansin ko din na nakatali ang kamay at paa ko sa aking kinauupuan.
"Hoy! Pakawalan niyo ako!" Sigaw ko kahit wala akong maaninag na tao dahil sa sobrang dilim.
"Ano bang trip niyo ha? Kung kidnap for ransom 'to ako ng nagsasabi sa inyo. Wala kaming pera! Mahirap lang kami! Scholar lang ako sa school!" Anong tingin nila sa akin? Mayaman? Baka akala nila mayaman ako dahil doon ako nag aaral.
"At kung kailangan niyo ng lamang loob ko, sorry nalang kasi damage na lahat ito. Wala kayong makukuhang matinong parts ng katawan ko.!" Sigaw ko. Yung tungkol sa parte ng katawan, gawa-gawa ko lang yun. May nababalita kasi sa t.v. na kinikidnap tapos tinatanggalan ng lamang loob tapos pinapalitan ng pera. Baka ganun kasi gawin nila atleast, sinabi ko na kaagad sa kanila para may time sila na pakawalan ako.
"At isa pa pala? Ano to? Bakit may spot light ako? Ano? Gaya-gaya lang sa mga action movie ganun? Tapos may dadating na lalake at siya ang magiging savior ko. Tutulungan niya ako at maiinlove ako sa kanya. Magpapakasal kami at magsasama ng habangbuhay. Ganun ba to? Ganun ba ?" Masyado ng gasgas ang ganitong eksena. Ilang beses ko na itong napanuod. Wala bang bago?
"Manahimik ka!" Isang nakakabinging sigaw ang narinig ko. Lumapit ito sa kinaroroonan ko at mas malinaw ko ng nakita ang mukha niya.
"Sino ka?" Tanong ko. Hindi ko siya kilala. Anong pagmumukha ito? Mukha ba ito?
"Pwedeng pakawalan mo na ako? Wala kang mapapala sa akin sinasabi ko sayo. Hinahanap na ako ng nanay ko. Kailangan ko pang magsaing at magluto ng kakainin namin. Sampo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Single mom ang nanay ko at nagtatrabaho siya sa bar para lang mapag aral kaming lahat. At ako lang ang pag asa nila! Dahil nakasalalay sa akin ang buhay nila! Sabi nga ni Dr. Jose Rizal: Ang Kabataan ang Pag-asa ng bayan" Pagdadrama ko dito. Sana maawa siya at tanggapin ang pagsisinungaling ko.
"Ang dami mong daldal! Busalan nga ito." May lumapit na lalake na may dalang panyo at itinakip ito sa bibig ko. Namumukaan ko ito ah? Heto yung nakasagupaan nila Kiefer. Yung mukhang mabahong kalbo.
"Mmmmmm!!!"
"Mmmm..mmmm!! Mmm!! Mmmm mmm mmm mmm " Kinuha nito ang cellphone niya at may tinawagan.
"Hello Kiefer, Kamusta? Napatawag lang naman ako para sabihing hawak ko ang Girlfriend mo.HaHaHa!" Si Kiefer? Si Kiefer ang kausap niya?
"Mmmm!!! Mmm mmm mmm mmm mmm!!" Napatingin siya sa akin habang kausap niya sa telepono si Kiefer.
"Gusto ka atang kausapin ng Girlfriend mo" Itinapat niya yung cellphone niya sa Bibig ko. Tinanggal din niya ang panyo na nakabusal dito.
"Anong girlfriend? Matapang ka lang tingnan pero tanga ka kuya! Mukha ba akong papatol sa katulad niya? "Sabi ko kay Kuya na kumidnap sa akin
"Hoy!Kiefer! Anong kalokohan ito ha? Pwede ba? Kung may problema kayo ng matandang panot na ito ay pumunta ka na dito at mmm..." Bigla ba namang binalik yung panyo sa bibig ko. Kainis! Di pa ako tapos.
"Ano? Dadalhin mo ang pera o papatayin ko itong girlfriend mo?" Sabing hindi niya ako Girlfriend e!! Naglabas ito ng baril at napatigil ako.
Seryoso na to. Baril ang nakatutok sa akin. At ayoko pang mamatay. Madami pa akong pangarap sa buhay.
Nakaramdam ako ng panlalamig at pinagpapawisan ang noo ko.
"Good. Hihintayin kita." Ibinaba na niya ang cellphine niya at humarap sa akin.
"Kapag wala pa siya ng kinse minuto dito, asahan mong puputok ito sa ulo mo." Ibinalik naman niya ang baril sa bulsa nya.
Kinakabahan na ako. Kiefer!!! Bilisan mong dumating! Mumultuhin kita kapag hindi kapumunta! Hindi kita patatahimikin.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Teen FictionAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...