Chapter 31

3.5K 91 2
                                    

"What? Wala ka bang sasabihin? Like Thank you, I'm touched." Tinignan ko siya ng masama. Bakit ako mag papasalamat? Dahil sa pinuri nya ako? Ganun?

Ngayon ko lang napansin. May pagka bipolar itong taong ito.

"Nagtatampo pa din ako sayo... Hi..hindi ko lang matiis na hindi ka masayaw. Ang ganda mo kaya. Baka maagaw ka pa ng iba." Naramdaman kong nag init ang mukha ko sa sinabi niya.

Ano ba kit! Bipolar yan! Mabait yan ngayon tapos bukas masama na naman ang ugali niyan.

Aalis na sana ako at babalik sa aking pwesto ng hilahin niya ako at tuluyan na niya akong nayakap.

"Kiefer! Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pilit akong kumakalas sa pagkakayakap niya.

"I'm sorry." Sambit nya.

"Nagpadala ako sa emosyon ko. Alam ko namang ako pa din ang mahal mo." Din? Hindi na mahigpit ang pagkakayakap niya kaya naitulak ko siya para makakalas ako.

Sabi na. Si Harmonica talaga ang nakikita niya sa akin. NILA sa akin.

"Din? Kiefer. Hindi ako si Harmonica.. Si Kit ako! Alam mo, nandun na e! Nagugustuhan na sana kita kaso, ang labo mo!" Tumakbo ako palabas ng hall hanggang sa makarating ako sa labas ng hotel ng umiiyak.

Hala.. Sinabi ko ba yun? Alam ko sa isip ko lang. Na voice out ko pala.

Naku naman! Itong bibig ko talaga, minsan sumasabog na lang at kung ano ano ang nasasabi.

"Aray!" Ayan. Sa pagmamadali ko sa paglalakad natapilok ako. Malayo pa naman ang sakayan ng jeep dito.

Tinanggal ko nalang yun takong ko at naglakad ng nakayapak.

Bwisit! Bwisit! Bwisit!

*Beeeeeppppp!!!

"Ay anak ng tupa!!" Nagulat ako sa malakas na busina. Tumingin ako sasakyan na bumusina sa akin. Bumaba ang driver nito.

Ay naku! Kiefer!

"Kit." Hindi ko na siya pinansin at naglakad nalang ulit.

"Sandali nga lang." Hinablot niya ang kamay ko.

Aray ah! Lagi nalang siyang nangunguha ng kamay.

"Ano?!" Pasigaw kong sabi. Naiirita na kasi ako sa pagmumukha nya!

"Ulitin mo nga yung sinabi mo kanina. Yung andun na! Nagugustuhan na kita.. Tama ba yung narinig ko?" Aish! Alam naman pala niya bakit pinapaulit pa niya?

"Wala akong sinabi. Bitawan mo nga ako. Gusto ko ng umuwi." Pilit kong kinukuha ang kamay ko pero sya hindi natitinag. Nakatingin lang siya sa akin.

"Pag hindi mo sinabi hindi kita bibitawan." Aba!  Binantaan pa ako  ng loko.

"Bakit ko uulitin kung narinig mo naman pala. Ano? Unlimited?" Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Hinila niya ako papalapit sa kanya at mabilis na siniil ng isang halik.

*Dub dub Dub dub

*Dub dub Dub dub

"Mmmm!!" Pilit ko siyang tinutulak pero masyado syang malakas para gawin ko yun. Naramdaman kong kinagat niya ang lower lip ko kaya napabuka ang bibig ko dahilan para mahalikan niya ako sa paraang gusto niya.

Hindi ko alam kung bakit pero nagpadala ako sa halik na iyon. Hindi ko na siya maitulak na parang nagpapasakop ako sa ginawa niya hanggang sa naramdaman ko ang pagkalas niya.

Nagmulat ako ng mata at nakaramdam ako ng hiya.

Kainis kasi! Bakit niya ginawa yun?. I feel so weak!

Nakita ko ang lapad ng ngiti niya. Ano ba! Huwag nya nga akong ngitian diyan! Saksakin ko siya ng ballpen e!

"Halika na. Ihahatid na kita sa inyo."

"Ha? Hi..hindi na. Kaya ko naman umuwi." Nahihiya kong sabi. Ang awkward naman kasi kanina galit ako tapos ngayon parang nahihiya na ako dahil sa halik na ginawa niya.
Aish!!! Nakakabanas talaga!

Tumingin siya sa paa ko.

"Masakit na ang paa mo, hindi mo na kaya. "

"Kaya ko pa nga... Hoy! Ano ba!" Bigla ba naman akong buhatin at isakay sa sasakyan niya.

"Huwag ka ngang makulit! Pag sinabi kong ihahatid kita, ihahatid. " Agad naman niyang pinaandar ang sasakyan at humarurut.

"Alam mo, ang harsh mo. Paano kung naging boyfriend kita? I-a-under mo ako ganun?" Inis kong sabi sa kanya. Nakita ko lang na napangiti siya at deretso pa din ang tingin sa mata.

"Boyfriend? Bakit hindi pa ba? After I kiss you hindi pa ba kita girlfriend?" May pagkasarkastiko niyang sabi. Namula ako sa sinabi niyang iyon.

Teka nga.. Nasabi ko ba talaga yun? About sa boyfie thing?

"Bakit? Nanligaw ka ba?"

"Kailangan ba nun? Mahal naman natin ang isa't isa di ba?" Whut?! Hindi ba siya nakokornihan sa pinagsasabi niya?
"Huwag mo nga akong bolahin. Alam ko namang si Harmonica ang dahilan kung bakit mo ako nagustuhan." Totoo naman.

Hindi siya nagsalita at parang walang narinig sa sinabi ko. Nagbago din ang expression ng mukha niya.

"Sino nag invite sayo sa party?" Seryosong tanong niya.

Oh see? Bipolar! Kanina good mood ngayon bad mood na. Tss.

"My Bf Jiro." Nagulat ako ng bigla siyang magpreno. Muntik ng humiwalay ang ulo ko sa katawan ko sa sobrang lakas ng preno niya.

"What? Bf?!" Pasigaw niyang tanong sa akin.

"Ano ba! Kung magpe-preno ka i-orient mo naman ako ng hindi ako nabibigla. Ang sakit kaya sa leeg!"  Kakainis.

"You said BF mo si Jiro."

"Oo. BF as in BestFriend!" Sigaw ko sa kanya.

"Oh God! I thought.. Ugh!" Itinuloy na niya ang pagdadrive.

"E ikaw? Anong ginagawa mo sa party?"

"Sinama ako ng Dad ko kaya nandun ako." Dad? Hindi kaya yun yung tumawag sa aking Harmonica kanina? Kaboses niya at kaapelyido niya din e.

"Anong iniisip mo diyan?" Pati ba naman ang iniisip ko papaki alaman niya?

"Wala. Wala kang paki."

"Meron. Meron akong paki."

"At anong paki mo?"

"May paki ako dahil starting today, we are in a relationship." Napalaki ang mata ko. Ano? Mag isang nagdedesisyon.

"Nakadrugs ka ba? Anong pinagsasabi mo?"

"You kissed me. It means you like me and you love me." Ano? Kiss? Siya kaya.

"Hoyy!!! Ikaw kaya ang humalik sa akin!"

"Pero hindi ka pumalag, so ibig sabihin gusto mo din ang ginawa ko." Hello!!! Wala kaya akong choice!

"Aah!! I hate you!"

"I love you too." Sabay tawa.

*Dub dub dub dub
*dub dub dub dub

Nang iinis talaga siya!

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon