Chapter 5

4.4K 93 5
                                    

"Ang Ekonomiya ay..." Naabutan kong nagdidiscuss na ang teacher namin. Patay! Late na late na ako! Anong explanation naman kaya ang sasabihin ko?

Mukhang may detention ako ngayon ah. Huhu.

*Tok tok

At muli, naagaw ko ang atensyon ng lahat. Tinaasan ako ng kilay ng teacher namin at nagulat naman ang mga kaklase ng makita nila ako.

"Almost Fifteen Minutes ka ng late, do you think tatanggapin pa kita?" Mataray na tanong ng guro. Feeling ko nabuhay si Miss Min Chin sa katauhan niya. Sungit.

"Ahmm.. Kasi.. Ano po.." Lumapit ako kay Maam at may binulong.

"Ganun ba? Ok. Pagbibigyan kita ngayon, sa susunod na malate ka, sa detention room ka na dumeretso.ok?"

Nag Ok Sign ako at babalik na ako sa kinauupuan ko ng ilang hakbang palang ay narinig kong nagsalita si Quinie.

"Buhay ka pa? Tss. Tibay mo din ano?" Nakatalikod ang teacher at may sinusulat sa white board.

"Oo naman. Ako pa." Nakangiti at positibong sagot ko sa kanya. Ayokong magmukhang kawawa sa harap ng mga tao dito. Taas noo akong tumungo sa kinauupuan ko.

Hah! Kala nila. Pagupo ko ay nakatingin sila sa akin.

"Ahh.. Hindi ko dala ang white board para sa akin kayo tumingin. " Sirkastikong sabi ko. Inirapan lang ako ng iba bago tumingin sa harap.

Tss..

Akala nila sila lang may karapatang magtaray.

Haha!

Kahit mukha akong anghel marunong din naman akong magmaldita ano.

Habang nagdidiscuss yung teacher namin hindi ko maiwasang hindi tumingin sa gawing kaliwa ko kung saan nakaupo si Kuyang Gangster.

Katulad ng kanina, hindi ito pumasok. Tss. Cutting na naman.

Ang unfair ah!

Bakit hindi siya idetention! Kainis!

Dahil ba sa grupo niya? Kutsilyong yun? Ang baduy naman ng name. Pssh..

"See you tomorrow. Class dismiss." Ayos! Uwian na!

Tatayo sana ako ng mapansin kong wala sa kanila ang tumatayo.

Bakit kaya? May meeting ba? Imposible namang may klase pa kasi ayon sa schedule ko e last subject namin itong huli

*sms tone

Sabay sabay na tumunog ang mga phone nila. Kanya kanya naman silang basa ng text. Matapos mabasa ay kanya kanyang labas ng room.

Huh?

Anyanyare?

Bakit parang wala akong alam?

"Pasalamat ka at nagtext siya kung hindi ay patay ka na ngayon." Sabi ni Quinie bago lumabas ng room.

Huh?

Ano yun?

Sino yung nagtext sa kanila at bakit sila lang? Bakit wala akong natanggap. Gm ba yun?

Na-OOP na ako sa school na ito ah.
.oh! Wait. Baka welcome party lang nila sa akin ito kasi transferee ako.

Ay shunga. May nagwewelcome ba na ganun kabrutal?

Napakamot nalang ako sa ulo dahil gulong gulo na ang utak ko sa mga nangyayari.

Katulad ng iba ay lumabas na din ako. Dumaan muna ako sa locker room para kunin yung nadumihan kong uniform. Lalabhan ko pa yun tapos isasauli bukas sa clinic.

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon