Chapter 6

4.5K 102 1
                                    

"Ako nga pala si Kitarah.Kit nalang for short." Nandito kami sa 7-11. Nagpalibre ako ng ice cream. Nagtitipid ako e. Hindi ko pa kilala itong schoolmate ko. Heto na ang chance para may maging kaibigan ako sa school.

"Alam ko. Kilala ka sa school e." Sikat? Talaga. Sarap pakinggan ah. Artista lang ang peg.

"Ikaw? Anong pangalan mo?" Umiling ito.

"Bakit ayaw mong sabihin?"  Tanong ko sa kanya.

"Hi..hindi pwede. Baka mabully ako sa school pag sinabi ko sayo." Huh? Talaga?

"Tss.. Grabe. Anong kalokohan yan? Para pangalan lang. Ano nga? " Umiling lang uli ito.

Ah. Ganun? Ayaw mong sabihin..

Hindi naman sa bully ako pero minsan ganun ako. Minsan lang. Hinila ko yung ID na nakasukbit sa leeg niya.

"Jiro Lamesera. Section 1." Binitawan ko yung ID niya at maubo ubo pa ito. Gusto pa kasi yung nasasaktan e.

"Sorry. Ayaw mo kasing sabihin kaya napilitan ako. Simula ngayon, friends na tayo ah? I add kita sa fb mamaya. " nanlaki ang mata nito.

"Naku! Huwag! Ayokong maging kaibigan ka! Baka ikamatay ko!" Seryoso? Kaibigan lang ikamamatay na?

Medyo nakakainis ah.

"Tapatin mo nga ako. Ano bang meron at ayaw nyo akong kaibiganin?" Tinignan ko siya ng nakakatakot. Yung tipong tingin ko palang ay parang sinasaksak na siya.

" hi..hindi ko pwedeng sabihin baka bugbugin ako ng Knife..."

"Knife! Knife! Knife! Ano ba! Wala na bang katapusan yang Kutsilyo na yan! Anak ng Tupa nama  oh?!" Nakakabanas na yang Kutsilyo na yan ah. Promise! Pag nakita ko isa man sa kanila, makakatikim ng sapak sa akin.

Tumayo ito.

"Pasensya na! Ayoko lang madamay! Sige diyan ka na!" Dali dali itong lumabas ng convenience store.

Tumayo na ako at lumabas.

Haayy...

Wala.

Kahit nerd ayaw akong maging kaibigan sa school.

Tss..

Napakuyom ako ng kamay.

Yang Kutsilyong yan talaga!

Humanda kayo. Makita ko ang isa sa inyo, haha! Makakatikim talaga ng sapak sa akin.

"Sige Kit, ngumanga ka pa. Hindi makapasok ang langaw sa bunganga mo." Sabi ni mama sa akin. Hindi ko napansing tulala na pala ako sa bracelet na hawak ko.

"Ano ba kasi yang hawak mo at kanina ka pa tulala diyan?" Tanong ni mama habang naggagayat ng gulay na uulamin namin ngayong gabi.

"Kwintas ma. Iniisip ko kung paano kakasya sa leeg ko ito." Pilosopo kong sagot. Nakikita naman niyang bracelet ang hawak ko.

"Kunin mo nga yung panghasa ng kutsilyo para matulis ito kapag sinaksak ko sayo. Pilosopong bata! Kanina ka pa tulala. Kung tulungan mo kaya ako dito?" Nasa may kusina ako at napansin pala ni mama ang pagkatulala ko. Hindi pa din matanggal sa isip ko kung sino yung lalakeng tumulong sa akin.

Kahit naiinis ako sa Knife na yun, di pa din mawala sa isip ko kung sino yung tumutulong sa akin sa kanila.

Kasi ilang beses niya akong sinave ngayong araw na ito. Kung hindi dahil sa kanya siguro mukha na akong basahan sa pagpasok sa room at kung hindi din dahil sa kanya ay baka nasa tv na ako at pinaglalamayan ng nanay ko.

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon