Chapter 37

3K 73 0
                                    

"Heto na Jiro. Tapos na naming hanapin." Ibinigay ko yung camera kay Jiro at agad naman niyang nilagay sa laptop yung mga photos. May malaking tent kami at doon ay nagtayo sila ng parang laboratory. Bawat grupo ay may sariling tent laboratory.

Pumasok na si Maam at binigyan kami ng pagkain. Maghahapunan na kasi.

"Kamusta na yung activity natin?" Tanong ko kay Jiro.

"Hmm.. Ok naman. Nasa kalagitnaan na ako ng presentation." Wow. Ang bilis naman. Hindi na ata kami aabutin ng bukas sa paggawa ng activity na to. Iba talaga kapag may matalino sa grupo.

"Jiro, Errol. Tawag kayo ni Ma'am sa tent niya." Sabi ng isang studyante sa amin na galing sa ibang grupo.

Sumunod naman sila at iniwan akong kumakain.

Ilang sandali lang ay may pumasok sa loob ng tent na nagtatawanan. Si Quinie at ang kanyang Alipores. Napahinto sil sa tawanan at Tumingin ng masama sa akin si Quinie pero agad ding ngumiti at pinuntahan ako.

Wow. Ang weird niya.

"Ahm.. Kitarah, di ba ikaw yung naka assign sa mga photos ng halaman?" Mabait niyang sabi.

"Oo. Ako nga."

"Kasi, nasalubong ko si Jiro ang sabi niya may isang halaman pa ang hindi napipicturan at kailangan mo itong kuhanan." Napakunot noo ako. Ang alam ko ok na yung list. Nandun na lahat.

"Ha? Tapos ko na.."

"Bago ito. Wala sa listahan at ang sabi niya, sa gabi lang iyon makikita." Ah. May ganun palang halaman.

"Ah. Sige. Pagdating nalang ni Jiro at Errol para.."

"Kailangan na kasi nila ngayon. Kung gusto mo, sasamahan ka namin." Malaking ngiti ang ibinigay niya sa akin. Kinuha nung isa niyang Alipores ang Camera at Binigay sa akin. Nagdala din sila ng Flashlight dahil may kadiliman nga.

"Ang alam ko banda dito lang iyon." Sabi ni Quinie habang nagtitingin din ng halaman.

"Ma..madilim na kasi Quinie, baka pwedeng bukas na lang."

"Gabi nga daw lumalabas ang halaman na yun e." Sabi pa niya.

"Tingin ko kasi malayo na to at delikado dahil gabi na."

"Queen Quinie! Ayun oh! Nahanap ko na!" Sabi ng isa nyang Alipores. Agad naman naming pinuntahan pero sa di inaasahang pangyayari, may naapakan akong malambot na lupa dahilan para mahulog ako.

"Aah!" Sigaw ko. May kalaliman kasi.

"Ahahahahaha!" Narinig kong nagtawanan sila.

"Haha. Hindi ko alam na bobo ka pala. Wala namang halaman na nagpapakita lang kapag gabi. Haha" sabi ni Quinie habang tumatawa.

Sinasabi ko na nga ba! Bakit kasi naniwala ako sa tatlong ito.

"Uto-uto ka talaga. Haha" sinusubukan kong tumalon para maabot yung taas pero hindi ko kaya. Ang lalim kasi ng pagkakabagsak ko.

"Bagay lang yan sayo dahil ahas ka. Bagay ka sa gubat na ito. Akala mo hindi ko napapansin? Pati pinsan ko inuuto mo na. Ay ngayon, kayo na ni King Kiefer? Hindi ako makakapayag! Akin lang si King Kiefer!" Baliw na siya. Sobra! Baliw na siya kay Kiefer!

Sinong matinong tao ang gagawa ng kahayupan na ganito? Wala di ba?

"Ano ba! Alisin niyo ako dito!"  Sigaw ko sa kanila.

"Sorry.. Ayokong madumihan ang kamay ko e. " sabi pa niya.

"Let's go girls! Inaantok na ako. Maaga pa tayo bukas." Ano? Iiwan nila ako dito?

"Enjooyy.. Haha!" Narinig ko pang sabi ni Quinie bago umalis.

Ano ng gagawin ko? Sumigaw ako baka sakaling may makarinig sa akin.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Paulit ulit kong sigaw. Madilim na at tanging buwan lang ang nagliliwanag.

Nagsimula na akong umiyak sa takot at pangamba sa lugar na ito. Paano kung may ahas o masamang hayop ang pumunta dito at lapain ako?

"Kiefer.." Sabi ko habang niyayakap ang sarili ko at umiiyak.

Kiefer? Nasaan ka na?

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon