Chapter 29

3.3K 79 0
                                    

"Kit. Sigurado kang yan ang suot mo?" Tanong ni mama sa akin.

"Opo ma. Wala namang masama sa suot ko." Naka Red T-shirt at Pants kasi ako.

"Anak. Party yung pupuntahan mo. Pang sosyal. Hindi puchu puchu lang!" Naparolyo nalang ako ng mata.

"Ma. Ok na to. Isa pa,sasaglit lang ako. Hindi ako magtatagal." Nagpaalam na ako kay mama dahil baka magbago pa ang isip niya.

Hindi na ako nagpasundo pa kay Jiro kahit mag-suggest niya. Tumungo nalang ako mag isa. Nakalagay naman sa invitation card kung saan yung location. Sa isang hotel.

Bago pa man ako pumasok ay hinanap kaagad sa akin yung invitation card. Grabe. Mahigpit sila. No Invitation, No Entry.

Pumasok na ako sa loob at..

Wow..

Ang ganda at ang laki. Mukhang sosyalin din yung mga dumalo. Napatingin tuloy ako sa damit ko.

Tama si Mama.

"Miss, Water please! Oh my God! It's that you? Kitarah?" Relax kit. Wag kang magtaray dito. Isa lang naman sa Alipores ni Quinie. Bakit nandito to?

"Oh My Gosh! Wag mong sabihing waitress ka dito?" Sabi nung isa pang Alipores niya.Tumingin ako sa paligid. Kakulay ko yung uniform ng mga nagseserve ng pagkain.

"Girls!" Kung nandito ang mga Alipores, imposibleng wala ang Reyna nila. And speaking..

"Ow.. Nakakapasok na pala sa gantong lugar ang basura ngayon." Nakapamewang pa ito.

Please..
Ayoko ng away.
Juice ko! Magtitimpi muna ako! Ayoko ng gulo.

"Kit!" Sabay pa silang tatlo sa paglingon sa likod.

Lumapit sa akin si Jiro.

Hoh! Sa wakas! Save by the Bell.

"Oh my Gosh! Sino ka? Ang pogi mo naman!"-Alipores 1.

"Oo nga. Ngayon lang kita nakita. Wala naman akong pinapalampas na pogi sa school or in any parties e." -Alipores 2

Ang sarap saksakin ng pink na ballpen ang ngala ngala ng babaeng ito. Sino ngayon ang malandi?

Kung maka judge sila! Ahmp!

"Are you waiting for so long?" Tanong niya sa akin. Infairness. Ang pogi ng bestfriend ko ngayon. Parang hindi siya yung nerd na tinulungan ko. So happy!

"Cous, you invited her? Ano nalang ang sasabihin ni Tita?" Napakunot noo ako.

Cous? As in Cousin? Pinsan?

"Oh my God! Queen Quinie, Don't tell me this is Jiro--the nerd in our school?" Gulat na sabi niya.

"What the hell? I didn't recognize him at all!" Sabi din ng isa. Naramdaman kong umakbay sa akin si Jiro.

"Thanks to Kit. She gave me a whole body make over. And one thing,Si Mommy ang nag invite sa kanya." Tinignan ko siya ng seryoso. Si Jiro ba italaga ito?

"And don't ever make a scandal here. Remember, it's my Mom's Night.Ok? So, Girls. Excuse us." Umalis na kami sa harap ng tatlong iyon.

Tumigil ako sa pagkakalakad at tinanggal ko ang pagkakaakbay niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na magpinsan pala kayo ng malditang iyon?" Biglang umamo ang mukha niya.

"Hindi mo naman tinanong." Sabi niya. Tinignan ko siya ng masama. Baka maya kasi may pinaplano siyang hindi maganda at nasulsulan ng pinsan.

"Kit. Kung ano man ang iniisip mo, nagkakamali ka. Never kitang gagawan ng masama. In fact, hindi kami close nun, kung close kami edi sana lagi kaming sabay umuwi or nakikita mo kaming magkasama." Kung sa bagay. May point siya doon.

"Loyal ako sayo Kit. Hi..hindi ako ggawa ng isang bagay na alam kong masasaktan ka." Sabi pa niya. Wow. Lakas maka hugot ni Kuya.

"Oh. Sige. Naniniwala na ako." Lumawaka ang ngiti niya sa sinabi ko.

"Tara. Ipapakilala na kita kay Mommy." Kumapit ako sa braso niya at tinungo ang lugar ng mommy niya. May mga kausap itong mg lalake na naka formal. Ako lang ata ang na iiba sa lahat ng imbitado.

"Excuse me, Mom." Lumingon ang ginang sa amin.

"Oh Jiro! My Prince!" Tawag ng mommy niya sa kanya. Tumingin ito sa akin. Ngumiti ako at ganun din siya.

"Mom, this is Kit. Kit, this is my Beautiful Mom." Pagpapakilala sa amin ni Jiro.

"Oh! Finally! Nice meeting you Hija." Nakipagbeso ito sa akin. Nakakahiya naman. Mukhang Oily pa ako tapos siya ang soft ng balat. Alagang alaga at mukhang bata pa tingnan.

"Happy Birthday po Ma'am." Bati ko sa ginang.

"Oh. Don't call me Ma'am, Tita nalang. Hindi naman ako teacher." Sabi pa nito.

"Anyway, thanks to you ha? Dahil sayo, nagbago na siya ng pananamit. " Ayt. Wala pong ano man.

"Excuse me madam." Mula sa likod namin ay may narinig akong pamilyar na boses.

*Dub dub Dub dub
*Dubdub Dub dub

"Mr. Trinidad!"

Tri..

Trinidad?

Dahan dahan akong lumingon sa likod para i-confirm kung siya nga yung nasa isip ko.

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon