"Anak.." Naiiyak na sabi ni mama habang nasa sala kami at nakaupo. Kaharap ko ang yung lalake at katabi ko naman si mama.
"Sasabihin ko naman..." Tumingin ako ng deretso sa lalakeng nasa harap ko. Siya nga yung nakita ko na lalake na galing sa loob ng bahay nung nakaraang mga araw.
Huminga ako ng malalim at pinipigilan ko muna ang luha ko. Ganun din ang emosyon ko.
"Sabihin niyo sa akin lahat lahat ng tungkol sa akin." Kalmado kong sabi kay Mama at sa lalakeng kaharap ko.
"Ganto kasi yan anak.." Ramdam ko sa boses ni mama na nagpipigil din siya ng luha para maikwento sa akin lahat ng gusto kong malaman.
"Hindi kita anak. Inampon kita sa kapatid ko ng mamatay siya at hindi na ako nag asawa ng panahon na iyon. Tinuon ko ang atensyon ko sayo. Nagsinungaling ako ng hanapin mo ang tatay mo,ang sabi ko sayo iniwan niya na tayo pero ang totoo nun, hindi ako nag asawa." Tumawa ako ng bahagya.
"Ma? Joke ba yan? Di ba sinabi mo na sa akin yan? Yung tungkol sa ampon. Mama naman."
"Totoo ang sinasabi niya." Sabat naman ng lalake sa harapan ko.
"Kit. I'm sorry.." Umiyak na siyang tuluyan. Bakit ganun? Kahit anong pigil ko sa luha ko hindi ko mapigilan.
"Naalala mo ba yung time na tinanong mo kung sino ang nag papaaral sayo? Siya yun Kit. Ang Ama mo." Tumulo na ang luha ko sa sinabi ni mama pero pinipigilan ko ang paghikbi.
Ang sakit. Ang sakit malaman na hindi ka tunay na anak. Na isa ka lang ampon.
"Kung..kung Tatay kita, ba..bakit mo ako iniwan? " nauutal kong sabi.
"Hindi kita iniwan, inilayo ka sa akin." Sabi nito sa akin.
"Inilayo? Baka nakakalimutan mo, kasalanan ng Nanay mo kung bakit." Galit na sabi ni Mama.
"Hindi mo ipinagtanggol ang Kapatid ko sa matapobre mong nanay. Oo, mahirap lang kami at kayo mayaman. Hindi mo alam kung gaano siya nagdusa sa kamay ng nanay mo hanggang sa panganganak niya at paghihiwalay ng nanay mo sa kambal!" Bigla akong nagulat sa sinabi ni mama.
Kambal?
"Oo! Kasalanan ko na! Kaya nga gusto ko na siyang makuha para makabawi ako sa mga pagkukulang ko. At para makita niya ang kakambal niyang matagal ng nawalay sa kanya!" Sabi ng lalake.
"Kambal?" Parang nagba-buffering ang utak ko sa mga naririnig ko ngayong araw.
"Oo. May kambal ka Kit." Hindi ko alam pero parang alam ko na kung sino.
"Si Harmonica po ba yung kakambal ko?" Nanlaki ng mata ng lalake at tumango.
"Siya nga. Paano mo nalaman?" Lalong bumilis ang pagpatak ng luha ko.
Si Harmonica? Kakambal ko?
Tumayo ako sa kinauupuan ko ngunit nanlambot ang mga tuhod ko at nakaramdam ako ng hilo.
"Kit!" Tawag sa akin ni mama pero hindi ko na narinig ng maayos iyon dahil nawalan na ako ng malay.
Nagising ako at nakita ko ang puting kisame. Nasa ospital ako ngayon. Tumingin ko sa gilid ko kung nasaan ang mama ko na nakahiga hawak hawak ang kamay ko. May pumasok din sa loob ng kwarto.
Yung Papa ko.
"Kit. Kamusta ang pakiramdam mo?" Sa puntong iyon ay nagising na ang mama ko.
"Kit, anak. Ok ka na ba?" Tanong niya sa akin. Nakaramdam ako ng ilang.
Ano ba ang itatawag ko sa kanya? Mama o Tita?
"Ang sabi ng doktor may high fever ka pero hindi naman malala, konting pahinga lang para bumalik sa normal ng body temperature mo." Sabi ni Papa sa akin.
"Anak, magpahinga ka muna. Wag kang masyadong mag iisip ng kung ano ano ha?" Sabi ni mama sa akin.
Paanong hindi ako mag iisip? E binigyan nika ako ng iisipin! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba nagkaganto ako?
"Sige. Aalis muna ako. " sabi ng Papa ko.
"Ma," napatigil sa paglalakad ang papa ko ng magsalita ako.
"Gusto kong makilala ang papa ko at ang kambal ko, pwede ba akong sumama sa kanya?" Nakita ko na may hinanakit sa mata ng nanay ko.
Napalingon naman sa akin ang papa ko.
"Si..sige anak. Kung yan ang gusto mo." Tipid na ngiti ang ibinigay ni mama sa akin.
Kailangan kong harapin ang buhay. Hindi ko dapat ito takbuhan o takasan.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love(COMPLETED)
Teen FictionAko si Kit. Simpleng tao na ang gusto lang ay simpleng buhay at may katahimikan. Paano kung isang araw ay may makabunggo kang Gangster, anong gagawin mo? At paano kung malaman mong may koneksyon pala kayong dalawa? At ang koneksyon na yun ang magi...