Chapter 33

3.5K 93 2
                                    

"Good morning!" Paglabas ko ng bahay siya agad ang bubungad.

"A..anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ang girlfriend ko." Ay naku!

"Pwede ba? Hindi mo ako girlfriend." Lalakad na ako ng bigla na naman niya akong buhatin at isinakay sa sasakyan nya.

"Ano ba! Nakakainis ka na!" Baba sana ako kaso na-auto lock niya kaagad. Kainis!

"Wag mo na nga akong pahirapan." Sabi niya bago paandarin at iharurot ng saskyan.

Heto na nama  kami. Pagkababa namin siya naman itong hawak ng kamay ko papunta sa room namin.

"Kiefer! Ano ba? Pwedeng bitawan mo nga ako." Hindi siya nakikinig.

Parang nangyari na ito. Naulit na naman. Kainis. Pinagtitinginan na naman kami.

Haay.. Parang may magagawa pa ako.

Sa aming paglalakad ay nakita ko si Errol na papalapit sa amin. Nakatingin siya sa kamay namin kukunin ko sana yung kamay ko pero mahigpit itong hinawakan ni Kiefer.

"Congrats." Nakangiti niyang sabi sa amin. Sabay lakad palayo sa amin. Tinignan ko siya papalayo.

Feeling ko, ang unfair ko sa kanya.

Alam mo yun? Sya kasi yung unang lalakeng nagconfess sa akin ng feelings niya. Aaminin ko. Crush ko siya pero hindi ko naman alam na darating yung point na magkakagusto siya sa akin. Ano to? Fairytale?

"Kailangan mo ba talagang lingunin siya habang lumalakad papalayo?Tss." May pagkainis sa tono na sabi ni Kiefer.

"Hindi ka ba naawa sa tao?"

"Ganun talaga sa pag-ibig. Hindi pwedeng maawa. Ika nga nila, May the Best Man Win. Nanalo ako e. Haha." Ang korni niya.

"Kaya pati friendship mo ginive up niyo? Kasi ako, hindi ko kayang gawin iyon sa kaibigan ko. Kung tunay kang kaibigan hindi mo siya tatanggalin sa grupo niyo para lang sa isang babae." Bumitaw ako at lumakad palayo.

"Ipinaglaban lang kita sa kanya dahil ganun kita kamahal! Kung hindi siya naging karibal ko edi wala kaming problema!" Sigaw niya. May kalayuan na kasi ako at wala akong paki kung may makarinig sa amin na iba.

"Hindi ka ibang babae Kit! "Pahabol niya pa.

Tss.. Kunwari pa siya. Alam ko namang si Harmonica at hindi talaga ako.

Matapos ang klase ay nakipagkita ako kay Jiro sa garden.

"Jiro. Ibabalik ko lang itong damit na sinuot ko nung party. Pasabi kay Mommy mo, salamat." Iniabot ko sa kanya yung plastic bag na ang laman ay yung dress at shoes.

"Hindi na. Sayo nayan sabi ni Mommy. Gift niya sayo." Hindi niya kinuha sa kamay ko iyon.

"Ha? Ay. Hindi. Nakakahiya. Wag na."

"Kit. Sige na. Tanggapin mo na. Magagalit si mommy sa akin kapag hindi mo pa kinuha yan." Sige na nga. Kukunin ko na.

"Salamat."

"Ahm.. Sorry kagabi. Hindi na kita nahatid. "

"Ok lang. Nakauwi naman ako ng maayos. Ayoko ding maabala ka. Nakakahiya na yun."

"Ahm.. May itatanong sana ako?"

"Ano yun?"

"Usap-usapan kanina. Pero, hindi ako naniniwala. Kayo na ba ni Kiefer?" Ang bilis talaga ng chismis. Ano bng isasagot ko.

"Na-late na ako.." Mahina niyang sabi.

"Ano?" Hindi ko narinig e.

"Ah. Wala. Sabi ko baka ma-late ako. May quiz kasi kami mamaya at kailangan ko ng mag review." Pagdadahilan nito. Nagiging weird na din siya ha.

"Nga pala. Basta, kapag sinaktan ka niya, I'm always here for you. Kung kailangan mo ng makakaramay nandito lang ako... Illilibre ka ng Ice cream." Nahihiya niya pang sabi.

"Aay.. Ikaw ah. Kung hindi kita bestfriend iisipin kong may gusto ka sa akin." Pabiro kong sabi.

"Anong gusto?" Aish! Kahit saan ako magpunta lagi nalang sumusulpot ang mokong na ito. Sumisingit sa usapan.

"Ah. Sige Kit! Aalis na ako!" Hindi na niya ako hinantay na magsalita dahil tumakbo na siya papalayo.

Akala ko ba magiging matapang na siya? Medyo duwag pa din sa BLACK KNIFE.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit kasama ka nung unggoy na yun? May gusto ba siya sayo? Layuan mo yun. Sabihin mo, may Boyfriend ka na at ako yun." Grabe! Hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi ng lalakeng ito. Iniwan ko na lang sya doon.

"Hey, where are you going?" Naasunod na siya sa likod ko.

"Papasok na ako sa room." Sabi ko.

"Ah. Sabay na tayo." Heto na nama  kami. Umakbay na naman siya.

Alam niyo? Sawa na akong sawayin siya kasi hindi naman siya nakikinig sa akin e.

"Anyway, kinausap ko na si Errol." Tumingin ako sa kanya habang siya ay nakatinging deretso sa daan.

"Binabalik ko na siya sa BLACK KNIFE.." Talaga? Salamat naman.

"Ginawa ko yun para sayo." This time, tumingin siya sa akin at binigyan ako ng mabilis na smack sa lips.

*Dub dub dub dub
*Dub dub dub dub

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon