Chapter 43

3.2K 67 0
                                    

Matapos kumain at magkwentuhan ng buong araw ay dumeretso na ako sa kwarto ko.

Gusto kong magpahinga at mag isip. Mag gagabi na din kasi.

Nalibang kami sa pagkukwentuhan kaya hindi namin namalayang maggagabi na.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ko iyon. Itetext ko sana si Mama para kamustahin ko siya kaso nagulat ako ng buksan ko ang phone ko at tadtad ng text ni Kiefer. Mga Isang daan ata yung text.

Grabe siya oh.

( Babe,  where are you?)
(Bakit hindi ka pumasok?)
(Are you sick?)
(Bakit hindi mo sinasagot ang calls ko.)
(Open your phone!)
(Babe, what's wrong? Galit ka ba sa akin?)
(Hindi ako makaalis sa room, baka magalit ka. Tapusin ko lang yung klase at pupuntahan kita sa inyo.)
(Where have you been? Walang tao sa bahay niyo.)
(Tita told me you're with your dad.)
(Saan yan? I want to see you.)
(Babe, answer my damn phone calls!)
(Babe? Please. I miss you.)
(I miss you so much.)
(Babe. I love you. Please? Text me back! I really really miss you!)

Ilan lamang yan sa mga text niya at yung iba hindi ko pa nababasa dahil bigla siyang tumawag. Sinagot ko naman iyon.

["Finally! Oh Gosh! Thank you for answering my call. I miss you so much Babe. I really really really miss you! I want so see you. Nasaan ka ba? Pwede ba kitang puntahan?"] Hindi ako nakasingit sa pagsasalita niya sa kabilang linya.

Haay..

"Ahm.." Tumingin muna ako sa paligid ng kwarto ko. Baka may makarinig sa akin.

"Ano kasi, Kiefer. Malayo itong bahay ng Papa ko. Sorry kung hindi ko nasagot ang phone calls mo kanina. Busy lang." Sabi ko sa kanya habang naka upo ako sa kama.

"Ganun ba?" Ramdam ko sa boses nya na nalungkot siya.

"Wag kang mag alala, papasok ako bukas." Sabi ko para naman hindi na siya malungkot.

"Really? Can't wait for tomorrow." Masaya niyang sabi sa akin.

"Ako din. Gusto na din kitang makita." Sabi ko sa kanya.

"I love you." Napakagat labi ako. Bakit ba ganto ang nararamdaman ko?

"Kiefer, Gabi na. Matutulog na ako. See you tomorrow." Sabi ko bago ko binaba ang phone call niya.

Kiefer. Ang hirap naman.

Kapag naiisip ko palang na magkikita kayo ni Harmonica para na akong pinapatay ng paunti unti ano pa kaya kapag dumating na yung oras na iyon? Baka ikamatay ko na talaga. Ikamatay sa sakit.

*tok tok

Matapos kumatok ay pumasok na itonsa loob. Buti nalang tapos na kaming mag usap ni Kiefer bago siya pumasok.

Ano ba yan. Para namang may tinatago ako sa kanya. Daig ko pa ang taksil sa ginagawa kong ito.

"Sis. Pwedeng makitulog dito? Gusto kasi kitang makatabi. Ok lang ba?" Tanong niya. May magagawa pa ba ako? May dala na siyang unan e. At isa pa. Ang bait niya sa akin. Ang hirap tanggihan.

"Oo naman. " Lumapit siya sa akin at tumabi sa akin sa higaan.

"Alam mo. Hindi pa din ako makapaniwala. Ang saya saya ko talaga. Sorry kung paulit ulit ako baka mamaya naiirita ka na. Sana, lagi lang tayong ganto ano? Masaya lang at kompleto." Hindi ko masasabing buong loob akong masaya. May parte pa din na malungkot ako. Lalo na at sa dinami rami talaga ng mamahalin kong tao ay yung ex pa ng kambal ko.

Nakakainis! Bakit kasi ganito!

Badtrip!

"Ok ka lang ba kit? Parang natutulala ka diyan."

"Ha? Ah. Kasi.. Hindi din ako makapaniwala na nakita na kita. Kasi.." Sasabihin ko ba? Paano kung ayaw niya.

"I'm sorry." Sambit niya. Wala pa naman akong sinasabi. Bakit siya nagsosorry? Tinignan ko siya at sumeryoso ang mukha niya.

"Alam kong nahirapan ka sa pagpasok sa school na yun. Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kong pinapahirapan ka nila dahil sa akin. Kasalanan ko naman kasi. Iniwan ko sila ng walang sinasabing dahilan. Alam ko, napagkamalan ka nila na ako. I'm sorry talaga." Parang nagu-guilty tuloy ako dahil sa paghingi niya ng sorry.

"Ano ka ba, wa..wag kang humingi sa akin ng sorry. Wala ka namang kasalanan sa akin. " sabi ko sa kanya.

"Kit. Pwedeng humingi ng favor?" Bigla akong kinabahan.

Ano kayang favor yun?

"Ano ba yun?"

"Pwedeng.. Wala munang makakaalam na nagkita na tayo?" Napakunot noo ako.

"Bakit ayaw mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ayoko munang may makaalam na nakabalik na ako lalo na si Kiefer." Parang nagcrack yung puso ko sa pagbanggit niya sa pangalan ni Kiefer.

"Ayokong makita si Kiefer. Hindi pa ako handa. Baka hindi ko kayanin. Hindi kayanin ng puso ko Kit." Ako din Harmonica, baka hindi ko din makaya.

Hindi ko kayang makita siya na kasama ka.

"May sakit ako Kit. Ano mang oras pwede ko kayong iwan.. Pwede ko siyang maiwan.. At ayokong makita siyang malungkot pag dumating ang araw na iyon." Nagulat ako sa sinabi niya.

Si Harmonica? May.. May sakit?

"Ma..may sakit ka?" Tumango siya at ngumiti sa akin.

"Matagal na. Bata pa ako. Sabi ni Daddy, may butas ang puso ko kaya bawal akong mapagod o kaya masobrahan ng saya dahil baka bigla nalang bumigay yung puso ko. Kaya din siguro ako ang kinuha ni Daddy para mapagamot niya ako..." Nakakagulat naman itong sinabi niya. Mas maigi na nga ding hindi siya ang kinuha ni Nanay dahil baka hindi kayanin ni nanay ang pagpapagamot sa kanyang sakit.

" Lahat ng koneksyon si Daddy at Lola ay ginamit na namin pero wala pa kaming nahahanap na donour. Sinabihan na kami ng doktor na habang tumatagal at tumatanda ako lalong humihina ang puso ko..." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko habang siya ay ngumingiti ngiti lang sa pagkukwento niya. Nakikita kong lumalaban siya sa sakit niya.

"Walang nakakaalam ng kalagayan ko maliban sa mga tao sa mansyon na ito. At bawal ding may makaalam nito. Kahit sila Kiefer ay hindi rin alam at wala akong balak na sabihin." Naramdaman ko ang pagpunas niya sa luha na dumampi sa pisngi ko.

"Alam mo, yung mga panahong nakasama ko ang Black Knife ay ang isa sa masasayang araw sa buhay ko. Lalo na nung makilala ko si Kiefer." Ako din Harmonica.

Masaya ako.

"Kaso kailangan ko siyang iwan. One year ago ng nakipagbreak ako sa kanya ng walang dahilan. Yung araw na iyon ay naconfine ako sa Ospital at muntik ko ng ikamatay. Pumunta din kami sa States para doon ako magamot kaso wala din silang nagawa. Siguro, kapalaran ko na talaga ito."

"Nica.." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"Huwag kang maawa sa akin. Ok lang ako. Kaya ko ito." Sabi niya.

Kung kaya mo, ako hindi ko kaya.

Hindi pa nga kami nakakapagbonding ng very much tapos ganto agad?

"Sana atin atin lang ito. Please.. Kit." Niyakap ko siya.

Hindi ko alam kung maipapangako ko pero susubukan ko.

Nica, maging matatag ka.
Kahit para kay Kiefer.

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon